CHARLESDALAWANG BUWAN na mahigit ang lumipas simula nung mangyari iyon. At ang masakit? Eto, nag iiwasan kami ni Francine-- pati na rin ang bestfriend kong si Joshua. Nung una, sinusubukan ko lumapit sa kanya pero talagang naiwas siya hanggang dumating ang araw na ipinagtapat niya ang dahilan.
"May nangyari sa'min ni Joshua nung despedida ni Lorenz. Please, Charles. Stay away from me. Nahihiya ako. And besides, panagutan mo yung babae. Baka may nabuo. " aniya at umalis na. Iyon ang huli niyang sinabi sa'kin at hanggang ngayon ay hindi talaga kami nagpapansinan. At talaga namang nananadya ang tadhana, hindi na raw ako makakabalik sa SNHS dahil ayaw na daw bumalik ng pinalit sa'kin, nawili na masyado at nakakapasa daw yun doon.
Asar.
"Uy, Charles. " nilingon ko naman si Blaire na siyang kumalabit sa'kin.
"May balita ka na ba kay Marjorie kung may nabuo?"
"Ewan ko sa kanya, alam mo, parang ang lakas ng kutob ko na hindi wala naman nangyari sa'min. " sabi ko rito,
"Anong wala, eh, pagkagising niyo kamo eh parehas kayong walang saplot. " aniya.
"Oo nga eh. Edi kung meron, edi meron. Kung wala, edi wala. " sabi ko na lang.
"SCANDAL BOY!"
Napalingon ang karamihan sa may pinto at tatlong lalaking nakangisi ang nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali, yung singkit na nandun ay yung bestfriend ni Padilla.
"Yow, scandal boy! " aniya at nakatingin... sa'kin?
"Hala ka, hindi namamansin si Palma!" sabi nung isa niyang kasama.
"Batang bata ka pa~ " pagkanta naman nung isa at nagkatawanan sila.
"Hey guys, you know what, yang exchange student na yan.... may anak na yan!" sigaw niya sa klase at napasinghap naman ang mga kaklase ko--- pati na ako. Ako?! May anak na?!
"Marjorie Chua ang pangalan ng nabuntis mo, hindi ba?" sabi nung back up nung bestfriend ni Padilla, na hindi ko alam ang pangalan.
Teka, Marjorie Chua? Buntis? Edi.. may nabuo nga. Napayuko na lamang ako sa hiya, hindi ko naman maitatanggi dahil... totoo naman ata yun.
"Hoy, Bagito. " pagtawag sa'kin ng bestfriend ni Padilla,
"Ninong kami ah, " aniya at nagtawanan sila sabay alis sa tapat ng classroom namin.
"Anubayan, may anak na pala si Charles. "
"Marjorie Chua? Sino kaya yun?"
"Girlfriend niya?"
"Akala ko sila ni Francine?'
"Sayang ano, "
"Sira na future mo, boy. "
Hindi ko na napigilan ang luha ko, ayan nanaman sila. Naguunahan na pumatak. Hindi... hindi maaari ito. Habang nakayuko ako ay nahagip ng peripheral view ko si Blaire na nakaupo sa armchair ni... Francine?
"Bhe, wag ka na umiyak. Uy. " aniya at ng nilingon ko ito ay nakita kong naka heads down si Francine sa armchair niya. Akmang lalapitan ko na ito ng bigla itong tumayo at tumakbo palabas ng classroom, sumunod naman sa kanya ang kanyang bestfriend.
*****
FRANCINE
PAKSHIT.
Edi wow. Tatay na siya. Sige, di naman masakit. Hindi talaga. Tangina.
Ito na, ayoko magkunwaring masaya dahil mahirap. Mahirap magkunwaring masaya kung sa loob loob mo ay sasabog ka na. Ano ba ang mali ko? Nagmahal lang naman ako ah?
Chos. Ayoko na gamitin yang linya na yan, gasgas na eh. Ito na lang,
Kasalanan ko bang minahal ko ang isang Charles Palma?
Sa pagtakbo ko ay nakarating ako sa mini park ng campus. Umupo ako doon sa may fountain at nagsimulang umatungal ng iyak. Hindi naman umatungal, grabe naman. Humagulhol lang, wala namang nakakakita sa'kin-- atsaka maaga pa masyado. 7:00 am pa lang, 8:00 am ang klase.
