Naupo kami sa may bench sa labas ng locker room. Alam ko na, kay Jake ko na lang itatanong kung bakit ganun si Paolo kay Dylan.
"Oy Jake, may tanong ako."
"Ano yun?"
"Alam mo ba kung bakit ganon pakitunguhan ni Paolo si Dylan?"
"Ah, yun ba? Alam mo, tama naman si Paolo eh. Dapat talaga iwasan mo yang si Dylan."
"Eehh?? Jake naman eh. Di mo naman sinagot yung tanong ko."
"Mali kasi eh."
"Anong mali? Yung tanong ko?"
"Hindi. Mali yung taong pinagtatanungan mo. Si Paolo dapat yung tanungin mo about jan."
"Eh? Bakit? Eh imposible namang hindi mo alam yun eh bestfriends kayo nun eh."
"Ayun na nga eh. Mag bestfriends kami kaya dapat irespeto ko yung desisyon nya kung ipapaalam niya ba sayo kung bakit siya ganon kay Dylan."
"Ah, ganon ba? Sige, iibahin ko na lang tanong ko. Hmp. Ano ba pagkakakilala mo kay Dylan? Kanina ko lang kasi siya nakilala eh. Di ko nga alam na anak pala siya ng may-ari nitong university, samantalang apat na taon na akong nandito. Alam mo naman ako, kayo lang ni Paolo yung masasabi kong close sa labas ng classroom natin"
"Last year lang kasi siya lumipat dito."
"Oh? E bat parang matagal na silang magkakilala ni Paolo?" Sasagot na sana si Jake ng biglang may lumabas sa locker. Ow, Nasa langit na ba ako? Bat may Anghel dito?
"Oh ano naman yang pinaguusapan niyo at parang narinig ko ata pangalan ko jan." Sus, si Paolo ba to? Bat parang iba? NakaPolo lang naman siya. Naka Pants na itim. May nakasabit na shades sa Polo niya. At, nakababa ang buhok. Palagi kasing nakataas buhok niyan eh.
"Oy Katkat, baka matunaw ako. Tara na nga. Baka hinahanap ka na ni Tita Althea."
"Oh, bat kilala mo mama ko? Nakiki-Tita ka pa."
"Baliw ka ba? Eh malamang kilala ko siya eh nasa iisang Subdivision lang tayo eh. At higit sa lahat magkaibigan ang Mama natin. Isang bahay nga lang pagitan natin ee. Ewan ko ba kung bakit may pumagitna pa."
"Ay Oo nga pala. HAHA. Tara na nga, nagugutom na kasi ako eh."
"Pre, salamat sa pagbabantay dito ha. Sige una na kami." paalam niya kay Jake at nag apir naman silang dalawa saka kami umalis.
Naglakad na kami ni Paolo papunta sa kung saan. Ah, dito pala sa Parking Lot ng School.
"Ano? Magmomotor tayo?"
"Ay hindi, magba-bike tayo. Natural Magmomotor tayo no. Ayan ang dala ko ngayon eh."
"Ha? Eh wag na lang. Magta-taxi na lang ako."
"Hindi pwede. Ano bang Problema? Natatakot ka ba?"
"Oo no. E Pano kung bukas ee hindi na ko makapasok dito sa School dahil inaabangan na ako ng mga Fans mo jan sa labas dahil lang sa umangkas ako jan sa motor mo?"
"And So?"
"Anong and so ka jan? Eh di ba sabi mo sa kanila dati, ang iaangkas mo lang jan sa motor mo eh ang babaeng gusto mo? Baka isipin nila ako yon no. Eh di nayari pa ko. Baka ibaon nila ako sa lupa ng buhay niyan bukas."
"Oo nga sinabi ko sa kanila yun dati. Wag ka mag alala, di ka nila gagalawin. Panahon na rin para makilala nila kung sino yung tinutukoy ko. Sakay na." Huh? Parang na Slow naman ako dun. Hindi naman siguro ako yung babaeng tinutukoy niya na gusto niya di ba? Naku, imposible yun no. Sobrang imposible.