Chapter 5

18 1 0
                                    

Chapter 5

I was watching Mama do her cross stitch one morning after I strolled around the hacienda. Napaka-intricate ng ginagawa niya at sabi niya sa akin ay order iyon ng asawa ng mayor sa bayan na ito. Mama's giving her time just to be paid enough so she can save money.

Sa totoo lang, naaawa ako sa mga magulang ko. Papa always wake up early in the morning at halos parati ay hindi na namin siya maabutan pagkagising. Mama, on the other hand, is trying hard kahit na mangalay pa ang kamay niya buong hapon.

They do not tell us their hardworks. Instead, they're fighting their own silent battles.

As I was watching Mama, I got a little emotional. Itinago ko iyon sa kanya at nanood lang. That gave me an inspiration to push harder. Iba na talaga ang buhay namin and I don't want to stay this way.

"Ver, paabot niyang gunting," utos ni Mama na agad kong sinunod.

"Don't you get tired of that Mama? Nakatingin ka diyan ng buong hapon. Baka mahilo ka na naman," saad ko habang pinapanood siyang guntingin ang sinulid.

"Hmm?" she murmured a silent laugh. "No, hija. I've always wanted to do this. Remember that if you love what you're doing, you may get tired but you won't stop," makabuluhang saad niya at pinagpatuloy ang isa pang design.

Wala akong naisagot sa sinabi niyang 'yon. I only watched her for few minutes before deciding to get her a snack.

"I'll go get you a snack, Mama," tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig.

"Oh thanks, sweetie..."

I smiled at her before going straight to the kitchen. Hindi pa man ako nakakarating sa loob ay may naririnig na akong pamilyar na boses galing sa kusina.

"Hindi niya alam magluto?" si Sebastian iyon at hula ko ay si Nathan ang kausap.

Hindi muna ako pumasok para makinig pa sa pinaguusapan nila.

"Medyo lang. Hindi nga lang masarap," sagot ni Nathan iyon.

Humalukipkip ako at na-curious kung sino ang pinaguusapan nila. I love peeking these days huh?

"Mabuti na 'yon kaysa naman hindi talaga alam. You should get yourself a girl who knows how to cook. Ikaw din ang magiging kawawa," pangaral pa nito sa kapatid ko.

"But I don't want an awful cook. Mas kawawa yata ako doon."

Sabay pa silang nagtawanan sa sinabing iyon ni Nathan. It's a shock for me to know if Nathan has a girlfriend. Mailap 'yan sa mga babae.

Dahil medyo nagtatagal na ako doon at siguradong hinihintay na ako ni Mama ay pumasok na ako sa kusina para ikuha siya ng meryenda. Aling Gloria and two other maids were preparing snacks at that time and I saw Nathan and Sebastian sitting on the counter, probably waiting for the snacks.

Hindi pa nila ako napapansin at naguusap sila sa iba pang bagay. Maingat akong naglalakad palapit sa kinaroroonan nina aling Gloria para hindi ako mapansin ng dalawa.

"Ikukuha ko po sana si Mama ng meryenda," mahina rin ang boses ko ng sabihin ko 'yon kay aling Gloria.

"Hindi ka magmemeryenda? Naku, konti lang din ang nakain mong agahan," si aling Gloria na medyo malakas ang pagkakasabi kaya narinig kong natigil ang usapan ng dalawa.

Pinigilan ko ang sariling pumikit ng mariin.

"Sige po. Kukuha po ako ng akin," iyon na lang ang isinagot ko para makalabas na ako sa kusina.

"Ver! Sama ka?" si Nathan iyon na naging dahilan para manatili pa ako doon ng mas matagal.

"Saan?" may pagkairita kong tanong.

Sonorous Thuds Of Thy Heart Where stories live. Discover now