Chapter 18

10 0 0
                                    

Zero

Napainat naman ako ng katawan ko. Mukha yatang napasarap ang tulog ko dahil maghahapon na.

I check the time on my watch. Its already 5:15pm. I guess I will continue my sleep in my house.

Palabas na ako ng building ng mapansin ang mga estudyanteng busy sa katsitsismis. Tss! Mukhang si Zaijan na naman ang pinag-uusapan nila.

"Ang kapal talaga nung babaing yun na kalabanin si Zaijan. Sana nga mawala na siya dito. Papansin kasi eh" rinig kong sabi ng babae.

"Tama ka. Buti nga at pinatulan na ni Zaijan para naman magising na siya sa kahibangan niya" sabi naman ng pang isang babae.

Napahinto naman ako. Hindi kaya....

Agad naman akong pumunta sa building nila Zyrene. Pero napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga tao. Bigla namang uminit ang ulo nang makitang may plano pa silang pagtripan iton.

Hindi pa ako nakakalapit sa kanya ng bigla nalang siyang napaluhod at napahiga.

"Zyrene!"

Binilisan ko naman ang pagtakbo at tinungo siya.

"Zyrene! Please, wake up!" niyugyog ko ito. "Anong tinitingin-tingin niyo. Tumawag na kayo ng ambulansy. Zyrene, please hang on" niyuyugyog ko pa rin ito. "What are you doing?! Call the the f***ing ambulance. NOW!" sigaw ko sa kanila.

Agad kong dinama kong humihinga pa ba siya. Pati pulse nito. Sh*t! Hindi maganda ang lagay niya. Pahinto-hinto ang pagbeat ng puso nito.

Sinubukan ko naman siyang i-CPR upang makaresponse naman ang puso niya. Sh*t! Hindi siya pwedeng mamatay.

Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya at agad din namang pinasok si Zyrene sa loob. Nilagyan siya ng oxygen mask upang matulungan siyang huminga.

Ilang minuto ang dumaan at narating na namin ang ospital at isinugod sa E.R.. Napasandal nalang ako sa pader at napaupo.

I can't believe na makakaramdam pa ako ng ganito simula nung nawala si mama. Napukaw lang ako sa pag-iisip ko nang may tumawag. Galing ito sa bag ni Zyrene.

Nangtignan ko ang tumatawag ay nagdalawang-isip pa ako saka ko ito sinagot. Nanginginig akong sinabi sa mama ni Zyrene ang nangyari rito. Agad rin naman nitong binaba ang tawag.

Ilang minuto ang lumipas ng maaninag ko ang mama ni Zyrene na umiiyak.

"Kumusta na ang anak ko? Anong nangyari? Bakit siya biglang inatake? Hindi naman siya bigla-biglang inaatake eh...." hagulgol nito.

Napayakap nalang ako sa kanya. Pati ako napaluha na rin. Sa maliit na panahon, naging malapit na rin sa akin si Zyrene. At maitituring ko na siyang kaibigan.

Pero bakit ganito? Kung kailang ako nagkaroon ng kaibigang nakaiintindi sa akin, saka pa nagkakomplekado.

Napahiwalay naman kami ng yakap ng lumabas ang doctor.

"Kumusta po ang anak ko?"

"Tatapatin ko po kayo, delikado ang lagay ng puso ng anak niyo. And I suggest na mag-a-undergo tayo ng angioplasty  sa lalong madaling panahon. Nakita sa test namin na may bara sa artery niya."

Napahagulgol naman ang mama ni Zyrene. God! Please help her. Please, kailangan pa siya ng mama niya. Kailangan ko rin siya.

"Tita kailangan nating ipaopera agad si Zyrene." suhestyon ko sa kanya.

"S-sige. Gawin niyong lahat, dok. Iligtas niyo ang anak ko."

"Makakaasa kayo misis. Excuse me."

Napaupo naman kaming dalawa habang umiiyak pa rin ang mama ni Zyrene. 

"Bakit ba nagkaganyan ang anak ko? Paano ko mababayaran ang pangpaopera niya? Bakit sa kanya pa yan binigay? Hindi siya dapat nagkakaganyan" iyak ng mama ni Zyrene.

"Don't worry tita. May foundation ako na tumutulong sa mga may sakit sa puso. Please let me help you. Kahit yan lang ang maitulong ko sa inyo" I humbly requested.

"Pero sobra na ang naitulong mo sa amin-----,"

"Please tita. Kaibigan ko si Zyrene. At hindi rin ako papayag na may mangyaring masama sa kanya."

Napatango nalang siya. Sinabi naman ng doktor na naibsan na ang pagbara sa puso ni Zyrene. Habang umiepekto pa sa kanya ang gamot, kailangan na naming magmadali upang maligtas lang siya. 

"I suggest misis na i-lessen ang stress or fatty foods na makakatrigger sa kanya. If mangyayari na naman ang isang attack, kakailanganin na natin ang by pass surgery. And worst is heart transplant. Kaya kailangang pag-iingat para hindi na ito maulit. Pagpahingahin lang siya for 24 hours dito after namin alisin ang balloon sa artery niya saka lang pwedeng makalabas. Pero kakailanganin niya ng pahinga for a week para total recovery niya."

"Sige dok, salamat."

Tumango lang ang doktor saka umalis. Buti na lang at hindi heart transplanting ang ginawang operation kundi hindi namin alam kung saan maghahanap ng donor kapalit sa puso ni Zyrene.

Isang blood clotting ang dahilan ng heart attack. Pumundo ito sa loob ng artery kaya hindi makadaloy ang dugo niya ng maayos. At nakatrigger ang pagiging emotional niya kanina kaya siya nawalan ng malay.

I hope na kakayanin niya ang operasyon. Hindi ko kayang mawalan ulit ng kaibigan. Marami pa siyang pangarap. Hindi ko namalayang napadpad na ako sa chapel ng ospital.

Please God, help her. Please, kahit siya lang ang itira mo sa akin. Hindi ko kaya na mawalan ng karamay ulit. Please God, spare me.

Naramdaman ko na lang na may humahagod sa likod ko. Si tita Christina.

"Kailangan nating maging malakas para sa kanya. Kaya maging matatag ka, anak" naiiyak niyang sabi.

Napatango nalang ako saka tinignan ang rebulto ni Jesu Kristo. Right. I need to be strong. For her sake.

------------------------------------------------------------

Whew!

Thank God nakapag-update ako. Hope you like it guys! Yan lang muna dahil medyo sumakit ang braso ko kakapindot ko sa keypad. Sana tangkilikin niyo rin ito.

Arigato gozaimasu! 🙏


My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon