Chapter 11

11 0 0
                                    

Zyrene

Walang hiya talaga yung gorilla na yun! Huhu! Napakadilim ng dinadaanan ko. Kapag na-disgrasya talaga ako, mumultuhin ko siya. Huhu! Mama. Help me.

Nakarinig naman ako ng kaluskos sa may damuhan. Nagmadali akong maglakad baka kung ano nayun. God, help me. Ayoko pang mamatay.

Nakarinig naman ulit ako ng kaluskos di kalayuan sa akin. Nagsimula na akong kabahan ng matindi. Naiiyak na rin ako sa takot. Gosh! Ano bang napasukan ko.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng tahol ng aso. Naku, hindi na maganda to.

"Ma..... tulungan niyo ako...." naiiyak na sambit ko

Napaupo ako sa takot at nanalangin na rin. Sumisikip na ang dibdib ko hanggang sa tuluyan na akong nahimatay.


Zero

"Zero anak, ano ang masasabi mo sa bulaklak na ito?" tanong ni mama

"Maganda po"

"Maganda lang?"

"Mama naman eh. Ginagawa niyo akong babae niyan"

"Aba aba, kailan ka pa nagkaganyan? Tsaka gusto ko lang namang malaman mo kung ano sa tingin mo ang mga features nito. Di ba gusto mong maging painter? So tell me Mr. Painter, how can you see as an art is this flower?"

Nag-isip muna ako bago ako sumagot.

"Maputi, maganda at napaka-unique ng shape niya. It symbolize you mama"

"Ganun? Bakit ako?"

"Because you have a pure heart like the color of the flower. You are so kind to all people to the point na naabuso na" napasimangot akong bigla

"Anak.."

"I know what is going on with you and dad. You can't deny it ma"

"Anak, let us handle our problem okay? You are too young to be part of our problem. Do you understand me anak?"

"I know he's cheating on you"

"Zero" saway niya sa akin

"I'm sorry mama"

"You are forgiven anak"

Nagising naman ako ng may tumapik sa akin.

"Sir, sorry to interrupt you but magsisirado na po ang sanctuary" paumanhin ni June

"Okay"

Nauna namang umalis si June. Tumayo na ako sa inuupuan kong bench at kinuha ko ang bouquet ng bulaklak na paborito ni mama.

Hindi kalayuan sa santuary ng may napansin si June na babaeng nakahiga sa daan. Hindi sana namin hihintuan pero pinahinto ko ang kotse ng makilala ko ang babae.

Agad kong binabaan ang babae at nilapitan. Hindi nga ako nagkamali.

"Zy? Zyren. Gising" niyugyog ko ito at binuhat ito. "June, sa ospital tayo"

Dahan-dahan ko siyang isinakay sa kotse ko saka kamu umalis. Ano kaya ang nangyari sa kanya? At bakit siya nasa madilim na daan?

Zaijan.

Naalala ko na may nagpabook sa garden restaurant. I think siya ang gumamit doon.

Unconscious pa rin si Zyrene ng makausap ko ang doktor. Inatake na naman siya. Damn him. Ano bang pumasok sa isip niya at natripan na naman niya si Zyrene?

Ibinilin ko na lang si Zyrene kay June. Kailangan kong makausap ang dahilan ng heart attack ni Zy.

Nang makarating ako sa Liano mansion, dumiretso ako sa kwarto niya. Pagpasok ko doon ay agad ko siyang kinompronta. Tingin lang ang binati niya sa akin.

"What do you want from her?" deretso kung tanong

"What are you talking about?" ibinaba ang librong binabasa sa table

"I know who I am talking about" inis kong sabi

"So, you are interested on that bitch"

"Zaijan! What's happening to you?!" galit kong tanong ko

"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Tell me honestly. May gusto ka ba sa babaing yun at pinagtatanggol mo pa siya sa kin?"

"She's not what you think. At isa pang masamang salita sa kanya, you will be facing the floor right away"

"Why do you care for her that much? At mas pinili mo pa siya sa akin, sa amin. Are you being spelled by her huh?"

"You're impossible. Leave. Her. Alone"

"Why do I do that? I told you she's my toy"

"I told you she's mine. Kaya wala kang karapatang gawin sa kanya ang ginawa mo sa iba. Alam mo tumatahimik lang ako sa mga pinaggagawa mo dahil kaibigan kita. Pero ngayon, I don't think you're still my friend"

"Huh! So you want to get out of the group? Fine. Magsama kayong dalawa ng bitch mo---"

Hindi na natapos ang sinasabi niya dahil sinuntok ko na siya.

"I told you, you will face the floor if you say that to her. At kahit hindi mo sabihin, I quit to your group"

Hindi ko na siya hinintay at lumabas na ako sa kwarto niya. Alam ko mahirap na kalaban si Zaijan but hindi ko aatrasan. Lalo na ngayon at tinuturing ko na si Zy na kaibigan.

------------------------------------------

Konnichiwa!

Sorry ngayon ko lang to na update. Sana tinatangkilik niyo pa rin ito.

Zyrene's name pronounciation:
(/Zay//ren/)

Ja-ne!

My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon