Kabanata 27

4 0 0
                                        

"Thank you for bringing into this world... my angel"




"Dawson has already processed some of the pertinent documents needed, Anya. Technically, everything is yours ever since you turned 18. Gayunpaman, mabuti na rin at nadalaw ka para sa huling habilin ng Papa mo."





Halos matulala ako sa sinabi ni Atty. Vicente. My eyes widened and shock was plastered all over my face as I found Dawson's eyes who's sitting in front of me. Kasalukuyan kaming nasa tanggapan ng abogado. I came here to process the transfer of ownership pero wala namang nabanggit si Dawson na kahit ano sa akin.






Tumayo si Atty. Vicente, tumalikod, at binuksan ang isang steel cabinet sa likuran para sa isang envelope. Bumalik siya sa pagkakaupo bago iyon binigay sa akin.





"Nariyan ang huling habilin ng Papa mo, Anya. It's still sealed and untouched. Although before he died, we already talked about it."






I stiffened. Umawang ang labi ko, hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Dawson. Slowly, guilt crepted onto my veins. Napagisipan ko pa siya noon na balak niyang angkinin ang ari-arian namin gaya ng ipinuputok ng butsi noon ni Aunth Martha.







"T-thank you, Atty. Vicente..." namalat ang aking boses.







Pormal siyang ngumiti sa akin sabay bahagyang tumango.





"Natutuwa akong nagbalik ka na dito sa atin, Anya. Ang laki ng ipinagbago mo. I'm so proud of the woman you become! And I'm sure, Rogian feels the same way!"






"Thank you again, Atty.! For all the help and support! Utang na loob ko po sa inyo ang lahat!"






Atty. Vicente took a big part in protecting our ancestral house against Aunt Martha, including my family's land and properties. Kung hindi dahil sa kanya, marahil sa panahon ngayon, wala akong babalikang tirahan.








"Malaki rin ang utang na loob ko sa Papa mo, Anya! It's an honor for me to help you in any way!"







Mahigpit kong yakap ang brown envelope na bigay ng abogado sa paglabas namin ni Dawson matapos mamaalam.






Pinagbuksan ako ni Dawson ng pintuan. Tahimik naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. Tinitigan ko ang envelope. Laman nito ang huling habilin ni Papa. Sa hindi malamang dahilan, tila ayokong buksan iyon. Natatakot ako. Kinakabahan. Dahil sigurado akong sa sandaling buksan ko iyon at mabasa, manunumbalik ang kasabikan ko sa piling ni Papa!







Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak roon. Nangingilid ang aking mga luha. I tried to wipe my tears away when Dawson came inside but he still caught me doing it.






"Ayos ka lang?"






Iniwas ko ang tingin para itago ang ilang butil ng luha na tumakas sa mga mata. Mabilis akong tumango.






"I'm fine..."






He started maneuvering the car. I relaxed my back and straightened my head. It's not that long because after a while, I bowed down and stared again at the envelope.





"Siguradong ayos ka lang?" his voice echoed inside.








Unti-unti ko siyang liningon. Nahanap naman niya agad ang tingin ko. Pabalik balik sa akin at sa daan ang atensyon niya.








Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now