Chapter 7- Mysterious Guy

4 0 0
                                    

"Dylan, bakit ka pala nandito?"

"Bakit masama bang bumisita sayo?"

"Hindi naman sa ganon."

"Bulaklak nga pala." sabay abot niya sa akin ng bulaklak.

"Sa iyo ba galing lahat ng bulaklak dito.?" tanong ko. Paano ko nasabi? Parereho kasi silang Pink Roses eh.

"Ah, Oo."

"Ay, salamat ha. Mukhang pwede na akong magtayo ng Flower Shop ah. HAHA.. Joke lang. Ang dami na kasi eh. Uy, may teddy bear oh !! Paabot naman !!" sabi ko na parang bata. Ngayon ko lang kasi napansin na may teddy bear dun sa may couch.

"Wow. Ang laki. Kanino kaya galing to?" tanong ko sa kanya. Malay mo sa kanya sin pala to galing.

"Galing yan sa mga blockmates mo."

"Oh? Pano mo nalaman?"

"Sabi ni Paolo. Nakita ko kasi siya na dala niya yan. Sabi niya galing daw sa mga blockmates niyo."

"Ah, ganon ba. Ang sweet naman nila." sabi ko sabay yakap sa malaking stuff toy.

"Kumusta na nga pala pakiramdam mo? Anong sabi ng doktor? " sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Ahm. Ayon. Kung anong laging sinasabi ng mga doktor. Kain daw palagi ng masusustansyang pagkain. At umiwas daw ako sa stress. "

"Ah. Kailan ka lalabas? Baka pwede kitang sunduin?"

"Ha. Eh.. A-ano kasi eh. Hindi ako sigurado. Baka kasi ano eh.. "

"Kat. Pwede ka na daw umuwi sabi ng doktor." biglang pasok ni Paolo.

"Great. So pwede akong sumama sa paghatid sayo pauwi. Besides, nanliligaw ako sayo." sabi ni Dylan. Hala. Ano bang sinasabi nito?

Tumingin ako kay Paolo na nasa pintuan pa rin.

Hala. Umuusok na yung ilong ni SioPao ko.

"What is he talking about Kat?" tanong sa akin ni SioPao.

"Ah. I don't know." pagkikibit-balikat ko.

"I'm going with her. Ihahatid ko siya pauwi." sagot ni Dylan kay Paolo.

"No John. Hindi pwede." ayan na! Magaaway na naman tong dalawang to! Bakit ba kasi pumayag pa akong magpaligaw kay Dylan eh.

"Bakit hindi? Sino ka ba para sabihin sa akin yan? " aba. Parang sumosobra na ata tong si Dylan ah.

Sino daw si Paolo?

Si Paolo lang naman ang bestfriend ko no.

At ang lifetime crush ko.

Na admirer ko na ngayon. (♡˙︶˙♡)

Teka. Bakit parang hindi sumasagot si SioPao ko?

"Fine. Kung anong magiging desisyon niya hindi na ako kokontra." sabi niya at akmang bubuksan na ang pinto ng pigilan ko siya.

"SioPao ko! Don't leave." napahinto siya pero hindi pa rin humaharap sa akin.

"Dylan. Hindi kasi pwede eh. Si Paolo kasi yung maguuwi sa akin. Kasama ko rin yung mama ko kaya hindi pwede."

"I just want to make sure na makakauwi ka ng maayos. Responsibilidad ko yon bilang manliligaw mo." sagot ni Dylan.

Hanubeyen. Di ba siya nauubusan ng sasabihin?

Love Don't Cost a ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon