Chapter 3

26 1 0
                                    

Zyrene

"Heto na ang pinakahihintay natin,

O heto na tayo at papasok sa hell...."

Gosh! I never imagine myself na papasok ako sa isang school na ganito. Perso in fairness, ang ganda pala talaga ng school nila. Napansin ko naman na sunod-sunod ang mga itim na kotseng pumasok sa gate ng NSU. Muntikan na nga akong matumba sa sinasakyang kong market bike. Oo na, sila nang mayaman. Tss! Agad naman akong pumunta sa parkinganan ng mga bikers at dumiretso sa una kong klase.

"Oo nga pala, saan ang una kong klase?"

Gosh! Hindi ko pala alam kung saan ang una kong klase. Agad naman akong naghanap ng map sa paligid. Tinignan ko ang relo ko. Naku, 30 minutes na lang at male-late na ako. Hanap+hanap+hanap+hanap, 10 minutes na lang. Saang lupalot na ba ako nakarating?

5 minutes na lang...

"Ahhh"

Aray ko po. Tinignan ko naman yung nakabangga ko. Agad ko itong tinulungan.

"N-naku miss, pasensya ka na? Nasaktan ka ba?"

"Ah, ayos lang ako" sagot ng babae

"P-pasensya ka na ha? Nagmamadali kasi ako"

"Ako nga rin eh. Sige, mauna na ako" paalam niya

Tatakbo na sana ako nang maalala ko.

"Ah miss, sandali. Um, may itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung saan itong room na ito?"

"Teka, dun rin ang punta ko"

"T-talaga?"

"Oo. I think kailangan na nating magmadali"

"Tama ka. Tara na"

Dali-dali naman kaming tumakbo patungo sa klase namin. At thank God, we're not late. Agad kaming naghanap ng mauupuan saka nagpahinga. Natawa lang kaming dalawa.

"Nga pala, Zyrene Miranda. Sorry kanina ulit"

"Teka, Miranda? Anak ka ng may-ari ng ZM Corporation?"

"Ah, kasi.... sino ba yan?" napakamot ako ng ulo

"Ahaha. The way response, I think your not his daughter. I'm Rica Quijano by the way" we shook our hands

"Sorry ha, hindi ako updated sa mga businessman dito sa Pilipinas. Pero sino siya?"

"Ah, isang sikat na businessman si Leonardo Miranda. Ka-counterpart ng business ng mga Liano which North Star Corporation"

"Ah! Ganun ba. Tss! May kapilyido pala akong sikat" i smiled

"Bago ka pa lang dito no?" tanong niya ulit

"Yeah. Actually, hindi sana ako dito mag-aaral. Pinilit lang ako ni mama"

"No way! Lahat ng estudyante sa Pilipinas ay gustong pumasok dito. Maliban sayo"

"Hindi ko talaga feel ang pumasok dito. Feeling ko, di ako magtatagal dito eh"

She chuckled, "You're so funny. Magsisimula ka pa nga lang, ganyan na agad ang iniisip mo. Observe ka lang. Malay mo, dito ka nga ga-graduate"

"Tama ka. Masasanay rin ako dito. Nga pala, ang tagal ata ng prof natin?"

"Baka na-traffic lang yun sa hallway"

"Na-traffic? Sa hallway?"

Bigla namang may dumating at parang galing pa sa pagtakbo.

"Guys! Nandito na ang F4!"

My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon