Chapter 11

24 2 0
                                    

Chapter 11

Mas makakabuti siguro para sa akin ngayon ang umalis. Aside from the pain I have been feeling, gusto ko ring bigyang laya ang sarili ko. Not from the pain but from my own self.

Matagal na akong nakakulong. Gusto ko namang makita kung ano ang nasa labas ko.

"What? Are you serious, Veronica?" si Papa na ngayon ay gulong-gulo na.

"I'm sorry po..."

I heard a door shut. He probably went somewhere private.

"Veronica, ang tagal mo ng wala dito sa atin. Tapos balak mo ngayong mag-abroad ng hindi ka man lang dumadalaw muna rito?" bahagyang tumaas ang boses niya.

I heard him groan.

"I think it's for the better, Pa..."

"Really, Veronica? Papatayin mo na ako sa ginagawa mong 'to!"

Napapikit ako dahil sa sigaw niyang 'yon. Nakita ko si Mel na tapos ng makipag-usap. She looked at me asking what's wrong. Umiling ako sa kanya at iniwan siya sa kuwarto niya.

"I need to do this, Papa," I said, trying not to tell him what I know.

Napasinghal siya dahil doon.

"Ng hindi ka nagpapakita sa amin? We'll go there this afternoon. Kakausapin kita ng masinsinan–"

"Papa–"

"No one can stop me right now, Veronica. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan," nakakatakot ang boses niya.

"Hindi na po kailangan, Pa. Alam kong pagod kayo sa trabaho–"

"Do you think I'd let you go abroad, then?"

I couldn't remember when he used that tone to me. Buong buhay ko ay hindi siya umalma sa mga ginagawa kong desisyon para sa sarili ko.

"I will still go–"

He cursed, reason why I stopped talking. He have never cursed me before.

"Luluwas kami agad. Huwag kang matutulog mamayang gabi hangga't hindi tayo nakakapag-usap," he warned before ending the call.

Napaupo na lang ako sa sofa dahil doon. Mel immediately sat beside me worriedly.

"Huwag mong mamasamahin Ver ha. I think you should at least talk to them," she voiced out her opinion.

Tumango ako. Wala na rin naman akong magagawa. Pain have been haunting me all this time and all I do is to run.

Hindi ko alam kung napapabuti ba nito ang sarili ko o mas lalo lang lumalala.

True to Papa's words, alas onse na ng tawagan niya ako at makipagkita raw ako sa kanila sa baba.

The icy night breeze was trying to make me even more tensed. Nakakakot ang boses ni Papa.

He told me to enter inside the van as soon as he saw me. I wasn't surprised when I didn't saw Mama there. Tanging si Papa, Nathan at Mang Carlos lang ang nandon.

"Ngayon, kung ayaw mo akong mamatay dahil sayo, kunin mo na ang mga gamit mo at uuwi tayo ngayon pronto sa Iloilo–"

"What? No, Papa," pigil ko.

"Ako ang magulang dito, ako ang masusunod," mariin niyang sabi sa akin.

Natigil ako dahil doon.

"Why aren't you moving? Nathaniel, samahan mo ang ate mo," baling niya sa katabi kong si Nathaniel na halatang antok na.

Sonorous Thuds Of Thy Heart Where stories live. Discover now