Manipulator

0 0 0
                                    

❝Manipulator❞
@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗

Panibagong umaga na naman ang sumibol.  Napakaganda ng kahel na langit. Hindi katulad ng buhay ko na puno ng dilim. “Enalyn! Bakit ba ang tagal mo dyan sa kusina? Nagugutom na ko!”

Napabuntong hininga na lang ako at nilagay sa tray ang sinandok na pagkain. Kung tatanungin nyo kung sino iyon, iyon ang asawa kong si Russell.

Umalis ako ng kusina dala ang may laman na tray. Inihain ko sa lamesa ang mga pagkain at pilit na itinago ang panginginig ng aking mga kamay dahil ramdam ko ang tingin nya sa akin.

Nagulat ako nang bigla nyang tinampal ang aking pang-upo. Kaagad ko syang nilingon at nakita ko sa mukha nya ang isang magandang ngiti. Ngunit alam ko na ang ngiting iyon ay may ibang ibig sabihin at hindi ko na kailangan pang alamin kung ano iyon.

“Nga pala Ena, darating dito ang mga tropa ko mamaya. Alam mo naman diba kung anong gagawin mo. Wag kang lalabas ng kwarto mo hangga't hindi sila umaalis..” hinawakan nya ang magkabila kong pisngi gamit ang isang kamay at pinihit ito paharap sa kanya. “..kung ayaw mong malintikan sakin. Naiintindihan mo ba?” aniya at saka padaskol na binitiwan ang mukha ko. “Kumain ka na.” dugtong nya pa. Tumango lang ako at umupo sa tabi nya.

Habang kumakain ay bumalik ulit sa isip ko ang tanong na 'bakit ayaw nya ako palabasin ng kwarto sa tuwing bumibisita ang mga kaibigan nya?'

----

Magdidilim na at darating narin ang mga kaibigan ni Russell at nandito na ako sa kwarto ko. Nakapagluto naman na ako kaya ayos lang. Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko at nakita ko ang malaking salamin. Lumapit ako roon at saka tinignan ang aking sarili.

Kung titignan parang ayos lang ang kalagayan ko. Ngunit sa ilalim ng turtle neck na long sleeves na suot ko, makikita mo ang mga pasa na hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Narinig ko ang tawa at halakhak mula sa baba. Kung iisipin, hindi ko pa nakita ang mga itsura ng mga kaibigan nya kahit isang beses man lang. Siguro hindi naman magagalit si Russell kung sisilip ako ng isang beses basta ang mahalaga ay hindi nila ako makita.

At nang dahil sa naisip kong iyon ay narito na ako sa harap ng pinto. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ba o hindi ang pinto ngunit sa huli ay nanalo ang kyuryosidad ko.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang lumapit sa may kanto kung saan naroon ang hagdan. Sumilip ako at doon ko nakita sila Russell na nag-iinuman at may kasamang mga babae. Ang isa ay nakakandong kay Russell at nakayapos. Umalis ako sa kinalalagyan ko at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko.

Ngunit nang dahil sa pagmamadali ay biglang napalakas ang pagsara ko nun. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na umusbong ang kaba sa dibdib ko habang dinarasal na sana hindi nila narinig iyon lalo na ni Russell.

Umatras ako ng umatras hanggang sa bumunggo ako sa higaan at mapaupo. Narinig ko ang yabag mula sa labas at ang pagpihit ng seradura. Bumukas ang pinto at nakita ko si Russell na bakas sa mukha ang galit. Sinara nya ang pinto at mabilis na tinungo ang gawi ko. Tumayo ako para sana magpaliwanag pero sinalubong nya lang ako ng isang malakas na sampal na ikinatumba ko sa higaan. Hinawakan nya ng mahigpit ang aking braso at saka pilit na pinatayo. “R-Russell m-masakit.”

“Talagang masasaktan ka sakin dahil sinuway mo ang utos ko. Diba ang sabi ko sayo na kahit anong mangyari wag kang lalabas ng kwarto? Pero anong ginawa mo ha?” pabulong ngunit may bahid ng galit sa kanyang boses. Sa bawat bigkas nya ng salita ay pahigpit rin ng pahigpit ang hawak nya sa aking braso kasabay ng pagbalik ng senaryo kanina na may nakakandong sa kanyang ibang babae kaya hindi ko na napigilan ang luha na nagmula sa aking mata.

Don't Be SadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon