Video Call

3 0 0
                                    

❝𝐕𝐢𝐝𝐞𝐨 𝐂𝐚𝐥𝐥❞
@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗

11 pm na pero gising parin ako. ako lang mag-isa sa bahay at wala naman akong maisip na gawin. Nag-i-scroll lang ako sa newsfeed nang bigla akong maka receive ng video call mula sa kaibigan ko. Sinagot ko iyon at kaagad syang binati pero hindi sya sumagot. Nakakapagtaka nga kasi nakatingin lang sya sa camera at hindi nya iyon pinupulot. Nakaramdam ako ng munting kaba nang hindi sya kumukurap at nakatingin lang sakin. "Hoy babae, anong trip mo? flex mo lang yang kisame nyo?" tanong ko sa kanya pero biglang may nahulog na gamit sa loob ng kwarto ko kaya napunta roon ang atensyon ko saglit. Nang ibalik ko ang tingin sa cellphone ay wala na sya sa screen at bigla nya akong pinatayan ng tawag. Sinubukan ko syang tawagan pero di na nya iyon sinasagot kaya kinabukasan ay tinanong at ginisi ko sya ng walang mantika dahil sa ginawa nyang prank na hindi nakakatuwa. Hindi sya kaagad nakatulog matapos iyon. Ngunit ang sagot nya hindi ko inaasahan.

“Beh, kulang ka ata talaga sa tulog. Pa'no mangyayari yon eh 9pm pa lang tulog na ko. At isa pa, naka-shutdown cp ko kagabi no kaya imposible yan.”

Don't Be SadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon