Kabanata 8

9 0 0
                                    

"Perhaps, I long for you when I asked about the water"


Bahagya akong nairita sa ginawa niya. I was determined to trace the smell of cigars, pero sa totoo lang, I became addicted to his scent.

Yes, may perfume siya sa damit at ang bango bango nun! But then I was slapped by my rational self to come to my senses! I feel like my face heated!

Pinigilan ko ang sarili na mag-ingay sa biyahe namin pauwi. Hindi na rin ako nakipagtalo ulit sa kanya. Whatever were there on my mind, I tried my best not to talk it out. Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako sa biyahe. The whole ride, I was sleeping!

Naalimpungatan din naman nang makarating kami sa bukana ng aming bayan. Madilim na ang paligid. Tumingin ako sa oras at nagulat dahil mag-a-alas syete na ng gabi!

My estimate earlier for our arrival was 6 in the evening. I knew because I've been to Bayombong in the past kaya alam ko ang oras ng pagdating namin.

Isang mabilis na sulyap sa akin ang binigay niya nang maramdaman ang pag-galaw ko.

"Na-traffic ba tayo sa daan?" I asked in curiousity.

"Hindi naman..." Siya na nakatutok na sa pagmamaneho.


"We arrived so late in the evening. Bakit?"

The question was supposedly on my mind only but I didn't notice that I whispered it.

"Mabagal ang pagmaneho ko. Dumidilim na rin ang daan. At isa pa..." hindi niya pinagpatuloy ang sinabi.

"Isa pa?" I sneered.

"Mahimbing ang tulog mo kaya binagalan ko..."

My face then automatically heated again! I even felt something wild on my stomach! Hindi ko na siya muling tinanong. Tumikhim na lamang ako at nanahimik sa huling mga segundo namin sa daan.

Nasa pintuan si Yaya nang makarating kami sa bahay. Sinalubong niya kami sa sasakyan.

"Naku naman, ijo, bakit kayo natagalan! Nag-alala ako at bakit ginabi kayo ng ganito!" Si Yaya.

"Natagalan ako Yaya sa pamimili. Pasensya na!" Ako na ang sumagot at baka iba pa ang masabi ni Dawson.

Baka isagot niyang dahil mahimbing ang tulog ko, binagalan niya ang pagmamaneho.

Naroroon rin si Tang Tasyo. Tinulungan si Dawson na diskargahin ang mga pinamili.

"Alalang alala ito si Lucing sa inyo. Sa susunod, eh dapat, magsabi kayo kung gagabihin kayo sa daan. Muntikan na ngang tumawag kay hepe!" Kuwento ni Tang Tasyo.

"Pasensya na Tang. Marami rami rin ang pinamili ko kaya halos lahat ng shop sa mall, pinasukan namin. Alam niyo naman pong kay tagal na ng huli kong shopping!" Paliwanag ko.

"Oo nga't naparami ang pinamili niyo, Anya!"

"O siya, sige na't pumasok na tayo sa loob." Yaya started walking towards the house.

"Maghapunan ka na rin muna rito Tasyo." Si Yaya pa rin.

"Hindi na Lucing. Baka hinihintay na ako ng aking pamilya sa bahay."

"Kung ganun, mag dala ka na lang ng ulam na niluto ko sa bahay niyo."

Pumasok kami sa bahay. Nilapag ni Dawson at Tang Tasyo ang mga paper bags sa sala. Gumawi rin si Tang sa kusina kasama si Yaya.


Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now