Chapter 19

4 0 0
                                    

Christina

Kasalukuyan akong nakaupo sa labas ng ICU at hindi alam ang gagawin. Sana nakinig na lang ako sa anak ko. Sana ay hindi siya nalagay sa alanganin ngayon.

Isa-isa ko namang pinahiran ang mga luha ko. Kasalanan ko rin ito kung bakit nagkaganyan ang anak ko.

"Ma"

Napaangat naman ako ng ulo at nakita ang panganay ko. Agad akong tumayo at niyakap ito. Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ulit ako natakot.

"Shh! Tahan na ma. Di ba ayaw ni Zyrene na nakikita kang ganyan? Please, ma" pang-aalo ni Quartz.

"Kasalanan ko ito. Kung hindi lang ako pumayag na papag-aralin siya doon, hindi sana nangyari ito. Kasalanan ko ito..." hagulgol ko.

"Shh! Hush now. Walang may kasalanan. Tahan na po"

Ilang minuto rin akong niyakap ng panganay ko saka kami lumapit sa window glass ng kwarto ni Zyrene. Ang anak ko. Hindi dapat siya nandiyan.

"Kumusta na po siya?" kalmadong tanong nito.

"Maayos na siya sa ngayon. Pero, pag-inatake ulit siya, transplant na ang kasunod. At hindi sure kung makakayanan ni Zyrene ang operasyon kung mangyari yun" naiiyak ko pa ring paliwanag.

"That's not gonna happen. Let me help you ma. Akong bahala sa kanya" pangungumbinse niya sa akin.

"Anak please, mas lalo lang lalala ang sitwasyon. Baka mapano pa ang kapatid mo. Duwag na kung duwag anak pero ayoko nang maging bahagi ulit ng buhay ng dad mo. Naiintindihan mo naman siguro kung bakit di ba? Hindi ko kaya na baka isang araw mawala na naman sa akin si Zyrene"

"But ma..."

"I can help them"

Napalingon naman kami ni Quartz sa nagsalita. Si Zero pala.

"Who are you?" tanong ni Quartz.

"Zero Domingo. Kaibigan ako ni Zyrene. And you must be Quartz Miranda. The sole heir of ZM Corporation" paliwanag ni Zero.

"Domingo? Are you related to Kian Domingo? The famous artist?" balik tanong ni Quartz.

"No" simpleng sagot nito.

"Ah, anak. Siya ang nagdala kay Zyrene dito. Schoolmate kasi siya ng ka--- ni Zyrene" muntik na akong madulas.

"I'm sorry but may I know kung bakit nandito ang isang Miranda?" may pagtataka sa tono nito.

"I'm her----"

"Siya ang benefactor ni Zyrene sa pag-aaral niya sa school. D-dati kasi akong nagtatrabaho sa pamilya nila kaya--"

"Ma!" sigaw ni Quartz.

Umiling-iling naman ako sa anak ko. Hindi kailangang malaman ng ibang tao na magkapatid sila. Kundi, malaking gulo ang papasukin namin ulit.

"Ganun po ba? Well, don't worry too much Mr. Miranda. Our foundation can help her with her medicines and hospital bills" paninigarado nito.

Nagkatinginan naman kami ng anak ko. Sinenyasan ko lang ito na pabayaan nalang. Mabuti naman at pumayag ito. Nag-excuse naman ako kay Zero upang makausap ng masinsinan ang anak ko.

Dinala naman kami ng mga paa namin sa garden ng ospital.

"Why did you do that ma? And for Pete's sake, bakit may manliligaw na ang kapatid ko?" napalingon naman ako.

"Ano ka ba naman anak? Sabi nga niya kanina di ba kaibigan siya ni Zyrene" pangungumbinse ko.

"Well I'm not convince. Paano kung boyfriend pala yun ni Zyrene? May pa-friends friends pang nalalaman" reklamo nito.

