FRANCINE"KASI... gusto kita. I like you, Francine. I really do like you. " tugon ni Charles.
Literal na natigilan ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko muli si Charles upang kilatisin kung seryoso ito sa sinagot niya. Naghihintay ako na sasabihin niyang "Joke lang. " pero mukhang hindi nga ito nagbibiro.
"C-Charles.. wala namang g-ganyanang j-joke oh.. " sabi ko sa kanya. Sa hindi inaasahan ay ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.
"Hindi ako nagbibiro, Francine. Gusto talaga kita..." aniya.
"S-seryoso ka ba? Charles, please, ayoko umasa. Ayoko na masaktan. " tugon ko, hindi ako makatingin ng diretso sa singkit niyang mga mata dahil ramdam ko, ramdam ko na kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko.
"Tumingin ka sa mga mata ko, Francine. " aniya at hinawakan ako sa baba upang iangat ang ulo ko. Lalo akong namula sa ginawa niya.
"Hindi ako nagbibiro, seryoso ako sa'yo. Gusto kita. " aniya.
"Charles.. bakit ako? Wala akong makitang dahilan para magustuhan mo ako. Hindi ako maganda o sexy, tingnan mo nga oh, ang taba ko!" sabi ko dito akala ko ay tatahimik siya ngunit niyakap pa niya ako at ipinatong ang ulo niya sa ulo ko.
"Kailangan ba talaga na may dahilan kung bakit mo nagugustuhan ang isang tao?" sabi niya at ako naman ang natigilan. Kumalas na ito sa yakap at nakangiti akong tiningnan. Tama nga naman siya, hindi mo kailangan ng dahilan para masabing gusto o mahal mo ang isang tao.
"Charles, sana ano, ahmm.. " hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano ito sasabihin ng maayos. Ehehehe.
"Sana maghintay ako? Oo, Francine. Pangako, maghihintay ako sa'yo. " aniya. Nagulat naman ako sa sinabi niya, paano niya nalaman na yun ang gusto kong iparating?
"Francine.. may pag asa ba ako sa'yo?" pagtatanong niya, hindi siya nakatingin sa'kin, bagkus ay doon sa ginagawa niya.
"Oo n-naman. " sagot ko at nakita kong napangiti siya.
"Talaga?!" natutuwa niyang paninigurado niya,
"Sa totoo lang, ano... "
"Uy! Nandyan pala kayong dalawa, doon na kayo sa kwarto mo, Francine! Malamok na dyan sa veranda. " ani daddy. Hindi ko nasabi kay Charles ang dapat kong sabihin dahil sa biglang pagdating ni daddy. Kaya naman tulungan kami ni Charles sa pagpasok ng mga gamit sa bahay. At naalala ko ang paglipat nila ng bahay,
Kinalkal ko ang drawer ko upang hanapin ang susi ng apartment nina Blaire. May spare key ako nito dahil minsan ay sa'min nagtatanong ang gustong umupa sa bahay. Binigay ko ito kay Charles at nagpasalamat naman ito. Mag aalas siyete na rin kaya't sinabi ko na bukas na namin ituloy ang project.
Bumaba na kami at naabutan namin na kumakain na sa dining sina daddy, mommy at tatay ni Charles.
"Hi mommy, " pagbati ko kay mommy bumeso rito,
"Oh Francine, iho, kumain na kayo dito!" anyaya ni mommy sa'min ni Charles. Tiningnan ko naman si Charles na para bang sinasabing "wag ka na mahiya." Napakamot na lamang ito sa ulo niya at umupo na sa tabi ng papa niya. Napansin ko naman na palihim itong nangingiti.
TEKA? Ano na nga bang status namin? Kami na ba? Sus, hindi pa nga pala ako nakapagtapat, dumating kasi si daddy eh. Hahaha.
