Chapter 16
"Napakahangin niya!" si Tan ng makapasok na kami sa sasakyan niya.
"Hayaan mo na siya. Hindi maganda kung makikipag-away ka sa kanya," I warned him.
Sebastian is an influential person so it's not good for Tan to fight him.
"Hahayaan ko na lang siyang ganon? He's very unreasonable, Ver! Hindi lang naman siya ang may mga tauhan," bumulong-bulong pa siya.
"Just stop, Tan. Let's go..."
Hindi na siya sumagot pa at pinaandar na lang ang sasakyan pero halata kong galit siya kay Sebastian.
Maski ako ay ganon ang nararamdaman. Ipinaparamdam niya lang na nasa kanya ang awtoridad. He's just so full of himself.
I looked unto the flash drive in my room while Tan was busy handling a minor problem kn the company.
Base sa mga nakikita ko, totoo nga ang nasa portrait. I saw her shooting guns at my family from afar. Nasa isang event sila at this town and she made sure that only few was still around. Hula ko ay kakalabas lang nila Papa sa van.
Naninikip ang dibdib ko habang pinapanood ng paulit-ulit ang eksenang iyon. Galit na galit ang loob ko at gustong-gusto ko ng mahanap kung sino iyon.
I groaned and closed my laptop as I wiped my tears. Frustration, regret, and longing was all I felt at that moment. Ang lalim rin ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kina Papa sa mga taong wala ako at pinagsisisihan ko pa rin iyon. Dahil maaaring kilala ko sana ang may gawa.
The next morning, I was shocked by Mr. Moreno's message.
Mr. Moreno:
Good morning, Miss Briones. Kung maaari sana ay ma-interview namin ang mga kasama niyo diyan sa hacienda. I'll be joining the PNP of Iloilo and Sebastian volunteered to be with us too.
Naiwan ang tingin ko sa pangalan ni Sebastian. He's definitely serious.
Kaya naman agad kong pinatawag ang lahat ng trabahador ni lolo. Maging ang mga katulong ay pinatawag ko sa aming tanggapan.
Unang dumating ang mga pulis na sinundan nina Mr. Moreno at Sebastian. Sinabi ko kay Tan na hindi na niya ako kailangang samahan dahil alam kong may ginagawa siya. Thankfully, hindi na siya nakipagtalo pa.
"May mga itatanong lang po sana sa kanila," ang chief nila ang unang nakipagusap sa akin.
I saw Sebastian moving closer to my direction so I made myself busy talking with the chief.
"Nakausap ko na po sila tungkol sa gusto ninyong mangyari. Here's aling Gloria, ang mayordoma namin," hinawakan ko si aling Gloria at inilapit sa chief.
Tumango ito at binuksan ang dalang ballpen. They had to leave me for the interrogation though. Kaya ng makalapit sina Sebastian at Mr. Moreno ay wala na akong dahilan para hindi sila harapin.
"Good morning, Miss Briones," ani Mr. Moreno at nakipagkamay.
"Good morning..."
"Wala yata ang boyfriend mo," si Sebastian iyon, halata ang sarkasmo sa boses.
I looked at him with bored eyes and answered. "That's not your business to deal with," gaya ko sa sinabi niya kaya naman tumigil siya.
I just heard him hiss.
"Wala po akong kilalang kaaway ng mga Briones. Mababait po silang tao," I overheard one of them.
Nilingon ko 'yon at mas lalo pang nakinig.
YOU ARE READING
Sonorous Thuds Of Thy Heart
RomansaStand alone Date Started: March 03, 2023 Date Finished: July 14, 2023 Veronica Briones and her family was challenged by life. The triangle is suddenly turning upside down as they deal with bankruptcy. Because they have no assets anymore, they had to...