Chapter 16

15 0 0
                                    

Zyrene

Kunti nalang talaga at mapupokpok ko na 'tong mga asungot na ito. Nawala lang saglit si Zaijan, yung dalawang sunod-sunuran naman ang nambubulabog sa akin.

Hay! Sumasakit na talaga ang ulo ko. I'm a big fan of meteor garden, pero hindi ko alam na ganito pala kalala ang sitwasyon ni San Chai sa telenovela na yun.

"Hi Zyrene. Buti naabutan ka namin. Kakain sana kami, gusto mong sumama?" tanong ni Vielt na nakangiti pa ang mokong.

"Do you think I will accept it? Nawala nga ang kaibigan niyo, kayo naman ang nabubulabog sa akin. Pwede bang tantanan niyo ako!" singhal ko sa kanya.

"Chill, Girl! We were just inviting you. No hard feelings. Tsaka, I think labas na kami sa away niyo ni Zaijan. We're not Zaijan, di ba bro?" nilingon niya si Dean.

"Yup. We're just being nice to you. You should be greatful dahil napapansin ka namin" natatawang sagot ni Dean.

"Well, I'm not really greatful. Kaya, pwede ba lumayo na kayo. You're not even worthy of my time" pang-iisnob ko sa kanila.

Aakmang aalis na ako sa harapan nila ng humarang ang mga ito ulit.

"You're bravery really impressed me. Kaya nga kita gustong maging kaibigan. You are quite straightforward when it comes to us. I really like you na" ginaya pa ni Vielt si Kris Aquino.

Napataas lang ako ng kilay. "Ewan ko sa inyo. Para kayong mga bata, ang hirap ipaintindi" nasabi ko nalang saka nilagpasan ang dalawa.

Hindi pa ako nakakarating sa gate ay agad nila akong hinila papuntang kotse.

"H-hoy. Ano ba?! This is kidnapping. Saan niyo ba ako dadalhin?" kinakabahan kong tanong.

"Don't worry, ihahatid ka lang namin sa pinapasukan mo. You know, doon na lang din kami kakain" sagot ni Vielt.

"We want to try your food naman. Para naman maging in kami sa world mo. 'Di ba ang saya nun" sabi ni Dean habang nakangiti at nagtaas-baba pa ang kilay.

"S-siguraduhin niyong sa Snack Bar & Shop niyo ako ibababa. Kundi makakatikim talaga kayo sa akin!" warning ko sa kanila.

"Anong klase ang ipapatikim mo sa amin?" ngumiti ito ng nakakaloko.

Tinampal ko naman ang noo nito at mukhang natauhan ito. "Subukan niyo lang na manyakin ako, pagbuhol-buhulin ko yang mga intestine niyo!" matapang kong banta.

Natawa na lang silang dalawa na ipinagtaka ko naman.

"You are one of an amazing girl we ever met" natatawang komento ni Dean.

"Korek ka diyan. O! Nandito na tayo. Sabi ko naman sayo eh, ihahatid ka namin" he wink at me saka siya lumabas.

Nagsilabas na kami saka pumasok sa loob. Si Lianna naman ang nakita kong sumalubong sa amin.

"Good morning----- bf!" agad niya akong nilapitan at niyakap. "Gad! Namiss kitang babae ka!" sabi niya saka niya ako niyakap ulit ako.

Napahiwalay naman kami ng tumikhim si Vielt. Nanlaki naman ang mata ni Lianna pagkakita kina Vielt at Dean.

"A-um, m-may kasama ka pala" nahihiyang sabi niya at umiwas ng tingin. "W-welcome po sa Snack Bar & Shop" nagnod lang ito ng hindi tumitingin sa amin.

"Hmm, not bad for a small café" puna ni Dean habang tinitignan ang kabuuan ng shop.

"Yup. So, anong pinaka-the best niyong snack rito?" nakangiting tanong ni Vielt.

"Um... a-ano po..."

"They serve the best cupcakes and pinoy snacks rito. Gusto niyong subukan ang turon nila?" suhestyon ko.

My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon