CHARLES"LIMANG libo, tapos idadagdag ko na itong naitabi kong limang daan mahigit, " ani mama habang kinukwenta ang natitira naming pera,
"Paano na tayo niyan?" tanong ni papa,
Hindi ko alam kung dapat kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Hindi ko kasi nilayuan si Francine kahit na alam kong may kayang gawin ang Padilla na 'yun. Pero, bakit ganun? Parang hindi ko naman pinagsisisihan ang mga nangyari?
"Mama, sa kalsada na po ba tayo titira?" ani Chanella,
"Hindi anak, hinding hindi ko hahayaan na mangyari iyon. " sagot ni mama,
Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa, kaya naman lumabas muna ako ng bahay--- na maya maya ay iiwan na namin--- para makapag isip isip. Papunta na sana ako kina Joshua ng makita ko si Mang Juan, ang tatay ni Francine, sa tapat ng bahay nila at di sinasadyang narinig ko ang usapan nila ng lalaking "Sir" ang tawag sa kanya.
"Ah, wala ka ba talagang mahanap na ipapalit kay Robert?"
"Wala pa sir eh, may nahanap na daw si Lito eh kaso mukhang araw araw daw naka high sa droga. "
"Wala kasing maghahatid ng materyales eh, tch. "
"Onga po, sir. Kung marunong lang sana ako mag drive... "
Magdrive? Eh di driver siguro ang hanap nila?
"Ahm, excuse me po, sir Juan.. ah, eh, driver po ba ang hanap niyo?" nahihiya kong tanong, syempre baka sabihin ay napaka tsismoso ko at alam ko ang pinag uusapan nila.
"Oo eh. Naku, hindi kita matatanggap doon, utoy. Bata ka pa eh. " aniya.
"Ay naku, hindi po ako, sir. Si papa po, sana?" tugon ko rito,
"Ahm, pwede ko ba siyang makausap?" aniya,
"Opo! Papuntahin ko lang po dito, " sabi ko at tumakbo na pabalik sa'min at tinawag si papa. Sabi ko dito ay may sorpresa ako sa kanya, kahit hindi sigurado kung matatanggap ito sa trabaho.
"Sir Juan, ito po si papa. " pakilala ko dito,
"Magandang araw po, sir. " ani papa.
"Magandang araw din sa'yo, ahm, ano, pwede ka bang makuha namin na company driver?" wika ni Sir Juan.
"T-talaga p-po s-sir?!" ani papa.
"Ah, eh, oo eh. Nagresign kasi yung driver namin. " sabi ni Sir Juan.
"Naku, sir. Maraming salamat po! Kailangan ko po kasi talaga ng trabaho eh! Natanggal po ako sa nung nagbawas ng tricyle drivers, " nahihiyang sabi ni papa.
"Mabuti na lang pala at nakuha kita! Hahaha! Naku, totoy, salamat ha? May driver na ulit kami!" ani Mang Juan at tinapik ako sa balikat.
"Ay teka nga, totoy, anak ka ni Cherry diba? Iyong ano, labandera namin?" ani Mang Juan.
"Ay opo, at kaklase ko din po si Francine sa DU. Exchange student po ako don, " proud kong sabi.
"Ay oo! Ikaw ata yung nakukwento niyang magaling sa math, naku pakituruan siya, ha? Hahaha!" aniya at nagkatawanan kami.
"Sir, salamat po talaga ah? Laki po ng utang na loob namin sainyo, " ani papa.
"Maliit na bagay, ay ano, kailangan din namin ng kasambahay ngayon. All around sana kahit stay out, baka pwede si Cherry oh?" tanong ni Mang Juan.
BINABASA MO ANG
That Exchange Student
Teen FictionThis story is 100% FICTION. Created with the author's wild imagination.