"H-Handa ako makinig.. "
Napatigil ako sa pag iyak dahil may biglang nagsalita sa harap ko, tiningnan ko ito at...
"Troy?"
"Kilala mo ako?" aniya.
Kilala mo ako? Ayan din ang una niyang tanong ng una kaming nagkausap.
"Oo, " tugon ko at tipid na ngumiti.
"Oh, " aniya at inaabutan ako ng panyo, tinanggap ko iyon at nagpasalamat.
"Hulaan ko kung bakit ka naiyak, kay Palma ano?" aniya at tumango na lamang ako.
"Ang bilis ng chismis ah, " tugon ko na lang.
"Tropa ko yung nang- asar eh, pasensya na sa kanila. " aniya.
"Paano niyo nga pala nalaman yung tungkol dun?" tanong ko,
"Well, may tropa kami na taga SNHS at kaklase daw nung Marjorie. " aniya at tumango tango na lamang ako.
"Ang sakit, ano?" aniya pa. Hindi ako makasagot sa kanya dahil totoo naman.
"You don't deserve that kind of pain, " dagdag pa nito.
"Francine, I beg you. Please, iiyak mo na ang lahat. It hurts to see you cry. I think you need someone right now. " aniya pa at niyakap niya ako. Hindi ako makapalag dahil pakiramdam ko ay safe ako sa mga braso niya.
Alam niyo, pagod na ako. Pagod na pagod na ako umiyak. Ilang araw o gabi na akong sunod sunod na umiyak ah, quotang quota na. Ang hirap naman kasing pigilan ang luha--- para lang iyang utot. Kapag pinigilan mo, sa loob mo mararamdaman yung sakit. #Hugot.
Hindi naman kami tumagal sa ganung position ni Troy, kakalas na dapat ako sa yakap ng maamoy ko ang pabango niya. Hmmm. Ang bango bango!
"Uhmm, Troy, anong pabango mo?" tanong ko,
"Hmm. Bvlgari Aqua. Hehe. Bakit?" sagot niya.
"Wala naman, hehehe. Ang bango bango kasi. " sabi ko at tumingin sa mga mata niya.
Ang ganda pala ng mga mata ni Troy. May kislap eh. Medyo bilugan siya tapos mahaba ang mga pilikmata niya.
Tapos yung ilong niya, nakakatuwa. Napaka tangos, parang ang perfect ng pagkakagawa.
Napansin ko din ang labi niya. Ang pinkish tapos ang pouty pa! Tas ang kinis kinis ng niya na para bang gawa sa porcelain yung pagmumukha niya. Ang gwapo pala talaga ni Troy Lyndon Padilla. Hindi na nakapag tataka na maraming naghahabol sa kanya.
Teka nga, bakit ko ba tinitingnan ang features ni Troy? Don't get me wrong, hindi ko crush or whatever si Troy. Sadyang marunong lang ako umappreciate ng magandang hitsura.
"Huy, tulala ka dyan!" sabi niya at nagsnap ng fingers sa mukha ko.
Agad naman akong nabalik sa realidad dahil doon at nahiya dahil talagang natulala talaga ako sa kanya.
"Ahm, wala. Bigla na lang kasi akong nacute-an saiyo. Hehe. Nakakaaliw yang mukha mo, " sabi ko sabay tawa at kinurot naman siya sa ilong.
"Talaga? Cute a-ako?" tanong niya,
"Oo naman! Cute na nga, gwapo pa! " sabi ko at kinurot ko muli ang mukha niya. Para kasi siyang baby eh. Hahaha.
"Buti naman naaliw ka sa mukha ko, hahaha! My pleasure, hahaha! So, Francine? Friends?" tanong niya.
"Friends. Thank you, Troy ha? Mabait ka naman pala, akala ko kasi--- "
"Gangster ako? Hahaha! Ganun naman ang tingin sa'kin ng karamihan, " aniya at nagtawanan kami.
Ang cool pa lang kasama ni Troy. Nakakagaan ng pakiramdam. At... friends na kami.
BINABASA MO ANG
That Exchange Student
Teen FictionThis story is 100% FICTION. Created with the author's wild imagination.