XII

37 1 0
                                    


FRANCINE

"HINDI po talaga ako ang ama niyan, si Palma po, si Palma. " ani Joshua.

Animo'y may dumaan na anghel dahil lahat ay natigilan sa sinabi ni Joshua. Lahat ay hindi makapaniwala--- miski na ako. Paano nangyari iyon?

"Ganito po ang nangyari--- "

Hindi naituloy ni Joshua ang sasabihin niya sapagkat may biglang nag doorbell ng tuloy tuloy. Nakakainis man pero parang si... Charles?

"FRANCINE! Parang awa mo na! Buksan mo ito! May kailangan kang malaman. " aniya at basag na ang boses nito. Halatang naiyak na. Tumayo na si daddy sa hapag- kainan at siya na ang nagbukas ng gate. Narinig ko pang pinaupo siya o sila ni daddy sa salas.

"Doon tayo sa salas mag usap usap. " ani daddy pagkabalik niya sa hapag. Tumayo na kami at dumiretso sa salas. Naiwan lamang doon sina kuya, kuya Jason at kuya Joseph.

Pagkarating namin sa salas ay nando'n sina Charles, Van at Julious. Hindi na ako magtataka kung nasaan si Lorenz dahil nung isang araw pa ata ito nakaalis.

"Joshua, kindly explain to us.. " ani tito Philipp kay Joshua.

"N-Napag utusan lang po ako ni Julious. " aniya at lahat kami ay napatingin kay Julious.

"N-Napag utusan lang din po... " nakayuko niyang sagot.

"Sino ang nag utos sa'yo, iho?" tanong ni daddy.

"A-ayaw ko po sabihin... t-tatanggalin n-niya raw po si papa sa kumpanya nila kapag... hindi ako sumunod. " nangangatal niyang sagot.

"Tell us everything, iho. I promise, ipapasok ko sa kumpanya ko ang papa mo. Just tell us everything. "

Napalunok naman si Julious. At nagsimula na itong magkwento.

*****

JULIOUS

SINIMULAN ko na ang pagkukwento ng lahat.

Flashback

Isang araw bago ang despedida ni Lorenz ay bigla akong pinuntahan ni Troy, ang tropa ng pinsan kong si Jake.

"Pre, may ipapagawa ako sa'yo." aniya. Una sa lahat, hindi kami close para tawagin niyang 'pare'.

At in-explain niya sa'kin ang plano niya. Ayun ay ang lumabas na may nangyari raw sa'min ni Francine. Agad kong tinanggihan si Troy dahil ayoko talaga.

"Sige, kahit hindi ikaw. Kahit sino, basta wag si Palma. Palalabasin lang naman eh, magigising ng hubad. Ganun lang, walang gagawin. Tas si Palma, iseset up natin sa kung sino tapos kapag may nangyari sa kanila... " isang ngiti ang sumilay sa mukha nito at ako ay nanatiling nakakunot ang noo.

"Oh well, Julious. Kapag hindi ka sumunod ay mawawalan ng trabaho ang papa mo one of the following days. " aniya at ngumisi. Agad kong naikuyom ang kamao ko.

"Wag mong idamay ang pamilya ko, " sabi ko.

"Edi hindi. Basta sundin mo ako, " aniya at ngumisi muli. Nakakasura.

Pero... iba ang nangyari.

Totoong may nangyari kina Charles at Francine. Una ay dun malapit sa CR, doon ko sila unang nakita. Pagkatapos noon ay dumiretso sila sa isang kwarto. Medyo may tama na ako ng alak sa mga oras na iyon.

Nakita ko si Joshua at naki usap. Sabi ko ay babayaran ko siya. Alisin lamang si Palma sa pwesto niya kapag nakatulog na. Ilagay sa tabi ni...

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Chua at hinalikan. Hawak niya ang batok ko at ang kanang kamay ko ay hinila niya sa may dibdib niya.

Tama tama.

Pagkatapos ko kay Chua, ay siya ang itatabi ko kay Palma.

End of Flashback

*****

FRANCINE

HINDI ko alam kung ano ang dapat ireact ko. Magalit? Matuwa? Mainis?

Ang gulo. Animo'y isang telenobela ang buhay ko.

"Ano bang pumasok sa mga kokote niyo at ginawa niyo 'yan?!" tanong ni daddy.

"Napag utusan lang po kami, s-sir. " sagot ni Julious.

"Sino?! Sino ang hinayupak na nag utos sainyo?!" galit na tanong ni daddy.

"S-sir. T-Tatanggalan daw po nila ng trabaho si papa kapag nagsalita ako, " sabi ni Julious.

Napahinga ng malalim si daddy saka muling tiningnan si Julious.

"Tell me everything, iho. Kapag inalis niya o nila ang papa mo sa trabaho, I assure you na kukunin ko siya sa kumpanya ko. " sabi niya.

"Si Troy po. " sagot ni Julious saka kinwento ang lahat.

Si Troy. Si Troy Padilla na inakala kong superhero ko.

Napagalaman ko rin na kaya niya nagawa iyon dahil gusto niya ako at gusto niyang mapalapit sa'kin.

Ang pag- ibig nga naman, nakakasira na ng pagkakaibigan, nakakatanga pa.

That Exchange StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon