Kabanata 15

6 0 0
                                    

"Slowing Down from the Carousel's Ride"




Kumalma rin ako nang bumagal ang larga ng ferris wheel. Lumakas rin ang loob ko dahil katabi ko lang siya. Later on, I tried to open my eyes. Nasa ibabaw kami. Una kong nakita ang kahel ngunit mapulapulang kalangitan. There were orange and red lines, overlapped by blue and violet skies. Ang araw ay halos sumisilip na lang sa makakapal na ulap at ang paligid nito, halos sakupin na ng nagdidilim na kalibutan.




Naalala ko tuloy noong bata pa ako, siguro ay nasa grade three pa lamang, kinakatakutan ko ang ganitong oras ng araw. Dahil nakahiligan ko na ngang manuod ng teleserye, nawili rin ako noon sa isang palabas kung saan yung mga kalaban, nagsisilabasan kapag takip-silim na. If I could still clearly remember, ang title ng teleserye na iyon ay mulawin.



Subalit sa paglaki naman, nagbago ang paniniwala ko dulot na rin siguro ng mga magagandang alaala ng kamusmusan. I used to play kid games with some childhood friends during sunsetting period.


Sa malawak na bukirin, habang umiihip ang sariwang hangin at ang maisan ay umiindayog, animo'y nagsasayawan sa kawalan, tapos ang kalangitan ay sinasakop na nga ng kahel at pulang mga linya at ang makakapal na ulap ay nagiging kulay abo, samantalang ako, kasama ang mga kababata, ay abala maglaro.



Kaya napangiti ako nang makita ang kalangitan na ganito kalapit. Tumigil ang ferris wheel habang nasa ibabaw kami. It gave me more time to appreciate the almost-like-a-painting sky above. How time flies away so fast, just like that.





"Salamat nga pala sa pagmungkahe mo kay Tito na dalawin ko ang mga kaibigan."




Kinakabahan man dahil nasa pinaka tuktok kami ng ferris wheel, naglalaho rin kaagad dahil katabi ko siya. I didn't answer him since I was still busy appreciating the beauty of the skies. Lumapit ako sa bintana habang nakakapit pa rin sa braso niya, upang makita ang nasa baba namin. Marami na ang tao kumpara kanina. Nagliwanag ang buong paligid at ang mga palamuti ng bawat rides ay nakakatuwa. Mayroon parang christmas lights, mayroon ring fairy lights. Ang iba naman, ang mismong rides ang napapalibutan ng mga palamuting ilaw.




Narinig ko ang pagtikhim niya. He moved a bit, enough to get away from me, for a while. Mabilis ko siyang liningon sabay hablot ng braso niya ulit.





"Ang dami ko ng utang na loob sa inyo. Hayaan mo at makakabawi rin ako."






Pabubulaanan ko sana ang utang na loob na sinasabi niya pero hindi ko na naituloy dahil sa pag-ilaw ng sinasakyan naming ferris wheel. Nakuha nito kaagad ang atensyon ko, especially that the main lights are dim while the smaller lights are dancing.







"Wow..."




Kung ganito ba naman kaganda ang makikita ko, bakit hindi ako sumakay noon? Ngayon pa. Na kasama ko siya.



Mabuti na lang pala. Baka kasi kung noon pa ako sumakay... noon na hindi siya kasama, baka hindi na rin ako nag-enjoy? At least now, he's here to look for me.





"U-uh... first time mo bang sumakay dito?"






Tumango ako habang namumungay ang mga mata sa magagandang tanawing nakikita ng mga mata. Nagbago ang ilaw ng sinasakyan at napalitan ng sumasayaw na asul, berde, at dilaw. Lumapad ang mga ngiti ko.




Naramdaman ko ang paglarga ng ferris wheel. Muli kong tinanaw ang malawak na kalangitan, na unti-unti na ring nawawala sa aking paningin dahil sa pagbaba ng sinasakyan.





Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now