Chapter 4

24 1 0
                                    

Chapter 4

I woke up earlier than usual the next day even though I slept late last night. I'm having mixed emotions at halos sabihin ko kay lolo at Nathan ng nag-agahan kami na hindi na ako sasama.

But I realized, I will have no reasonable excuse.

"Hindi ka pa bihis?" si Nathan na kinatok ako sa kuwarto.

"Huh? Paano ba ang bihis?"

Pinasadaan ko ng tingin ang suot niya maging ang suot ko. He's wearing his usual outfit these days. Plain t-shirt tucked on his maong pants paired with his tan leather boots. I am wearing the usual too. A crisp yellow dress and sandals with my brownish curly shoulder length hair freely hanging.

Anong masama rito?

"Should I wear pajamas?" I mocked.

He almost rolled his eyes at me.

"Hindi!" naiiritang aniya. "Dress for a horse ride."

Halos lumuwa ang mga mata ko doon. Horse ride? Really? Ako?

"Bakit hindi mo sinabi?!"

"Hindi ba?"

Halos batuhin ko siya ng kung anong una kong mahagilap. He closed the door immediately because of his prediction of my next move.

"Hindi ako sasama!" isinigaw ko para malaman niya.

I don't do horse rides.

Agad bumakas ang pinto at bago pa ako makapagsalita, inunahan niya na ako.

"Alam kong hindi ka marunong," he said boastfully. "Umangkas ka na lang sa akin. Sasakay tayo sa kabayo papunta doon kina kuya Sebastian. Hindi niya tayo masusundo," katwiran niya.

"May van!"

"Ginamit ni lolo–"

"'Yong kotse?–"

"Siyempre ginamit ni Papa ano ka ba?"

I hissed at him.

"Bakit hindi na lang tayo ipasundo dito ng mga Alabanza 'di ba?" angal ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo," he even laughed sarcastically.

Tinignan ko siya ng masama.

"Bihis ka na!" aniya at agad isinara ang pinto.

I had no choice but to wear clothes appropriate for a horse ride. Totoo rin naman na masyado na hindi na dapat kami sunduin kasi makapal na ang mukha namin kapag ganon. Ang hindi ko lang maatim, bakit sa kabayo pa sasakay.

After a few minutes, I was all set kaya hinanap ko na si Nathan. I saw him at the stables but to my horror, Sebastian was there, his back towards my vision. Napapakamot pa ng ulo ang kapatid ko.

Nagtatago lang ako sa halamanan habang pilit na dinidinig ang pinaguusapan nila sa layo ng distansiya namin.

"I insist, Nathaniel. Tsaka sabi mo wala pang experience ang ate mo sa pagsakay ng kabayo. Baka kung mapano pa kayo," I overheard Sebastian.

Hindi ko halos marinig ang pinaguusapan nila kaya mas lumapit pa ako at nagtago. The bushes are enough to cover me so I was confident.

"Nakakahiya lang kasi, kuya. Kami na nga itong pupunta sa inyo, kailangan pa kaming sunduin," si Nathan na halata ang pagkahiya.

I rolled my eyes.

"You're the visitor. You should be given special treatment, of course," si Sebastian na patuloy kinukumbinse ang kapatid ko.

Sonorous Thuds Of Thy Heart Where stories live. Discover now