XV- Epilogue

58 2 0
                                    


After 5 years ...

FRANCINE

PARANG kailan lang... humahanga pa ako kay Charles. Yung tipong 'simpleng crush' lang. Pero ngayon... eto na, hinihintay niya ako sa harap ng altar.

Mula dito sa labas ay narinig ko na ang pagtugtog ng 'here comes the bride' sa organ. Nagbukas na ang pintuan ng simbahan at nagsimula na akong maglakad. Sinalubong ako ng masigabong palakpakan kaya't hindi ko napigilan maging emosyonal. Habang naglalakad ako papunta sa harap ay naalala ko lahat ng pinagdaanan namin. Simula sa pagkakilala namin ay detalyado lahat sa isipan ko.

Maid of Honor si Blaire at Bride's maid ang kapatid ni Charles.

Bestman naman si Joshua. Sina Van, Julious at Lorenz ay sa candle, veil at chord.

Little Bride ko naman ang anak kong si Charline, little groom at ring bearer naman ang kakambal niyang si Cj.

Naging maayos naman ang seremonya ng kasal. Nagsumpaan kami ng pagmamahalan sa harap ng Maykapal. Nakakaiyak na nakakatuwa talaga kapag naikasal ka sa taong mahal na mahal mo.

"You may now kiss your bride. "

Binigyan ako ng smack ni Charles at nagpalakpakan ang mga tao. At dito nagtatapos ang kasalang ito.

*****

"ANAK! Bilis na! Wala ng oras!" ani mommy na nagmamadali, maaga pa po! Two-thirty pa lang at alas tres ng hapon pa ang simula ng graduation. At opo, pinagsabay namin ang araw ng kasal namin at ng college graduation. Biruin ninyo, nakapagtapos kami ng college kahit na may mga anak na kami. Hindi naman kasi hadlang ang pagkakaroon ng anak ng maaga para makamit ang mga pangarap-- dapat pa nga sila maging inspirasyon sa atin.

Parehas na architecture ang kinuha naming kurso ni Charles. Wala man kami sa honor roll ngayong graduation ay ayos lang, ang mahalaga ay makapagtapos, diba?

Pagkalabas ko ng bahay ay nag aabang na do'n ang kotse naming si tito Efren pa rin ang driver. Naghihintay na si Charles sa loob kaya't sumakay na rin ako. Mabilis lang naman ang magiging byahe dahil hindi naman kalayuan ang university kung saan kami magtatapos. At siya nga pala, ang reception ng kasal ay isinasagawa pa sa isang hotel ngayon, lumiban lang kami nina Charles dahil sa graduation.

******

SA WAKAS. Tapos na, nairaos na namin ang graduation at kasal. Sa kasalukuyan ay 11:30pm na ng gabi at katatapos lang ng graduation. Sa dami ba naman naming gumraduate eh. Nandito kami ni Charles sa rooftop ng university. Naisipan namin magpaiwan dahil... wala lang. Trip lang. Huli na itong tambay dito eh

"Francine ko... sa tingin mo, forever tayo?"

Ano ba namang tanong yan?

"Oo naman, Charles ko. Bakit naman hindi?"

"Eh kasi wala daw forever. "

"Alam mo, Charles, wala kang karapatan magsabi na walang forever kung hindi niyo naman pinaglaban ang pagmamahalan niyo. Paano magkakaroon ng forever kung hindi niyo ipaglalaban ang pagmamahalan niyo?" pag eexplain ko rito. Nakita ko naman na tumango tango ito.

Nakita kong napangiti si Charles.

"That's my girl, laging positibo. " aniya.

"Charles, salamat. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. "

"No, Francine. Ako dapat. " aniya at niyakap ako. Kasabay ng pagyakap niya sa'kin at ang pagkulay ng kalangitan.

Fireworks.

"Francine.. i love you. "

"I love you more, my Charles. "

And he gave me a smack under the light of a thousand stars and colorful sky because of fireworks.

Ito ang forever.

Forever Francine and Charles.

The End.

That Exchange StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon