❝𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫❞
@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗Ilang beses na ba? Ilang beses na ba akong nagsabi sa sarili ko na ‘ayaw ko na’, “suko na 'ko’, ‘pagod na 'ko’. Pero heto, lumalaban parin ako kahit pagod na ako. Oo pagod na ako, pero hindi ko basta-basta sasayangin ang buhay na binigay sakin. Kahit minsan ako mismo tinatanong ko na sa sarili ko kung bakit ako nabuhay kung pagsisisihan lang rin naman na nabuhay ako. Mabigat ba? Siguro nararamdaman mo ang mga sinasabi ko ngayon.
“André, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.”
Nilingon ko si Sofia, ang kaibigan at ang boss ko. Sya kasi ang CEO ng kompanya at ako naman ang kanyang secretary.
“Ah, nagpapahangin lang.” sagot ko at bahagyang ngumiti sa kanya.
Nakita ko syang umingos bago tumingin sa karagatan.
“Wag kang magsinungaling sakin André. Kilala na kita. Iniisip mo na naman ba sila?” tanong nya na ikinatahimik ko.Huminga ako ng malalim at pinagmasdang mabuti ang karagatan na sinasalubong ang papalubog na araw.
“Hindi ko mapigilan Sofia. Pasensya na.” sagot ko.
“André, ang sad boy mo naman. Alam mo kung anong ginagawa sa mga katulad mo?”
Nilingon ko sya at nagulat ako nang pagharap ko ay bigla nya akong tinulak mula sa kinatatayuan naming parang maliit na pantalan.
A loud splash bangs on my ears and I heard her laugh. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na yakapin ng maligamgam na tubig dagat.
Nang alam kong malapit na akong maubusan ng hininga ay dinilat ko ang aking mga mata at pagdilat ko ng aking mga mata ay isang napakagandang mata ang nahuli kong nakatingin sa akin. Tinignan kong maigi ang napakagandang mukha nito ng maigi at napansin ko ang kanyang mga kaliskis sa gilid ng kanyang mga mukha.
Nais ko pa sana syang titigan ng mas matagal pero nauubusan na ako ng hininga kaya minabuti ko ng lumangoy pataas.
“André! Bwisit ka! Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Umahon ka na dyan!”
“Hindi. Sandali lang Sofia.” sagot ko at muling sumisid upang hanapin ang babaeng nakita ko kanina ngunit wala na akong makitang babae roon.
‘Guni-guni ko lang ba iyon?’