CHARLES"PARE, parang nakaka kaba pumasok do'n. " sabi ko sa tropa. Nasa jeep na kami para umuwi, good thing dahil sa iisang subdivision lang kami nakatira.
"Syempre naman, pare. Pang mayaman yun eh, eh tayo, average lang. Ingat ka do'n ah, baka mabully ka. " ani Joshua,
"Kahit naman siguro ako, pare. Kakabahan kung ako ang papasok do'n. " ani Lorenz.
"Manong, bayad po! Limang gwapong estudyante, sa Southville lang." rinig namin sabi ni Julious kaya't nabatukan namin saka nagtawanan.
"Uy, diba ano, may taga DU sa Southville? Yung taga ano, green street. " ani Julious,
"Ah oo! Yung anak ni Mang Juan! Si Francine! Oo! Taga DU nga yun, " sabi naman ni Van,
"Sinong Francine?" takang tanong ko,
"Hindi mo nga siguro kilala, hindi naman pala labas yung taong yun. Taga green street, kapitbahay namin. " sabi ni Joshua,
"Ahh, yung mataba ba na mahaba ang buhok? " tanong ko,
"Oo ayun! Pati pala si Blaire! Taga DU din, yung kapitbahay naman nila Francine! Bale, gitna ng bahay namin at bahay nina Blaire ang kina Francine. " sabi ni Josh at tumango tango na lamang ako. Green street? Taga Violet street ako eh, magkalapit lang naman yun. Tanaw nga sa'min yung mga bahay nila eh.
"Red street ako, kami ni Julious. " ani Lorenz
"Sa blue street ako, " ani naman ni Van.
"Ahm, may nagtatanong kung saan kayo nakatira? Ahahaha! Joke lang!" ani Josh at nagtawanan ulit kami. Mayamaya pa ay bumaba na kami sa jeep dahil nasa southville na kami. Hindi na lang kami sumakay ng pedicab dahil dagdag gastos pa iyon, naglakad na lang kami at dumiretso sa paborito naming tambayan, ang fishball-an.
"Kuya, lam mo na! Hahaha!" bungad ni Van sa nagtitinda ng fishball, suki kasi kami dito kaya't alam na ng nagtitinda ang order namin. --- na sampung pisong fishball. Aba! Kasya na sa'min yun, piso- dalawa naman eh. Hahaha.
Habang hinihintay namin yung fishball ay natanaw ko sina Blaire at Francine na naglalakad din.
"Oy, diba sina Blaire at Francine yun?" tanong ko kina Josh,
"Sila nga. Aba! Naglalakad lang din?" gulat na wika ni Lorenz.
Nakakagulat naman talaga, kilala kasing mayayaman at susyalin ang mga taga D.U, tapos makikita namin sila na naglalakad lang?
******
ALAS sais na ako nakauwi sa bahay, ang nadatnan ko lang dun ay si Chanella, ang grade four kong kapatid.
"San si mama?" tanong ko,
"Nandun kina ate Francine, " sagot niya habang gumagawa ng homework.
"Ha? Bakit?" nagtataka kong tanong,
"Ay di niya pala nasabi, ano kasi, sumiside line si mama do'n bilang yaya. " sagot niya.
"Ah, s-sige. Puntahan ko lang si mama do'n. " sabi ko.
Wala namang masama, diba? Hehehe. Atsaka ano, nacucurious din ako dun sa ano.. kay Francine.
Pumunta muna ako sa kwarto at nagbihis, yung pinaka desenteng pambahay ang sinuot ko. Blue shirt at jersey short. Naglagay din ako ng kaunting pulbos at nagpabango-- TEKA? Bakit ako gan'to? Bakit ako nagpapagwapo-- nag aayos? Psh. Hayaan na, nandyan na eh. Dumiretso muna ako kina Joshua para siguraduhin kung kina Francine nga 'tong katabing bahay.
BINABASA MO ANG
That Exchange Student
Novela JuvenilThis story is 100% FICTION. Created with the author's wild imagination.