*****
CHARLES
PAGKATAPOS ng munting salo- salo sa bahay ng mga Montenegro ay umalis na kami ni papa, laking tuwa pa niya ng malaman na may matitirhan na kami. Nagtext si Blaire sa'kin, ayos lang daw kung by next week ko pa ibigay yung down payment sa bahay.
"UY PALMA!"
Lumingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko sina Joshua at Julious. Sabi ni papa ay uuna na raw siya umuwi dahil mukhang gagabihin ako sa tropa,
"Aba! Mukhang seryoso na talaga sa pag aaral ang gago, ah. " pang aasar ni Julious at nabatukan pa ako.
"Sus! Si Palma? Magseseryoso? Hahaha! Funniest joke, pare! Nice try!" ani Joshua at nagtawanan kami, Grabe lang, namiss ko kaagad ang tropa ko.
"Ay nga pala, pare. Bukas may despedida daw si Lorenz. " ani Julious. Nagtataka ko naman tiningnan si Julious, aalis si Lorenz?
"Oo pare, tuloy na talaga sila sa Davao. " ani Joshua.
"Tangna, akala ko naman sa ibang bansa. Davao lang pala. " sabi ko at nagkatawanan kami,
"Asan si Van?" tanong ko,
"Pinapareserve yung bar nila para sa'tin bukas, " ani Joshua. May bar kasi sina Van, sa aming magkakatropa ay pamilya nina Van ang pinaka may kaya sa buhay.
"Mukhang maraming bibisita ah, " kumento ko.
"Marami nga ata, inimbitahan ata buong klase eh, pati yung kalandian niya sa DU. Psh. " ani Joshua. Napakunot naman ang noo ko, may kalandian si Lorenz sa DU? Sino kaya?
"Speaking of DU, Charles, ikaw ha! Pinopormahan mo ata yung si kwan eh, yung kapitbahay ni Joshua!" ani Julious. Napangiti naman ako, naalala ko kasi yung kanina. Nagpapahintay siya at may pag asa daw ako. Kaya't may feelings din siguro ito sa'kin.
"Oy, oy, kinikilig si Palma oh! Hahaha! Ngiting inlab ang gago!" ani Joshua at siniko siko pa ako ng pabiro.
"Ayun lang, sus! Dun ka ata kay Francine nagseseryoso eh. Hahaha!" ani Julious at nagtawanan kami,
"Pre, pero seryoso, nililigawan mo yun?" usisa ni Julious. Napangisi ako dito at umiling iling.
"Hindi na kailangan, sus. " sabi ko. Kumunot naman ang noo ng dalawa.
"Mga pare, hahaha! Mukhang... kami pero hindi eh. Ano bang tawag dun? " tanong ko,
"Naks naman, ano.. MU ata?" ani Julious.
"Hahaha, malay ko rin, basta liligawan ko pa rin yun. Mahal ko eh, ehehehe. " aniko at nabatukan ako ng dalawa at inasar pa nila ako na kesho hindi na raw ako "torpe".
*****
Lingid naman sa kaalaman ng tatlo ay may kanina pang nakamasid sa kanila. Pasimple rin itong sumusunod sa magkakaibigan upang makinig sa usapan ng tatlo.
*****
JAKE (Yung tropa ni Troy. Hahaha.)
"Oo, pare. Rinig na rinig ko, mukhang MU na raw sina Francine at Palma. " sabi ko kay Troy. Narinig ko naman ang mahina ngunit malutong niyang mura.
"Ang tigas talaga ng ulo niyang ni Palma, psh. " aniya.
"Pero, pre. Rinig ko, may despedida yung isa nilang barkada bukas. May naisip akong plano.. " aniko at napangisi.
"Ano naman? Siguraduhin mong maayos yan, Quijano. " aniya.
Oo, isa akong QUIJANO. Pinsan ni Julious, isa sa kabarkada ni Palma.
BINABASA MO ANG
That Exchange Student
Teen FictionThis story is 100% FICTION. Created with the author's wild imagination.