Pasensya Ka Na

0 0 0
                                    

❝𝐏𝐚𝐬𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐊𝐚 𝐍𝐚❞
@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗

Busina ng mga sasakyan, mga taong nag-uusap usap. Iilan lang yan sa mga nakikita ko habang nakaupo sa bench ng bus stop.

Tinignan ko ang relo sa aking kamay—pasado alas-nuebe na. Kaya naman pala medyo inaantok na ko tapos sabayan pa ng trabaho.

Tumayo na ako nang makita ko na ang parating na bus. Nang pumara iyon sa aming harap ay isa-isa na kaming sumakay. Sa may gitnang bahagi ako pumwesto, sa tabi ng bintana.

Ilang minuto akong naghintay at halos makatulog na ako sa byahe bago makarating sa kanto kung saan malapit ang bahay ko.

Patuloy akong naglakad patungo sa aking tahanan. Pagbukas ko ng gate ay sumalubong sa akin ang tahimik at may kadiliman na paligid. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nagulat ako dahil sa biglaang pagbukas ng ilaw at pagputok ng party poppers at ang malakas na pagsabi nila ng “Congratulations Garette!!”

Kanya kanya silang lapit sa akin para bumati. Malawak ang ngiti ko na nagpasalamat sa pagbati nila sa akin dahil sa promotion na natanggap ko sa trabaho.

Pero mukhang may hindi ako inaasahang bisita. Nawala ang ngiti ko nang makita ko syang muli.

“Garette...”

“Lois...”

Natahimik ang paligid at ramdam ko ang tingin nilang lahat sa aming dalawa.

“Garette anak kain na muna tayo at baka lumamig ang hinanda namin.” aya ni mama

“Sandali lang ma. Mauna na kayo, kakausapin ko lang si Lois.” sabi ko at tumango naman si Mama at inaya ang iba kong kaibigan at ang aming mga pinsan.

Samantala lumabas naman kami ni Lois para mag-usap ngunit mukhang walang may alam sa amin kung paano magsisimula.

“Garette.../Lois...” nagkasabay kami pero pinauna ko na syang magsalita.

“Garette...uhm..you look well, kumusta ka?”

“Okay lang ako. Lois, sabihin mo nga sakin kung bakit ka pumunta dito sa bahay?”

“I came here to check on you and also I want to know kung may...babalikan pa ba ko.” lumapit sya sa akin at humawak sa aking balikat at sinubukan akong halikan ngunit umiwas ako at pinigilan sya.

“Lois, ilang taon kang nawala, kaya pasensya pero wala ka ng babalikan.”

“but Garette...I still love you. Can't you give me a chance? I promise I won't leave you again.” mangiyak-ngiyak na sabi nya habang nakatingin sa akin.

Umiling ako “Ikaw na mismo ang nagsabi noon na tapos na tayo. Hindi mo ba alam kung anong nangyari sa akin matapos mong sabihin sa akin 'yon? Hindi mo alam na halos sirain ko ang buhay ko makalimutan ko lang ang sakit. Ayoko ng masaktan ulit ng ganun Lois. Impyerno iyon para sa akin kaya patawarin mo ko kung hindi ko na kayang bumalik sa'yo, patawarin mo ko kung hindi na kita mahal. Okay na ko Lois sana kalimutan mo na rin ako...pasensya ka na Lois pero ayoko na. Sana maintindihan mo.”

Patuloy lang ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Gusto kong punasan iyon pero wala na akong karapatan. May iba ng nakalaan para punasan ang luha sa mga mata nya.

Umiling sya “‘Wag kang humingi ng tawad Garette, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan...pinaghintay kita sa wala, ako yung umalis at bumitiw. Kaya ako dapat ang humingi ng tawad sayo.” aniya habang patuloy na umiiyak.

Mabigat ang puso ko dahil sa nakikita ko syang umiyak pero kailangan kong maging malakas dahil para sa aming dalawa ito. Kailangan na namin na maghiwalay ng landas at magpatuloy ng kanya-kanyang buhay.

“Garette, may huling hiling sana ako bago kita tuluyang pakawalan...pwede ba kitang yakapin sa huling pagkakataon?”

Tumango ako at kaagad naman syang yumakap at doon na sya umiyak ng umiyak. Pumikit ako at tumingin sa kalangitan upang pigilan ang luha na gustong kumawala.

Pasensya ka na Lois. Hindi na kita kayang mahalin ulit. Ayoko ng masaktan.

Pumasok kami sa loob ng bahay matapos nyang kumalma. Walang may naglakas loob na magtanong at nagpatuloy na lang sa pahdiriwang ng promotion ko.

Ilang araw ang nakalipas at nakatanggap ako ng balita na bumalik si Lois sa America para doon na manirahan at nakatanggap ako ng huling mensahe mula sa kanya.

“Salamat Garette sa lahat. See you when I see you again.”

Don't Be SadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon