Chapter 24

13 1 0
                                    

Chapter 24

Ang lakas ang tibok ng puso ko at natatakot ako na baka maramdaman niya 'yon. Although I could feel his sincerity with his words, I still find it hard to trust him.

If I'd be honest, I really loved him all along. Iyon ang naiintindihan kong sinasabi ng puso at utak ko.

I have denied it for long. But finally, I admitted it.

Itinulak ko siya dahil sa hiya. Ramdam ko rin ang basa ng katawan namin.

He chuckled.

"Sorry. I'm crazy," aniya, tunog nababaliw na nga.

Agaran akong tumayo at niyakap ang sarili dahil sa lamig.

"Umuwi na tayo. It's getting cold..."

Tumayo siya at akmang tatanggalin ang t shirt pero pinigilan ko.

"No!" parang awa mo na!

"What? Akala ko ba nilalamig ka?" patay-malisya pa niyang sabi.

Inis ko siyang tinalikuran. He's doing cliche things.

Isa pa, I haven't seen him without that shirt. I can see his biceps and triceps perfectly hugged by his shirts but I've never seen it in actual.

Nahihiya ako.

I heard him chuckle from behind.

"Okay, fine! Hindi ka pa ba sasakay sa kabayo?"

Nilingon ko siya.

I'm serious that it's getting cold and the rain is pouring cats and dogs. Kaya wala akong choice kundi ang lapitan siya at umangkas.

Kakainin ko na lang muna ang pride ko. But still, I remember how he moved his lips on mine. Kaya hindi pa rin ako komportable.

At kung hindi naman ako sasakay sa kabayo at hindi kami makarating agad, baka magkasakit ako. I can't afford to fall sick in this times.

"Can't you do it faster?" tanong ko ng hindi pa rin niya natatanggal ang tali sa puno.

He looked at me, a horror of smile crept in his face.

"Akala ko ayaw mo?"

Inirapan ko siya.

"Akala ko ba pinipilit mo ako? Why are you asking me now? Bilisan mo! Basang-basa na ako!" sigaw ko.

Pero hindi hamak na mas basa siya ngayon.

His gray shirt is very wet along with his pants.

He chuckled again before climbing up to the horse.

"Let's go," inilahad niya ang kamay sa akin.

Walang pagdadalawang isip na tinanggap ko 'yon. Napaigtad ako ng dumikit ang likod ko sa matigas niyang katawan.

Although he started riding the horse, I was stiff the whole time. Pinipigilan kong magdikit ang katawan namin.

This is why I don't want to ride this horse with him from the very beginning. I knew this would happen.

"Huwag kang urong ng urong, Ver. Baka mahulog ka," aniya sa tainga ko na ikinatayo balihibo ko sa batok.

So I stopped moving so he wouldn't say anything. But I could feel his chest crashing in my back.

Buti na lang at mahaba ang bestidang suot ko ngayon. Hindi rin ganon kanipis.

Malapit na kami ng muntikan akong madulas. Impit akong napasigaw doon. Kung wala ang mga braso niya sa magkabilang gild ko ay sigurado akong nahulog ako.

Sonorous Thuds Of Thy Heart Where stories live. Discover now