Kabanata 24

4 0 0
                                        

"Through the years"




Isang itim na hilux at puting fortuner ang nakaparada sa gilid ng kalsada pagbaba namin mula sa burol. Naroroon si Anri kasama ang sa tingin ko'y si Steve. Steve immediately stood up upon seeing us. Tumayo rin si Anri na nasa tabi niya lang.





"Good afternoon, Miss Anya", pormal na bati niya sa akin.




Anri looked confused for a while. Pero nanatili siyang tahimik.



"Good afternoon din sa'yo..." malumanay kong bati pabalik.





Steve's eyes were on me and then went to Dawson who's now commanding him something about taking care of Anri.




"See you on Monday, Anya," sabi ni Anri at nagpaalam na rin.



Giniya ako ni Dawson sa itim na hilux. Pasulyap-sulyap ako kay Steve at Anri na pasakay na rin sa puting fortuner. Bumukas ang pinto ng sasakyan sa harapan ko ngunit hindi ako kaagad na pumasok roon dahil ang atensyon ko ay nasa dalawa pa. Tumunog ang makina ng fortuner at umilaw ang mga headlights nito. Pinanuod ko ang pag-larga nila.




Steve. Anri. Nasabi sa akin ni Anri na magkababata silang dalawa, at magkababayan kami. What a small world! Kung gayon, baka nga... nagkakasalubong kami noon ni Anri. Hindi lang namin alam.


I tilted my head as my mind traveled around. Fortuner at hilux. Parehong pribado ang mga plate numbers nito nang matanaw ko kanina. Does that mean that fortuner is Steve's car? At itong hilux, kay Dawson?





"What are you thinking?"




Kaagad na lumipat ang mga mata ko kay Dawson na nanatiling nakatayo sa harapan ko. Ang hampaslupang ito, yumaman na ba?





"Is this you car?"





"Yes."



Ngumuso ako. Tama nga ako. He's rich now.




"So, mayaman ka na?"



He chuckled. "Hindi naman. Umasenso lang."





I hissed. Pinandilatan ko siya ng tingin bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Sinarado niya iyon bago umikot para sumakay sa driver's seat.




"Nakapag ipon lang kaya nakabili ng sasakyan." Sambit niya habang abala na sa manibela.






Hindi ako sumagot kaya naramdaman ko ang pagsilip ng mga mata niya sa banda ko.




"I know you have something on your mind. Tell me..." he said. Nasa highway na kami at pinapasadahan ang kurba-kurbang daanan.




Nanatili pa rin akong tahimik dahil ang isipan ko, nasa malayo pa rin. I wasn't really acquinted with Steve. Sa kwento ko lang siya naririnig noon at dahil kaibigan siya ni Dawson, gumaan ang loob ko sa kanya kahit pa hindi kami nagkita.





We saw each other at sa masalimoot na paraan pa. Sa totoo lang, masaya ako dahil mabuti ang kalagayan niya. Sila ng kapatid niya. Kahit pa hindi kami nabigyan ng pagkakataong magkakilala ng maayos, pakiramdam ko pa rin, may koneksyon sa amin.



Definitely because of the incident in the past.





"What's on your mind? Please, tell me..." mababa ang boses niya, at may kaunting pag-aalala na rin.




Slowing Down from the Carousel's RideWhere stories live. Discover now