CHARLESMABILIS lumipas ang araw, ngayon ay nakatayo ako sa harap ng isang building na ni minsan ay hindi ko naisip na makakapasok ako.
Doraemon University.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa naturang eskwelahan. Pinakita ko sa guard ang ID ko na may nakalagay na 'exchange student'. Pinapasok naman niya ako agad. Pagkapasok ko ay inilibot ko kaagad ang paningin ko. Apat na naglalakihang building ang sumalubong sa'kin. Sa kanan ay may gymnasium at sa kaliwa ay canteen. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan ang paghahanap sa---
"Watch out, son of bitch!"
Papalingon na sana ako ng bigla na lamang akong natumba sa kinatatayuan ko. Nabangga kasi ako nung lalaking nags-skateboard. Napahiga ako sa semento at pinagtawanan naman ako ng mga estudyante sa paligid ko. Hindi ako makatingin sa kanila, nahihiya ako. Pakiramdam ko ay isa lamang akong kalat dito.
"Charles?"
Napa angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha nina Francine at Blaire. Bagama't nagtataka ang mukha niya ay inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko ito at pinagpag ang nadumihang polo.
"An'yare sa'yo?" tanong ni Francine,
"Wala ito, hehehe. " kamot ulo kong sagot,
"Ay naku, BFF! Kitang kita ko ang nangyari! Nabangga siya ni Papa Troy!" wika ni Blaire.
"Okay ka lang? May clinic dito, gusto mo samahan kita?" alok ni Francine. Oh God. Bakit ba ang angelic niya?
"Ah. Ano, hehehe, wag na. Baka malate ako eh. "
"Alas otso pa ang simula ng klase, 7:30 a.m pa lang. Tingnan mo nga oh, may galos 'yang braso mo. " aniya,
"Ahm, ano, nakakahiya ata sainyo. Hahaha! Una na ako, BFF. Hahaha! See you na lang!" ani Blaire at umalis na ito.
Pagkadating namin sa school clinic ay humingi ng first aid kit si Francine at ibinigay sa'kin. Ako ang naglagay ng betadine at band aid, nakakahiya naman kung ipapalagay ko pa.
"Anong room mo?"
"Building 2, Room 514. " tugon ko,
"Woah! Ikaw pala yung natapat sa section namin, " aniya. Sa pagkakaalam ko kasi ay tig dadalawa ng exchange student per batch dito.
*****
FRANCINE
PAGKAGALING namin sa clinic ay umakyat na kami, at sa hindi ina aasahang pagkakataon ay nakasalubong pa namin ang babaeng 'to.
"Hello, Francine! New boylet, huh?" aniya.
"Well, good morning din, Nikki. At hindi ko siya boylet, he's a good friend of mine. " sabi ko dito at nagfake smile. Well, siya lang naman ang galit na galit sa'kin dahil inagaw ko RAW ang Troy niya. Lul.
"Hello there, mister! Nikki San Jose here. Call me Nikki na lang." ani Nikki-rengkeng at inilahad ang kamay niya. Tiningnan lamang ni Charles ang kamay niya at ibinalik ang tingin sa mata.
"Charles. " wika niya at ang cold ng pagkakasabi niya,
"Charles? Surname please?" ani Nikki-rengkeng.
"Charles Soberano. Excuse us, " ani Charles at hinila na ako palayo. Natawa naman ako sa reaksyon ni Nikki-rengkeng. Napanganga ito dahil inisnob siya ni Charles KO. Charot, lakas maka-"KO".
BINABASA MO ANG
That Exchange Student
Fiksi RemajaThis story is 100% FICTION. Created with the author's wild imagination.