Chapter 9
Ako:
Mel, can I stay in your condo?
Wala na akong alam gawin kundi ang i-message si Mel dahil alam kong makakatulong siya.
Pinagsisihan kong itinulak ko si Sebastian kanina dahil sa galit pero binawi ko rin 'yon. Siya ang unang may kasalanan at hindi pa sapat 'yon.
I recieved a call from Mel right after.
"May problema ka?" her voice was consolidating.
"I'll tell you when I get there. I'm sorry..."
Katatapos lang ng pag-iyak ko kaya naman medyo paos ang boses ko.
"Ver, you can stay at my condo for as long as you want. Kailan?"
I looked at my closet.
"Bukas sana. Don't worry, I'll pay–" pinutol niya agad ako.
"No way! Kaibigan kita Ver at isipin na lang nating bumisita ka. Don't dare to pay," pigil niya.
Nagalinlangan pa ako pero sa huli ay wala akong nagawa.
Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ay agad akong nag-impake ng mga gamit ko. Kailangan kong gawin ito dahil kung hindi, mababaliw lang ako. Gulong-gulo na ang isip ko at ayoko ng dagdagan pa ang sakit.
Nakarinig ako ng katok bago bumukas ang pinto. Probably by now, tapos na ang handaan. Gabing-gabi na at wala na akong marinig pa sa baba.
"Are you leaving, Veronica?"
Agad na nagtungo sa akin si Mama at ibinabalik lahat ang mga gamit ko sa closet.
"Why are you even asking? You cheated, Mama. Not just to Papa but to us," mahina ngunit mariin kong sabi sa kanya.
Pagod na napahinga ng malalim si Mama at naupo sa kama.
"Veronica, I ended everything between us!"
I looked at Mama unbelievably.
"Stop it, Mama! Kahit naman sabihin mong tinapos mo na, ginawa mo pa rin!" mariin kong sigaw sa kanya.
"Fine! Umalis ka kung gusto mo. But I will never accept you again, remember that," aniya at tumayo.
I laughed sarcastically at her.
"Seriously, Mama? Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan? Pagkatapos mong magkaroon ng relasyon kay Mr. Alabanza na pamilyadong tao? Para ano? For your own pleasure?!"
Isang sampal ang natanggap ko kay Mama. Tears came flowing after that.
Hindi niya ako kailan man sinaktan. Her hands were always gentle to me.
"I... I'm sorry, Ver. Hindi ko sinasadya..."
Punong-puno ng pagsisisi ang mga mata niya ng tignan ko siya. Pilit din niya akong hinahawakan pero hindi itinutulak ko lang siya.
"Then you're not to be called my mother," bulong ko, sapat lamang para marinig niya.
"I'm sorry..." hikbi niya at nagtakip ng bibig.
I stared at her for a while. I can't believe we had this conversation.
Ang sakit sakit na. Sinosolo ko ang sakit. Tiniis ko 'yon at ngayon, sumabog na. I couldn't take it any longer.
"Get out, Mama. I'll pack my things..." mariin kong sabi sa kanya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.
She didn't obey though. Pero hindi niya na ako pinigilan. I packed my things in front of my crying mother. Pigil na pigil ang paghikbi niya. Siguro ay para hindi kami marinig sa labas.
YOU ARE READING
Sonorous Thuds Of Thy Heart
Storie d'amoreStand alone Date Started: March 03, 2023 Date Finished: July 14, 2023 Veronica Briones and her family was challenged by life. The triangle is suddenly turning upside down as they deal with bankruptcy. Because they have no assets anymore, they had to...