"Alam mo anak, wala namang masama kung magkaboyfriend ang kapatid mo. Tsaka mabait na bata si Zero"

"Basta. Ayoko sa kanya o sa kahit sino. Ma, bantayan niyo yang si Zyrene. Bawal pa sa kanya ang magboyfriend. Hindi pwede"

"Hay naku! Nagpapakakuya na ang anak ko"

"Kuya naman talaga niya ako. At saka bakit ba ayaw mong ipasabi kanina na kapatid ako ni Zyrene. Naging isang hamak na benefactor pa ako kanina" reklamo pa rin niya.

"Sorry na anak. Ayoko lang na may ibang nakakaalam na may koneksyon si Zyrene sa inyo. Ayoko na ng gulo"

Napatahimik naman kami sandali. Duwag ako pagdating kay Zyrene. Iniiwasan ko lang naman talaga na magulo ang buhay niya. Ayokong matulad siya sa akin na ipagtutulakan rin siya ng mga kamag-anak ng ama niya.

"Gusto ko pong magpakilala na kay Zyrene. At hindi niyo po ako mapipigilan"

"Anak, please. Wag ngayon" pagmamakaawa ko.

"Then kelan ma? Kung hindi mo ako tinawagan, hindi ko pa malalaman na sinugod sa ospital ang kapatid ko. Eh paano kung bumitaw na siya kanina, eh di hindi kami nagkaroon ng pagkakataong maging malapit ulit. Ma, kapatid ko ang pinoprotektahan niyo mula sa akin. May karapatan naman siguro akong ipakikilala ang sarili ko sa kanya di ba? O baka naman pinatay mo na rin ako sa alaala niya gaya ni dad"

"Anak, hindi naman sa ganun.."

"Ma, kung nag-aalala ka sa mga kamag-anak ni dad, then let me handle it. Ano pa at ako na ang namamahala sa kompanya namin. Ma, kaya ko ring protektahan ang kapatid laban sa kanila. Just please, payagan mo akong makasama siya" pagmamakaawa niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ayaw ko man sa iniisip ni Quartz ngunit malaki rin ang nasayang na panahon na sana ay nagkasama silang magkapatid.

"Sige, pumapayag na ako"

"Talaga ma?" nagliwanag ang mukha nito.

"Pero sa isang kondisyon"

Nawala naman ang ngiti sa labi nito at naging seryoso.

"Ano po yun?"

"Magpakilala ka sa kanya bilang benefactor niya. Sa ganun ay hindi mahahalata ng lahat na may ugnayan kayo. Gawin mo lahat ng magagawa bilang kapatid niya pero wag na wag mong sasabihin sa kanya. Lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Ayokong mawalan ulit ng anak. Nawala na kita, ayoko nang pati si Zyrene ay mawala na lang bigla sa akin. Naiintindihan mo ba yun anak?" kalmado kong pakiusap sa kaya.

Napatango lang ito. "Then, its a deal. Wala nang bawian yan ha"

"Salamat sa pag-unawa anak"

"Tama rin po naman kayo. Baka lalo lang siyang mapahamak kapag nalaman niyang anak siya ng isa sa pinakamayaman sa bansa natin. Baka atakihin pa yun sa puso" biro niyo.

Napatawa nalang kami ng mahina.

"Just call me kung may mangyari. At bilang benefactor nga niya, sana tanggapin mo ang tulong ko. This is about my little sister. And like you, ayoko rin siyang mawala. Kaya sana, tanggapin niyo po ang mga tulong na ibibigay ko"

"Wag na anak. Gamitin mo nalang yan kapag nagkakilala kayo. I'm sure gagastos ka ng marami maibigay mo lang sa kanya ang pangangailangan niya. Pero yung sakto lang ha. Baka sa dami ng ibibigay mo, masabihan pa kaming mayaman o di kaya'y mga masasakit na salita na hindi makakbubuti sa kanya. Hinay-hinay lang ha"

"Hindi ko po maipapangako pero susubukan ko"

Tinignan ko naman siya ng deretso. "Okay, slight lang. Sorry, gusto ko lang bumawi sa kapatid ko" tinignan ko siyang mabuti saka napatango na rin ako.

"I hope she will be alright na. Hindi na ako makapaghintay na makasama ulit siya"

"Sana nga at maging okay na ang kapatid mo"

Napatingin naman ako sa malayo saka bumuntong-hinga. Sana nga maging maayos na ang lahat.

My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon