Chapter 25

6 1 0
                                    

Zaijan

This is what I want. To be free from any problems. Everytime na nasa bar ako, para akong nakakatakas sa realidad na hindi ko gusto. I hate my life.

"Bro, anong ginagawa mo diyan? Akala ko ba magparty-party tayo." untag sa kanya ni Dean.

"I'm okay in here. Makisaya lang kayo ni Vielt doon."

"You're no fun, Z. C'mon! Kung gusto mong makalimot kahit ngayon man lang, lubusin mo na." pang-eengganyo pa rin nito.

"I said I'm okay." I insist.

"Hay! Ang gulo mo. Sunod ka lang sa amin kapag gusto mo okay?"

Lumayas naman siya sa harap ko. Here I am want to enjoy the night yet I can't have fun a little. Bigla ko nalang naalala ang isa sa mga gumugulo sa akin ngayon.

---------------------------------

Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko na may nag-uusap sa sala. At sa boses pa lang ay alam kong si ate ang may nangingibabaw na boses.

"Gosh! Ganun pala yun? Anyways, pupunta F4, I mean F3 sa bar. Gusto niyo rin bang sumama?"

"Hindi na muna. Plano naming pumunta sa isang restaurant kung saan may open mic." sagot ni Zero.

"Hmm, parang mas maganda nga yang pupuntahan niyo. Hindi naman halata na mahilig kayo sa music. Sige, papayagan ko kayo pero may curfew kayong dalawa. Bumalik kayo dito at exactly 10 pm. Alam kong mapagkakatiwala ka Zero pero babae pa rin yang kasama mo. And it's a no no for me kung magtatagal kayo sa labas na kayo lang dalawa. Responsibilidad ko kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo, ate Chartlotte. 10 pm nandito na kami." ulit naman ni freak.

"Makaasa ka sa akin, ate Shar."

"Good. Sige na, basta ang bilin ko ha."

Sabay namang umalis ang dalawa saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko.

"Really? Curfew?"

"Why? Gusto mo rin ba? Wait.... I think you need it too. 10 pm rin ang curfew niyo."

"What? NO way! Ano ako bata?"

"If you will act like one, then I'll treat you like that. 10 pm sharp. Take it or not?"

"Tsk! Fine! 10 pm. Aalis na ako."

Hindi ko na pinagsalita si ate at nagmadalaing umalis doon. I can't believe this. 

-------------------------------------

Napukaw ako sa iniisip ko nang maghiyawan ang mga tao. Ano nga bang ginagawa ko dito? Hindi naman ako nag-i-enjoy. Kasalanan 'to nung freak ngayon. 

Nagsunod-sunod naman ang pag-inom ko hanggang sa bigla nalang akong nahilo. Grabe pala ang alak nila dito, madali kang mapapalasing. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. At ang huli kong naaninag ay ang papalapit na bulto nina Dean at Vielt.

Zero

Hindi ko akalain na magugustuhan ni Zyrene ang makakita ng mga live bands. Masaya rin ako dahil nagustuhan niya.

"Hey, gusto mong subukan?" Suhestyon ko.

"Ha? Ano, wag na. Nakakahiya. Tsaka, nag-eenjoy naman akong nanonood lang. Ang gagaling kasi nila." Paliwanag niya habang nakatingin sa stage.

Bigla ay may naisip ako. Nagpaalam muna ako sa kanya upang magbanyo ngunit hindi niya alam ang gagawin ko.

Pagkatapos kong gawin ang plano ko ay bumalik na agad ako.

"Natagalan ka ata?"

"May ginawa lang ako."

"And for our next performer. Gikan pane sila sa Manila. So let's help welcome our visitors from Manila, Zyrene and Zero. Guys."

"Hala! Bakit----,"

"Let's go." Hila ko sa kanya.

"Hala! Ano ka ba Zero? Nakakahiya--,"

"Halika na." Hila ko pa rin sa kanya patungong stage.

"I hate you." Bulong niya.

Nginitian ko lang siya. Senenyasan ko naman ang banda.

[Music: Tadhana by Up Dharma Down]

🎵Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta 🎵

Ang ganda talaga ng boses niya. Hindi talaga ako magtataka na may makadiscover sa talent niya.

🎵Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo 🎵

Nang matapos kaming kumanta ay nagsipalakpak ang mga tao. Nagpasalamat naman kami saka bumalik sa table.

"Grabe. Kinabahan talaga ako. Ikaw naman kasi pabigla-bigla ka. I hate you." Reklamo niya.

Natawa naman ako. "Pero nairaos mo naman. Tsk! Tsk! Tsk! Masyado ka talagang pa-humble." Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Uy! Ano ba? Ang gulo na nga ng buhok ko ginulo mo pa lalo." Napasimangot ito.

"Okay. Sorry kung hindi kita inabisuhan. Pero kahit nanginginig ka kanina, maganda pa rin ang boses mo. Malay mo, may makadiscover sayo. Magpapasalamat ka talaga sa akin."

"Tsk! Whatever. Uy! Malapit na palang mag-10 pm. Last na 'to ha." Sabi niya habang nakatingin sa wristwatch niya.

"Okay. Last song nalang itong panonoorin natin."

"Punta muna ako ng banyo ha. Sakit na ng pantog ko." Paalam ni Zyrene.

"Samahan na kita." Tumayo ako.

"Naku wag na. Saan ba banda?"

"Dumiretso ka lang then kumanan ka. May signage na c.r."

"Okay. Sige." Nagmadali naman siyang umalis.

Tinungga ko naman ang natira kong beer habang nanonood ako. Pero ilang sandali pa ay parang nakaramdam na ako ng hilo.

Hindi ko na masyadong marinig ang kumakanta. Shit! Hindi pwede 'to. Baka hindi ko mauwi si Zyrene ng maayos.

Hindi ko na talaga kaya ang antok. Napasubsob na ako sa table. At ang huli kong narinig ay ang pagtawag akin ni Zyrene.

Zyrene

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko kasi akalaing magagawa ko ito kay Zero. Baka magalit siya sa ginawa ko sa kanya.

"Hey, bakit ka nandito, Hero girl? Tara na sa loob. Nagpahanda na si ate Charlotte ng makakain." Aya ni Vielt.

"Vielt, nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Zero. Baka magalit siya aa akin at hindi na niya ako papansinin." Nag-aalala kong sabi.

"Tss! Don't worry about it, okay. Ginawa mo lang ito para sa kanya. Tsaka, hindi naman nagtatanim ng galit yun. At kung magalit man siya sayo, don't worry. To the rescue ako. I would be your Hero Man." Nagpoise naman ito na mala superman.

"Oo na. Tama na yan. Mahangin na nga dito dinagdagan mo pa." Biro ko saka siya iniwan.

"Hey, I'm not joking you know. Uy! Hinatayin mo naman ako." Habol niya.

Napailing nalang ako sa pagkaplayful ni Vielt. Hay! Not bad for him to become friend.

Sana nga lang ay okay si Zero ngayon. At sana rin hindi siya kinain ng alien na gorillang yun. Hawakan lang niya kahit dulo ng buhok ni Zero, hindi ko siya uurungan. Malalagot talaga siya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon