Dawn

1 0 0
                                    

❝Dawn❞
@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗

Sleep... I want to sleep... help..”
“Mikhail? Ayos ka lang ba?” dinilat ko muli ang mga mata ko at mukhang nanaginip na naman ako. Naririnig ko na naman ang tinig nya sa tuwing malungkot ako.

“Sino ka?” tanong ko sa babaeng nasa aking harapan.

“Mikhail ako to. Ako si Trinity...” sagot ng babae at sinubukan akong hawakan pero lumayo ako.

“Hindi ikaw si Trinity.” sagot ko at muling ipinikit ang mga mata ko ngunit naramdaman ko ang haplos nya.

“Ano bang sinasabi mo Mikhail? Ako si Trinity. Hindi mo na ba nakikilala?” sabi nya at humiga sa aking tabi at yumakap.

“Hindi ikaw si Trinity kaya lumayo ka sakin.”
Umalis sya sa pagkakayakap sakin at tahimik na tumayo.

Dinilat ko ang isa kong mata at nakita ko syang nakayuko at napansin ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
“Baliw ka ba Mikhail?” aniya. Pinikit ko lang ang aking mga mata at pinakinggan ang kanyang mga hikbi ngunit bigla itong natigil at isang halakhak ang aking narinig.

“Mikhail...tama ka hindi ako si Trinity na iyong pinakamamahal pero kaya kitang dalhin sa kanya kung gusto mo.” unti-unti na syang kumalma mula sa pagtawa.

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko syang nakatingin sa akin. Iba na ang kanyang boses na ginamit. Hindi na boses ni Trinity ang aking naririnig.
“Gusto mong malaman kung nasaan sya hindi ba? Nasa balkonahe sya naghihintay sya sayo.”

Nilingon ko ang balkonahe na ngayon ay nakabukas na at hinahangin ang magaan na kurtina. Tumayo ako at pinuntahan iyon. Nakita ko sya, “Trinity...”
Lumingon sya sa akin at ngumiti. Ang ngiti na hinanap-hanap ko ng matagal. Tumakbo ako palapit at kaagad syang niyakap. “Trinity...” gusto kong sabihin na miss na miss ko na sya at mahal na mahal ngunit ang nagawa ko lang ay umiyak habang yakap ko sya at yakap nya ako.

Napawi ang lahat ng mabigat na pakiramdam sa puso ko at napuno iyon ng saya dahil sa wakas at nayakap ko ulit sya. “Trinity, wag mo na ko ulit iiwan...baka tuluyan na kong mabaliw. Please...wag ka ng...aalis..”

“Mikey...gusto mo bang sumama?” tanong nya sa akin. Tinignan ko sya at hinawakan nya ang aking pisngi at pinahid ang mga luha sa aking mata. Kinuha nya ang aking kamay at hinawakan iyon. She filled the gap between my fingers with hers and smiled. Her other hand hugged me and her lips landed onto mine.

The wind suddenly blew and I heard someone screamed my name...
“Mikhail!!! Nooo!!”
but it's too late now, I'm already falling to my death as the sun arises for a new day without me.

“I love you, Trinity...I won't regret choosing you.”

—@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗—

dedicated to:Syntyche Alana Yhayristhy Threader

Don't Be SadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon