Chapter 9- Choices

7 0 0
                                    

Ilang oras din ang tinagal namin sa Ice cream shop dahil pinilit ko siya na wag muna kami umuwi dahil ayokong maabutan niya pa si Dylan at si Daddy sa bahay.

Siguro kapag nakauwi na kami wala na yung dalawang yon sa bahay.

"Kat, ayaw mo pa bang umuwi? Gabi na oh. Baka pagalitan ka na ni Tita."

"O sige. Umuwi na tayo." matamlay kong sabi.

"Ano bang problema? May nangyari ba sa bahay niyo kanina? Bakit ka tumatakbo palabas ng subdivision? " tanong niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.

"Walang nangyari. Nag-away lang kami ni Mama."

"Bakit kayo nag-away? Never ko pa kayong nakitang nag-away ng ganyan ha. Ano ba talagang nangyari?"

"Wala Paolo. Sige na. Umuwi na tayo." sagot ko sabay tayo at naglakad palabas ng shop.

Sumunod naman siya agad at naabutan niya akong nasa tabi ng motor niya habang nakasuot na ng helmet.

"Ang sungit mo. Tara na nga." he said it with a smile.

Sumakay na kami sa motor niya at agad bumalik sa subdivision namin.

Sana wala na si Dylan at si Daddy sa bahay.

*cross fingers*

"Who's with you?" sabay kaming napalingon ni Paolo sa nagsalita pagkababa namin pareho sa motor niya.

"My boyfriend. Why?" I said.

"Good evening po." sabi ni Paolo kay Daddy.

He eventually looked at me as if asking for some introduction.

"He's my long lost Dad." I said sarcastically.

Lumapit si Daddy kay Paolo.

"Dave Paolo Dela Torre, Sir."

Paolo held his hand to Dad and Dad took it immediately.

They shook hands habang tinititigan ang isa't isa.

Then Paolo showed his most charming smile kaya napangiti rin si Dad.

"Katherine."

"Mom." I casually said.

"Hi Tita!" masayang sabi ni Paolo ng magbitaw ang kamay nila ni Daddy.

Hinalikan niya sa cheeks si Mommy pagkalapit nito sa amin.

"Hi Paolo. Kanina ka pa hinahanap ng Mommy mo." nakangiting sabi ni Mommy.

"Ganon po ba? Sige po. Mauna na po ako." sabi niya at agad siyang sumakay sa motor niya.

Isusuot na niya sana ang helmet niya ng biglang lumabas si Dylan mula sa bahay.

"Finally. Akala ko hindi ka na uuwi Kate."

"What the hell is he doing here?!" inis na bulong sa akin ni Paolo.

"He's with my Dad. Bumisita lang yan. Kaya nga ayoko pang umuwi kanina dahil nandito sila. Sige na. Umuwi ka na."

"Will you be fine?" tanong niya habang hawak ang dalawang kamay ko.

"I'll be fine. Don't worry." I said and gave him a reassuring smile.

"Okay. I'll call you before you sleep. Drink your medicines, okay?" May mas ssweet pa ba kay SioPao ko? (♡˙︶˙♡)

"Okay. Salamat SioPao ko." I said at hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.

Love Don't Cost a ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon