"A second chance worth remembering"
Lumabas ako mula sa warehouse upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa paglalakad, dinala ako ng aking mga paa sa taas ng isang maliit na burol, sa loob ng compound.
Doon, may nakatayong maliit na covered shed na may mga upuang gawa sa marble. May kahoy na lamesa rin sa gitna nito. The area is a perfect place if you want to clear your mind and have some coffee.
Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Nakasuot ako ng makapal na jacket pero malamig pa rin talaga ang klima. Hinipan ko ang mga kamay gamit ang hininga dahil kaagad itong nanigas. Nababalutan rin ng makakapal na fog ang banda sa burol kaya siguro, kaagad akong nakaramdam ng ginaw.
The humidity and temperature are cooler this rainy season. Umaambon kanina ng magtungo kami rito. Mabuti na lang humupa rin dahil paano na ako lalanghap ng sariwang hangin kung umaambon?
The place is a bit wet because of the raindrops. Another blow of the wind, I literally shiver.
"Anya," tawag niya sa akin.
Nanginginig ako ng lingunin siya. Paakyat siya sa kinaroroonan ko kaya maingat ang bawat apak niya sa madulas na parteng iyon. I also walked past through that earlier.
"Di ka na dapat sumunod. Am I not clear back there, huh? Oh, gusto mo lang talagang galitin ako?"
He sighed as he came nearer.
"You can go inside now. Kung ayaw mo, hindi na ako tutulong roon," aniya.
I gritted my teeth. Hinarap ko siya sabay halukipkip. My eyes are bloodshot!
"Hindi tutulong? Susuko ka na agad? So, aalis ka na agad?"
"No, no, no! Hindi sa ganun," matindi ang pag iling niya sa kanyang ulo.
"Ganoon ka naman, eh! Ano pa bang bago?"
Nilapitan niya ako, isang metro ang layo. Nanginginig ako sa ginaw habang siya, tila di alintana ang malamig na kapaligiran. He didn't have some jacket on. Naka jogging pants lang at tshirt na pang-pulis.
"You know I'm your slave, Anya. Lahat ng sasabihin mo, gagawin ko. Kung iuutos mong lumayo ako, lalayo ako kasi susunod ako sa lahat ng sasabihin mo, kahit anong mangyari."
"Sinungaling! Did I ever say before na iwan mo ako? Tinalikuran mo ako, Dawson! I hope you're happy knowing I was emotionally tortured dahil sa pag-abandona mo sa akin!" giit ko.
Sinarado niya ang distansya sa pagitan naming dalawa. He traced my tears and wiped them away.
"Walang gabi ang lumipas na hindi kita naiisip, Anya. Kailanman, hindi ako nakatulog ng mahimbing kakaisip sayo. Mababaliw ako kakaisip kung kamusta ka na, nakakakain ka ba ng maayos, naghilom na ba ang trauma mo, mabuti na ba ang kalagayan mo, kung mapapatawad mo ba ako. Walang gabi, Anya, na hindi kita inisip," his voice broke a fraction.
"Sinungaling..." nanghihina ang aking boses. "Kung totoo yan, bakit hindi mo ako hinanap! Umamin ka na kasi, na sinungaling ka!" paratang ko sa kanya.
"Hinanap kita, Anya. Kasama ko si kuya Lucas na bumisita kay aling Lucing noon. But you were traumatized when you saw him, kaya paano pa ako magpapakita sayo? Ayokong lumala iyon."

YOU ARE READING
Slowing Down from the Carousel's Ride
General FictionMawawala ang lahat kay Anyariese. Ang karangyaan sa buhay, ang mapagmahal na ama, at ang mga pangarap niya. At dahil ito sa taong minahal niya ng lubos. *** For the cover, credits go to the rightful owner.