"I love you..."
Sinulyapan ko ang nakabusangot na si Dawson. Tumitirik ang araw sa tanghaling iyon habang ako'y kumportableng nagduduyan sa lilim ng punong mangga. Ginawa niya ang duyan nang minsanang masabi ko na gusto kong magkaroon ng duyan roon.
Buong umaga ko siyang nilalambing dahil galit na naman at masungit sa akin! Nagbubungkal siya ng lupa para itanim ang isang halaman nang tawagin ko siya para sumilong.
Tirik na tirik ang araw ngunit naroroon pa rin siya sa hardin! Eh, kanina pa siya roon! Kanina pa rin ako nangungulit sa kanya!
"Dawson! Ang itim itim mo na, oh! Sumilong ka na! Hindi naman gaganda yan kung buong araw kang nagbubungkal diyan!"
He didn't even flinch! Ni hindi man lang gumalaw para lingonin ako. Umirap ako sa kawalan. Sino ngayon ang matigas ang ulo sa aming dalawa? Kahapon lang, pinapagalitan niya ako dahil matigas raw ang ulo ko! Ngayon, anong ginagawa niya?!
Muli akong umirap sa kawalan nang matanaw na halos mamula-mula na ang likod niya dahil sa init ng araw. Matindi rin ang pawis roon! Wala siyang pang itaas na kasuotan ngunit mayroon namang pantalon.
I stopped swinging. Kinuha ko ang payong na dala tsaka gumawi sa kinaroroonan niya. I stood beside him to cover for him. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin pero mabilis rin niyang binawi iyon. He even rolled his eyes on me. Natawa ako sa ginawa niya.
"Ang sungit mo naman..." biro ko habang natatawa pa rin.
"Tss. Don't play with me, Anya," he said
"Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin buong umaga? Nilalambing na nga kita't lahat lahat, ganyan ka pa rin!"
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Anya. Pagkatapos mong sabihin ang lahat ng iyon sa mga kaibigan mo, sasabihin mo lang sa akin na kuya ang turing mo sa akin?" giit niya.
Marahas niyang ibinaon ang halaman sa binungkal niyang lupa. Pati ang halaman, napagbuntungan niya ng galit. I chuckled more.
Reminiscing yesterday, I just threw a joke in front of Mama and Papa's tombs. I just wanted to lighten the mood, but I didn't expect he'd take it seriously.
Pinahid ko ang mga huling luha na pumatak mula sa mga mata. I was about to stand dahil nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa mga magulang. Nga lang, bigla kong naisip na magbiro upang pagaanin ang mood namin, iniisip na sa pagbalik sa sasakyan ay magaan na ang pakiramdam namin.
"Napakabuti pong kuya ni Dawson, Mama at Papa! Gaya ng nabanggit ko, hindi niya ako pinabayaan!"
Naramdaman ko ang paninigas ni Dawson sa aking tabi.
"A-anya..." babala niya.
But then I just smiled and continued my cute joke.
"Mabuti na lang talaga... biniyayaan niyo ako ng isang kuya!"
Doon nagsimula ang pagsusungit niya sa akin. Inaya ko siyang bumalik na sa sasakyan para makauwi kami dahil dumidilim na rin ang paligid. Since then, hindi na niya ako kinikibo.
Kahit pa noong maghapunan kami sa gabing iyon. Tahimik lamang siyang nagluluto sa kusina. His face was deadly serious and mad. I just couldn't help myself from admiring him more because of it!

YOU ARE READING
Slowing Down from the Carousel's Ride
General FictionMawawala ang lahat kay Anyariese. Ang karangyaan sa buhay, ang mapagmahal na ama, at ang mga pangarap niya. At dahil ito sa taong minahal niya ng lubos. *** For the cover, credits go to the rightful owner.