Kabanata 26

6 0 0
                                        

"Chasing childhood memories"




Sinuklian ako ng ale. Kasya kaya sa basket ang pamimilihin ko? Siguro naman, oo. Nagpasalamat ako at biniling hindi na ibalot ang basket dahil lalagyanan ko naman ng mga bibilhin.




Groceries and new cleaning tools are on my list. Sa isang grocery store ako dumako. I looked around to find the things listed on my phone. Toiletries, biscuits, canned goods, and coffee. I got some chocolates and milk too. Sa counter pa lang, halos mapuno na nila ang basket na binili ko.






I should have woke Dawson up para nasamahan ako. Naroroon pa naman ang hilux niya! Nabibigatan na nga ako sa pagdala ng basket laman ang pinamili sa grocery store, how much more kung maidagdag ang ilang cleaning tools na plano kong bilhin!






Laking pasalamat ko nang matanaw si Dawson sa harapan! Lumapad ang ngiti ko! Ang galing! He really knows what to do!






Binaba ko ang dala na basket. Nasa kabilang dako siya ng kalsada kung saan nakaparada ang hilux. Habang palapit sa kinaroroonan ko, nilapitan naman akong ng isang batang security guard ng store.




"Miss, kailangan mo ng tulong?"





"Ah, hindi naman po."





"Kailangan mo ba ng motor? Kung gusto mo, ipapara kita," he offered.




Ngumiti ako sabay iling ng ulo. Binuhat ni Dawson ang basket mula sa pagkakalapag nito.





"Pasensya na, may kasama ka pala, Miss," wika ng security guard.





Natawa ako sa itsura ni Dawson. Kailan ba siya ngingiti? Kung sa bagay, hindi na naman ako nagpaalam. Sinadya ko talagang iwan siya sa bahay para galitin siya.





Teka... galitin ko pa kaya?







"Ayos lang po. Hinihintay ko po kasi ang kuya ko," makahulugan kong tugon.





Dawson groaned angrily. Sabi na nga eh!





"Ah... kuya mo pala."




"Opo!"






Hinila ko na palayo si Dawson. Baka mamaya, magpaliwanag pa sa tao. I slipped myself inside the passenger's seat habang inayos niya sa likuran ang basket ko.





Busangot ang mukha niya nang pumasok sa loob.






"Hi, Dawson! Nagising ka pala! Mabuti na lang dumating ka. Narealize ko kasing mabigat pala ang dala ko!"






He stayed silent. Hindi ko kayang palagpasin ang pang-iinis ko sa kanya.






"Buti nahanap mo ako kaagad? Mababait rin pala ang mga tao doon sa grocery store. Kung hindi ka dumating, magpapatulong ako sa guard."






Naningkit ang mga mata niya. I watched him closely. Ni hindi na nga ako nakatingin sa harapan. Inayos ko ang upo ko para harapin siya ng mabuti, alam niyo na, para mang-inis.







"Ang galing talaga ng kuya ko!"








"Stop it, Anya. Hindi mo ako kuya," he said coldly.






I mimicked him two times. Ngumuso ako sabay balik ng ayos ng pagkaupo, kaharap na ang daan.





His shirt changed. Basa rin ang ilang hibla ng buhok niya. Ang bango pa niya. I used to smell him before. The thought suddenly made me do it. I sat sideways. I touched the headrest of his seat to balance my body... and then moved near to him to give myself full access of his smell.






Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now