Chapter 23

3 0 0
                                    

Zyrene

Hindi na ako masyadong nakinig sa professor dahil inaantok na talaga ako. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa sinabi ng kapatid ni gorillang yun.

"That's all for today. Class dismiss."

Nagsitayuan naman ang iba kong kaklase habang nakahiga pa rin sa desk ang ulo ko.

"Zy? Hindi ka pa ba tatayo diyan?" Tanong ni Rica.

"Ha? Um, mauna ka na. Susunod lang ako" nasabi ko nalang sabay ngiti sa kanya.

Napatango nalang si Rica saka ito umalis. Napahiga naman ako ulit at pinikit ang mata ko.

Nagulantang nalang ako nang may humampas ng board. Nag-init naman ang ulo ko ng makita ko kung sino ang salarin.

"Ano na namang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko. Hanggang sa kapatid ko ba naman, nakikisimpatya rin sayo. Tell me, what kind potion did you spread in my school para kumampi sila sayo? You wicked witch."

Napatawa naman ako sa kanya. "And what kind of illusion are you talking about? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang naghasik ng lagim sa SCHOOL mo" ganti ko naman sa kanya.

"Huh! At talagang lumalaban ka talaga ha? Pwes, hinding-hindi ako magpapatalo sayo. Kahit kailan, hindi mo ako mapapasunod."

"Bakit? Aanuhin ba kita? Delusional." Tumayo naman ako sa upuan.

"Wala kang karapatang maunang umalis." Pagkasabi niya nun ay umalis na ito.

"Psh!"

Lumabas na rin ako para pumunta sa susunod kong klase. Sira na talaga ang araw ko. Ang ganda talaga ng timing nung alien na yun. Grrr!!!

Charlotte

Hindi maalis sa labi ko ang isang ngiti. Sa wakas, my brother got his opponent. And it makes me excite king anong mangyayari sunod.

"Hmm, magawan nga ng plot ang storya niya" bulong ko sa sarili.

"Senyorita, nandito na po tayo" untag ni Ben sa akin.

Napalingon naman ako sa kanya. Agad naman siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Nandito ako ngayon sa NSU. At gaya ng sinabi ko kahapon, tutuhanin ko ang maging temporary president dito.

Napangiti nalang ako sa naisip ko. Dito magsisimula ang storya mo little brother. Nang makarating ako sa office ay binati naman ako ng magiging secretary ko.

"Good morning ma'am. Gusto niyo ba ng coffee" tanong ni Hena.

"No, thank you. Maglilibot na muna sa campus. I want to check kung anong mga ipaparenovate at kulang na building natin" sagot ko naman sa kanya habang binabasa ang mga text sa folder.

"Do you need someone to tour or accompany you around?"

"Hmm. I think I have a person in mind" sagot ko habang nakangiti.

---------------------------------------------------

In fairness, ang ganda pa rin ng NSU kahit na ilang taon ko na tong hindi nabibisita.

"Senyorita, narito na po si Miss Miranda" napalingon naman ako.

"G-good morning po" bati naman ni Zyrene.

"Good morning rin. How's your day so far? Ginugulo ka pa rin ba ng kapatid ko?"

"Um, kasi po..." alangan niya.

"Don't worry. I will not do anything if ever na patulan mo ang kapatid ko. Actuallly, I'm happy for him. Dahil nakakita na siya ng katapat niya" masaya kong balita sa kanya.

"Ahh.. a-ano po ba ang gagawin natin?"

"Are you worried about your class? (She nod). Don't worry, I already excuse you. I just need someone to accompany me to roam around. It's been a long time since I have been here. Kailangan ko rin ng kakwentuhan" nasabi ko nalang.

Nagsimula naman kaming maglakad. Nag-instruct naman ako sa secretary ko about sa renovation ng Engineering building. I think kailangan na nilang baguhin ang design ng building nila to catch up the other students.

Nang makarating kami sa may garden ay nagpasya kaming maupo muna doon. I can feel that she still shy towards me. Siguro sa pagiging magkapatid namin ni Zaijan kaya siguro hindi siya masyadong nakikipag-usap sa akin.

"Hey! You alright?" Pagkumusta sa kanya.

"Ha? A-ahh opo. Ayos lang ako" nahihiyang sagot niya.

"You look tense and distant. Can I ask you something?"

"Ano po yun?"

"Just tell me honestly. Bakit mo kinalaban ang kapatid ko? I mean, he's quite a brat. Walang ni isang nangangahas na banggain siya, but you, you oppose him like an equal being" I ask.

"Um, k-kasi... s-sorry po kung kinakalaban ko siya. K-kung papaalisin niyo ako sa eskwelahan na ito, aalis nalang po ako. S-sorry po. Sana mapatawad niyo ako" she beg.

Natawa naman ako sa gesture niya. Gosh! I like her na talaga.

"Hey! Hey! I didn't mean to scare you. What I want to ask is, what is the reason kung bakit mo siya binabangga? Hindi sa tinatanong kita to punish you. But, I just didn't expect na may isang taong magtatangkang banggain ang 'The Mighty Zaijan'. So? Your reason? Don't worry, hindi ito makakarating kay Zaijan" kumbensi ko sa kanya.

"Kasi po..."

"Go on."

"Napakaarogante niya kasi. Hindi siya marunong makiramdam sa ibang tao. Lahat nalang ng bagay kailangan siya ang masusunod. Talagang naiinis ako sa kanya. Kung pwede ko lang siyang tirisin ng pinong-pino, ginawa ko na" reklamo nito.

"Then, what should we do about that kind of attitude? But, do you really know him that much? What if, he just doing it because of a certain reason?"

"I don't know him that much but, I know he's a lonely person. Dahil ginagawa niyang miserable ang buhay ng iba. He wanted the people to see and feel what loneliness is all about. In other words, nandadamay siya" irita niyang sagot.

Natawa naman ako ng mahina. "Hmm. Great observation you got there. So? How can we make him free from loneliness? Wala naman sigurong taong gustong mamuhay sa lungkot di ba? Like you've said, nandadamay siya upang maramdaman ng nasa paligid niya anf nararamdaman niya. He don't want to be alone."

"Identify rhe problem. Yan ang number one step ng problem solving. We need to identify kung saan ba nagsimula ang problema niya. Then, do the rest of the steps." She suggested.

"Then, maasahan ba kita diyan? Remember, I dared you yesterday. We need a leader that can manage his members. Yung tipong magigong role model siya ng lahat in a good way. Lahat naman siguro tayo nangangailangan ng ganoong lider. Specially, those leader who can actually understand his people and not just entertaintaining those who are the same level as him. I need my brother to be like that. And me, myself, I can't do that if I would not find some that can help him. Luckily, I found you."

"B-bakit naman ako? Marami naman sigurong iba diyan na pwedeng magpabago sa kanya."

"Pero sayo ko nakikita ang pagbabago na noon ko pa gusto. Tignan mo ang nangyari sa F4 ngayon. Isa-isa na silang nagiging normal. Not totally but they ate changing. From childish to maturity. At ilaw lang ang nakagawa nun. Kaya, please. Sana matulungan mo ako. Let's change him. Let's make him a better leader."

Hindi naman siya nakapagsalita. I don't know kung anong pumapasok sa utak niya pero sana she will consider my offer. I'm very sure, she will be the key to change Zaijan.

My Greatest EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon