Chapter 6- Tissue ....

26 2 0
  • Dedicated kay Averjean Sy Tojino
                                    

At hindi nga ako nagkakamali..

Si Paolo..

Nagsasalita habang sinusuntok yung Pader na malapit sa Garden.

"SIOPAO !!!!!" Sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang siyang niyakap mula sa likod niya. Agad naman siyang napahinto sa pagsuntok.

"Katkat? Anong ginagawa mo dito?" Agad niyang tanong sa akin saka siya humarap.

Hawak na niya ngayon ang dalawa kong kamay na kanina ay nakayakap sa kanya.

"San ka ba nagpupupunta ha? Kanina pa ako naghahanap sayo.. Papatayin mo ata ako ehh (-_-)" sabi ko sa kanya. Nagulat naman ako nung bigla niya akong niyakap.

"O--Oyy.. Ano ba. Wag mo nga akong yakapin. Baka may makakita sa atin.." sabi ko habang pumapalag sa pagkakayakap sa akin ni Paolo. Kaya lang, masyado siyang malakas kaya hindi rin ako makawala.

"And So?? Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Tsaka anong mas gusto mo? Makita ka nilang yakap ko o ang makita ka nilang umiiyak?" Umiiyak ?? Ako ???

Napahawak naman ako kaagad sa pisngi at mata ko. Oo nga. Umiiyak nga ako. Bakit hindi ko alam?? At bakit naman ako umiiyak??

"Ano? Sinong umiiyak ha? Hindi ako umiiyak no." Tanggi ko habang pinupunasan na ang mga mata ko.

"Tss. Wala na eh. Pinunasan mo na. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Aba, hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sayo? Anong ginagawa mo dito? Halos ikutin ko na ang buong Campus sa kakahanap sayo. Tapos dito lang pala kita makikita. Pinahirapan mo pa ako." Mabilis kong sabi sa kanya.

"Talaga? Hinanap mo ko? Eh bat mo naman ako hinahanap ha?" tanong niya pa na parang nangaasar. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko.. Nahihirapan na akong huminga.

"Eh... Kasi....." Pilit kong sagot. Pero hindi ko na natapos dahil everything went black..

*****

Nasilaw ako sa sobrang liwanag nung dinilat ko ang mga mata ko.. Sobrang liwanag na tipong hindi ako makadilat ng maayos.

"Kat? Kat !!! Gising ka na !!! Tita !!! She's awake !!" Huh?? Sino ba yung nagsasalita na yun??

*creeeeeeeeek* (pintuan)

"Kathy!! Salamat naman sa Diyos at gising ka na."

"Mama? Ba--Bakit? Ano pong nangyari? Asan ba ako?" gulong-gulo kong tanong.

"Nandito ka sa Ospital. You passed out a few days ago." sagot ni Paolo na nasa tabi ng kama ko. Saka ko lang napansin na hawak niya ang kamay ko.

"A few days ago? Ilang araw na ba akong nandito?

"Pang 4th day mo na ngayon dito." WHAAAAAT???

"O_O ?? Seryoso?? Ano bang nangyari sa akin? Wala naman akong nararamdamang masakit eh." sabi ko pa. Tumingin naman sila ng masama sa akin.

"Hindi ka kasi kumakain kaya ka hinimatay. Mabuti na lang at kasama mo itong si Paolo nung time na hinimatay ka." galit na sabi ni mama.

"Ako hindi kumakain? Kumakain ako ah." pagpipilit ko.

"I mean, healthy and proper meals. Madalas kang nagsskip ng mga Meals mo kaya hindi nakakakuha ng sapat na vitamins yang katawan mo eh."- mama

"Okay. My fault." sabi ko. Tumingin naman ako kay Paolo.

Love Don't Cost a ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon