❝Bisikleta❞
@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗MyBagong umaga, bagong pagkakataon na makita ulit si Adrienne. Nakangiti akong lumabas ng bahay para dalawin ulit sya sa kanilang bahay.
“Tao po! Taong gwapo po ako!”
Bumukas ang pinto at akala ko ay si Adrienne na ang nagbukas ng pinto yung step-brother nya pala. Kung kanina ay abot hanggang mata ang ngiti ko, ngayon hanggang dimple ko na lang.
“Wala dito si Adrienne.” aniya at balak nya na sana akong pagsarhan ng pinto pero kaagad ko iyong tinulak ng may kalakasan peeo sakto lang para makapasok ako syempre.
“Salamat sa pagtanggap!” sabi ko kahit di naman talaga ako pinapapasok ng step-brother nya na over-protective.
“Lance hijo! Ang aga mo namang bumisita sandali tawagin ko lang si Rien.” sabi ni Manang Rosa.
Nilingon ko ang kapatid nyang epal sa aking kinabuhi at tinignan sya gamit ang tingin na nagsasabing ‘wala-pala-ha’ at ‘utot-di-mo-ko-maloloko’
Umupo ako sa sofa nila at ganun din ang ginawa nya kaya ngayon ay magkaharap kami at nagsusukatan ng tingin.
Dumating si Adrienne kasama si Manang Rosa na may dalang tray na may pitsel, baso, at panghimagas na cake. Nilapag iyon ni Manang sa salamin na lamesa.
“Lance hindi ko inaasahan na bibisita ka ngayon sa bahay. Di ka man lang nagsabi. Teka, ano yang dala mo? Chocolate chip cookies ba yan?” ani Adrienne na kumikinang-kinang ang mga mata at kulang na lang ay tumulo ang laway. Ang cute talaga ng reaksyon nya sa tuwing may dala akong pagkain.
“Pano mo nalaman?” sabi ko at ibinigay sa kanya ang paperbag na may lamang cookies. Tahimik naman na nakatingin ang kapatid nyang parang may killing intent kahit na umiinom ito ng tsaa na hindi ko alam kung saang lupalop nya nakuha. Baka kasama sa tray.
“Naamoy ko.” ani Adrienne at saka ngumisi.
“Bilib talaga ko sa pang-amoy mo basta pagkain di ka sumasablay.”
“Syempre ako pa ba!” proud nyang sagot at saka kumagat sa kanyang hawak na cookie. ”
I patted her head and I see her blush while eating her cookie.
“ehem. Lance diba may pasok ka ngayon sa opisina? Baka ma-late ka nyan.” biglang epal ng Alezander na kasama pa pala namin.
Di naman halatang gusto nya ko paalisin agad no?
“Day-off ko ngayon Alez. Salamat sa pag-aalala.” sagot ko na may plastik na ngiti. “Ikaw di ka ba magrereview? Diba malapit na board exam mo? Kailangan mong makapasa para makuha mo yung trabaho. Kaya pwede mo na kaming iwan dito ni Adrienne.” nakangiti kong sagot sa kanya. Take that! Hindi ako aalis dito hangga't di kami nakakapag-usap ni Adrienne ko na wala ka.
“Nakakainggit naman pagkakaibigan nyo inaalaa nyo ang responsibilidad ng isa't-isa.” sabi ni Adrienne habang panay parin kain ng dala kong cookies.
“Ah, Adrienne., kaya ako pumunta dito para sana ayain ka na sumama sa Fallen Lake para mag-bisikleta. Yun ay kung ayos lang sayo.”
“Talaga? Sige sama ako. Kaso...di ako marunong mag-bike e.”
“Wag ka mag-alala tuturuan kita.”
×××××
“LANCE!”
Lumawak ang aking ngiti ng makita ko si Adrienne at nabura naman iyon ng makita ko ang katabi nya.“Yo, Lance.” aniya at sumaludo na parang nasa biogesic na patalastas lang.
“Anong ginagawa nya dito Adrienne?”😅 tanong ko
“Ah, gusto nya rin daw kasi matuto mag-bisikleta kaya sinama ko sya. Okay lang naman diba?” nakangiting sagot ni Adrienne
Simple kong sinamaan ng tingin ang kapatid nya na halata namang nagdadahilan lang para hindi nya maiwan sakin si Adrienne.
Sinimulan ko ng turuan si Adrienne pero sagabal talaga ang kapatid nya na tawag ng tawag sakin. “Lance, turuan mo rin ako mag-bike.” paulit-ulit na tawag nito sakin habang hawak ang bike.
“Uhm...Lance, sige na puntahan mo na si Alez medyo marunong na rin naman ako. Konting practice na lang.”
“𝑨𝒚𝒐𝒌𝒐 𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒓𝒖𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒖𝒔𝒂 𝒏𝒂 𝒚𝒐𝒏.”
“Ha?”
“Ha? Ano sabi ko sige pupuntahan ko na. Sure ka okay ka lang dito? Ayoko sanang iwan ka baka kasi kung ano mangyari sayo.”
Ngumiti sya ng malawak. “Ang thoughtful mo talaga Lance. Sige na kawawa naman si Alez mukhang gusto nya talaga matuto.”
Sarap na sana sa ears dinugtungan pa. Hindi nya gusto matuto gusto nyang paglayuin tayo.
Masama ang loob na pinuntahan ko sya at habang tinuturuan ko sya ay may naisip ako.
“Diretso lang ang tingin tapos magpedal ka lang hahawakan ko yung bisikleta para di ka matumba.” sabi ko at ginawa naman ng epal na to. Pero syempre hindi ko muna ginawa ang nasa isip ko. Kailangan nya muna magtiwala ng konti. Ilang beses pa namin inulit iyon at nung huli ay pasimple kong tinulak ang bisikleta kaya napa pedal sya ng mabilis, “Laaaancee pano to patigilin!!!” “Gamitin mo yung preno!” pinidot nya ang preno kaya tumalsik sya sa lawa. *insert manly scream*
“Alezander!!” Adrienne at kaagad na tumakbo palapit sa lawa. Kaya lumapit din ako.
“Hala... masyado na pala tayong malapit sa lawa..Alezander ayos ka lang?” sabi ko na halatang nang-aasar. Hindi naman napansin ni Adrienne yun. Masyado syang manhid kaya di nya alam ang nangyayari.Kaagad syang umahon na parang hinihingal. Mabilis syang dinaluhan ni Adrienne. Tinulungan namin syang makaalis dun syempre kunwari nag-aalala ako pero deep inside humahalakhak na ko sa sobrang tuwa.
Nakaramdam ako ng itim na awra at nakita ko ang ko si Alez na mukhang sinusumpa na ko dahil sa ginawa ko.
“Pfft.” pinigilan ko ang tawa ko dahil sa naisip kong itsura nya.Kinabukasan, nabalitaan ko na lang na sinipon si Alez at di sasama sakin si Adrienne mamasyal dahil inaalagaan nya si Alez. ㅠ^ㅠ
—@𝚊𝚙𝚜𝚡𝚗𝚝𝚑𝚒𝚘𝚗—