XI

38 1 0
                                    


FRANCINE

PUTI.

Biro lang. Common na kasi ang puti kapag mulat ng mata, hehehe.

Asul. Asul na kisame ang una kong nakita pagkamulat ng mga mata ko.

"Francine! Gutom ka ba? Anong masakit saiyo? Okay ka lang?" aligagang tanong ni... Troy?

"Troy? N-Nasaan t-tayo?" tanong ko rito,

"Dinala kita dito sa ospital-- "

"Good day, Miss Montenegro. How do you feel?" hindi natuloy ni Troy ang sasabihin dahil sa doktorang biglang pumasok.

"Ahmm, nanghihina po. Tas medyo dizzy. " sabi ko,

"Well, it's normal. Be extra careful, ha? Lalo na at magkaka baby ka na. " aniya.

ANO?

"P-po?" gulat kong tanong,

"Tama nga yung nag asikasong doktor, marahil ay hindi mo pa alam. Well, you're eight weeks pregnant. Twins ang dinadala mo! Congratulations! By the way, I'm Dra. Camille Rivas. So, I have to go, excuse me." aniya at lumabas na.

Oh shit. Nagbunga ang pagkakamali namin ni Joshua..

"T-Troy... " bigla kong sambit at wala na,umiiyak nanaman ako.

"Francine.. " sabi niya at niyakap niya ako. Habang yakap yakap niya ako ay hinahaplos niya ang buhok ko.

"Troy, hindi ko na alam kung paano ito sasabihin sa parents ko.. " sabi ko rito,

"But you have to, Francine. Face it. But be ready for your consequences. " aniya.

I'm such a disappointment. maisip isip ko na lang.

"Mahigpit ang kapit nila sa'yo. Strong just like their mom. Be extra careful next time, okay?" ani Troy at napangiti ako.

"Salamat, Troy. " sabi ko.

"Anything for you. " aniya at hinalikan ako sa noo.

Laking pasasalamat ko na lang talaga at dumating si Troy sa buhay ko. Napakaswerte ko sa kaibigan dahil mayroon akong Troy at Blaire na laging nariyan para sa'kin.

Si Charles...

Mabuti rin naman siyang kaibigan kaso... alam niyo na. Mahal ko siya.

*****

HINDI na ako pumasok sa klase ko, umuwi na ako sa bahay dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Marahil ay dala ito ng pagbubuntis. Nag offer pa si Troy na ihahatid niya ako pero I insist. Nakakahiya na at may klase pa siya.

Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan ko sina mommy, daddy at kuya doon.

"FRANCINE!" pagbati ni kuya sa'kin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"K-kuya.. I have something to tell you all. " sabi ko at dumiretso na ako sa sala, tinawagan naman ni kuya sina mommy at daddy.

"Ano yun, our princess?" tanong ni mommy.

"Mommy, Daddy... I'm... p-pregnant. " naluluha kong sabi.

PAK!

Isang malutong na sampal ang natanggap ko kay mommy.

"MARELLA!" saway ni daddy kay mommy.

"What the fuck, Francine?! " ani mommy.

"M-mommy, I'm so s-sorry. " sabi ko at niyakap na ako ni kuya.

"S-sino ang ama niyan, Francine Mae?!" tanong ni mommy, well I can state that she's now very angry dahil tinawag na niya ako sa full name ko.

"Yung kapitbahay po n-natin. " sabi ko.

"ANO?! Si Soberano?! Alin sa kanilang magkakapatid? Si Jason, Jester o Joshua?!" tanong ni kuya, kilala niya ang Soberano brothers dahil katropa niya si kuya Jason na kasing edad niya.

"S-Si Joshua. " tugon ko,

"Boyfriend mo?!" tanong ni mommy, at umiling ako.

"What the fuck?" she reacted at si daddy na ang nag explain ng lahat.

Well, basically, I deserved that slap. Kung hindi ba naman ako tatanga tanga, diba? Expected ko na yun kay mommy dahil iyon ang number one rule niya sa'ming magkakapatid, wag papadisgrasya ng maaga.

"Marella,mahal, nangyari na ang lahat. Please. Stop getting mad, " ani daddy.

"Stop getting mad, Juan Karlos?! Mahal naman, " humihikbi na siya,

"Alam mo na teenager din ako nabuntis at naging mahirap para sa'kin ang mga sumunod na pagsubok. Way back, you're just fifteen and I'm eighteen nung dumating si Francis sa buhay natin. " ani mommy at lalo siyang naiiyak.

"I got your point, mahal. But, pwede naman mag aral si Francine kahit na may anak na siya. She can still continue in pursuing her dreams. Look at us, I'm now an engineer and you're now ob gyne. Nakatapos tayo kahit na may anak na tayo that time, " ani daddy. Nakayuko lang ako katabi ni kuya dahil hindi ko alam ang irereact ko.

"Let's just send her kina mama after niya gumraduate. " ani mommy-- and she's referring to grandma.

Sabi na eh. No choice, mapapadala ako sa Canada.

"Francis, talk to Jason. Sabihin mo na pumunta ang pamilya nila dito mamaya, dinner. At six pm. " ani daddy at tumango na lamang si kuya.

*****

KINAHAPUNAN ay para bang tamad na tamad akong kumilos. Nasabi na raw ni kuya sa mga Soberano na pumunta dito. It's 5:45 pm, the dinner shall start within fifteen minutes. Hindi na ako nag abalang mag make up, dahil unang una, hindi talaga ako nagamit no'n. Nung graduation at prom lang ako napilit ni ate na mag lagay no'n.

Then I heard someone knocking.

"Come in" wika ko and iniluwa ng pinto si mommy na naka simpleng dress at light make up. She's really young looking. Mukha siyang nasa mid- 30s pero she's turning forty- two by next month.

"My princess... I'm sorry for what I've done earlier. " aniya.

"Okay lang, mommy. I deserved it, anyway. " sabi ko.

"No, sweetheart. You don't. Nabigla lang ako, ayoko lang talaga matulad ka sa'kin na maagang nagka anak. " aniya at hindi na ako umimik pa,

"You know what, Francine, at first sobra akong nagsisi na maaga namin nagawa ang bagay na 'yun pero noong moment na narinig ko ang unang iyak ng kuya mo, nawala ang regrets ko. Napalitan yun ng tuwa at thankful talaga ako blessing na 'yun. " aniya saka ako tumingin sa kanya. Hinaplos niya naman ang mukha ko.

"Being a mother is not that easy, you need to work hard every single second for your child. For their good. And, it will be the greatest blessing you'll ever receive." aniya at niyakap niya ako,

"Whatever happens, I won't leave your side, my princess. " aniya.

"Thank you, mommy. " sabi ko.

*****

"SO, here they are. "

Unang pumasok ang padre de pamilya ng mga Soberano, si tito Philip. Sunod si tita Jane saka ang Soberano brothers.

Na aawkward ako dahil magkatapat kami ni Joshua ng upuan, kumain muna kami at nagkwentuhan-- ngunit hindi pa tungkol doon. Nakikita kong sumusulyap sulyap si Joshua sa'kin at para bang hindi siya mapakali sa inuupuan niya. Tatanungin ko sana siya---

"So, I bet, alam niyo na?" ani daddy.

"Oo, pare. Ako man ay nagulat do'n. " ani tito Philip,

"Pare, ano ng plano--- " hindi naituloy ni daddy ang sasabihin niya dahil.

"Hindi po talaga ako ang ama niyan, si Palma po, si Palma. " ani Joshua.

That Exchange StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon