Chapter 20

15 1 0
                                    

Chapter 20

Kahit gaano ko kagustong matawa sa reaksiyon ni Mel, hindi ko magawa. I feel nervous for some reason.

Hindi ko alam kung bakit hindi nagpaalam sa akin si Tan.

Hindi ako umalis sa bahay. Hinintay kong mag-text o tumawag si Tan pero hindi iyon nangyari sa araw na 'yon.

True to Mel's words, dumating nga si Tan kinaumagahan.

"Good morning, Ver..." he kissed my forehead soon as I get to descend from my room.

I smiled a bit. "Hindi ka nagsabing darating ka?" tanong ko agad.

Nagkibit siya ng balikat.

"Sinabi sa akin ni Mel na nasabi niya sayo so I didn't call. Pagod pa ako sa biyahe. Dumiretso ako rito," paliwanag niya.

Tumango ako dahil naiintindihan ko naman.

Akala ko ba ay pinagpapanggap ako ni Mel na na-surprise. Or haven't I acted surprised?

Dumiretso kami sa patio at doon umupo para makapagusap pero ni isa sa amin ay hindi nagsasalita.

Maids came for tea.

Alas siyete pa lang ng umaga at katatapos ko lang kumain pero si Tan ay hindi pa.

"Magusap muna tayo. I want to catch up with you first," aniya, tinatanggihan ang alok na breakfast.

"Paano na ang kompanya?" tanong ko sa kanya.

He smiled. "There's nothing more important than you..."

Hindi ako nakasagot doon. Once and for all, ako pa rin ang iniisip niya. If it's really our part to enter in each other's life, then I don't think this is it. This means selflessness.

Dapat ay inuuna pa rin niya ang sarili sa kabila ng lahat.

"You should've stayed there. Puwede namang tumawag na lang," malungkot kong sabi sa kanya.

Umiling siya.

"I wanted to surprise you for our first monthsary but I guess, it isn't a surprise anymore..."

Pumikit ako ng mariin ng maalala nga iyon. Hindi ko naisip na nage-exist pa pala ang cringe thing na 'yon. Akala ko ang mga bata na lang ang may pakiaalam.

Am I that old fashioned?

He chuckled at my reaction.

Natahimik kaming pareho pagkatapos non. I could feel the growing awkwardness between the two of us.

Tumikhim siya bago sumimsim sa kanyang tsaa.

"Ver..."

I looked at him.

"Why?"

Huminga siya ng malalim.

"I know you don't like me..."

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon.

"Huh? I like you, Tan," agarang sagot ko.

Umiling siya.

"You don't like me as a man. You just like me as a friend," paliwanag niya.

Natigilan ako doon. Are they two different things?

He smiled when I couldn't answer.

"See? I don't want us to push ourselves through with this relationship. I want you to be genuinely happy, Ver."

"What are you trying to say? I'm happy," sagot ko.

Umiling siya.

"I could see through your eyes everytime. I feel guilty," sagot niya.

Sonorous Thuds Of Thy Heart Where stories live. Discover now