Kabanata 12

10 0 0
                                    

Is it a gesture of obedience or a gesture of... something... beyond?



Hindi nakaligtas si Dawson sa pang-uusisa ko tungkol sa Fred na iyon. Especially now that I also recalled about Steve. I got to know the two personalities on the same day, so, how would I ever forget about it?



"Bakit mo naman kinaibigan yun, ha? Don't you remember I almost freak out nung nagtanong siya sa'atin sa mall? You know I was scared of him."



Abala na ngayon si Dawson sa pagtulong kay Manong Ramil sa pagdiskarga ng mga pinamili mula sa sasakyan. Nakasunod ako sa kanya the whole time while conducting my little investigation, which I don't think kung pang-iimbestiga ba o pang-uusisa o pang-gugulo ang ginagawa ko. Nahahalangan ko na rin kasi sila at nadidisturbo sa ginagawa.



"Gaya ng sinabi ko, nagkita kami ulit sa talyer nung pinaayos ko ang sasakyan niyo."




Binuhat niya ang isang sakong bigas. I grimaced upong seeing him carry something so heavy. I know he has a established body, pero halos lumabas na ang ugat niya sa braso dahil roon. Luminga ako upang hanapin si Manong Ramil, bakasakaling makatulong, pero natanaw kong kapapasok lamang sa bahay na may dala ring isang sako.



"Nagkita nga kayo. But my question is, bakit mo siya kinaibigan? Alam mo namang natakot ako sa kanya!"



Patuloy siya sa paglakad habang buhat sa kanang braso ang sako. Patuloy rin ako sa pagsunod sa kanya.




"Eh, hindi ko na napigilan nung nakipag kuwentuhan sa'akin. Mukha naman siyang..." natigil siya ng ilang sandali bago nagpatuloy. "Alam kong natatakot ka sa kanya. Huwag kang mag-alala, hindi na yun bibisita ulit dito."



Umirap ako sa kawalan. Nakapasok na kami sa bahay at nakasalubong si Manong Ramil.



"Tulungan na kita, ijo..." Manong Ramil offered.



"Huwag na ho, Manong Ramil. Kaya ko na po." Sagot naman nitong si Dawson na akala mo'y kayang gawin ang lahat. Muli tuloy akong napairap sa kawalan.



"At kinuwento mo ako sa kanya?" I raised an eyebrow. Akala niya ba papalagpasin ko ang bagay na ito? Kung oo, well, nagkakamali siya.




Nilapag niya ang sako sa maliit na grocery room, sa gilid lamang ng kusina, malapit sa silid ni Yaya Lucing. Pagbangon, kaagad ko siyang hinarap nang nakapamaywang. He's avoiding my eyes. Lagi niyang iniiwas ang mga mata. Tapos kung sasagot o may sasabihin, hindi naman nakatingin sa akin. Ano ako? Multo?



He tried to walk pass me kaya hinalang ko ang mga kamay sa daraanan niya. Hinuli ko ang paningin niya.




"Umiiwas ka ba sa'akin, ha?"



This time, he leered on me. Bumuntong hininga siya.



"Hindi ako umiiwas. Ang kulit mo lang kasi."





Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Makulit? What? In what way I acted so makulit? Hindi ako kaagad nakasagot. And to my surprise, I saw some ghost of a smile in his lips. It dissapeared so quickly, though.




"For the record, hindi ako nangungulit sa'yo. I'm just... just investigating!"




"Alam ko naman yun pero nakukulitan pa rin ako sa'yo. Isa pa, nabanggit lang kita sa kanya ng isang beses. Pagkatapos nun, hindi na nasundan. Kaya huwag kang mag-alala. Kung iniisip mo na baka nagkuwento ako ng masama tungkol sa'yo, mali ka. Dahil hinding hindi ko gagawin yun."




Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now