XIII

47 1 0
                                    


FRANCINE

KINABUKASAN ay hindi na ako nag aksaya ng oras pa, tinext ko si Troy na magkita kami sa school grounds bandang alas siyete ng umaga. Papunta na ako do'n, alas siyete pasado na, late na ako sa usapan.

"FRANCINE!" mula sa malayo ay narinig ko ang boses niya, uminit tuloy ang dugo ko.

Lumapit siya sa'kin at akmang yayakapin niya ako nang bigla ko siyang sinampal. Bakas naman sa mukha niya ang gulat.

"B-Bakit?"

"Ang kapal kapal ng mukha mo, Troy! Wag ka na mag maang maangan dyan! Alam ko na ang lahat! Pakana mo pala yung mga nangyari nung gabi sa bar! Hindi ba't kinwento ko pa lahat yun sa'yo?! Talagang tropa pa ni Charles ang sinabwat mo! Pinalabas niyo na may nangyari sa'min ni Joshua kahit wala naman!" naluluha kong sabi, literal na napanganga si Troy, marahil ay nagtataka kung paano ko nalaman.

"Bakit mo nagawa yun, Troy? Bakit?" umiiyak kong tanong,

"Hindi ba halata?! Manhid ka ba?! Mahal kita, Francine! Nagawa ko lang yun para mapalapit sa'yo!" aniya at umiiyak na rin. Wow, isang Troy Badilla ang naiyak sa harap ko? Wow. Hehehe

"Kung mahal mo ako, dapat hindi mo ako niloko. " sabi ko at hindi siya sumagot. Pagkasabi ko noon ay iniwan ko na siya sa school grounds.

*****

CHARLES

NAKAKATUWANG malaman na ako pala talaga ang ama ng dinadala ni Francine, ang babaeng mahal ko. Tanggap naman ako ng pamilya ni Francine at tanggap rin naman siya sa'min kaya lang ay nahihiya talaga ako. Sa laki ng utang na loob ng pamilya namin sa kanila ay ito pa ang isinukli ko.

"Okay, class.. May announcement ako so please, listen. " sabi ni Ms. Theresa.

"Sa darating na March 16 gaganapin ang graduation niyo, at sa March 17... " tsk! Pabitin pa si miss eh!

"Ay ano po?" tanong ng isa kong kaklase,

"Graduation Ball!" masayang sabi ni miss at biglang umingay ang klase.

"Since, you are forty in class, twenty girls and twenty boys, I will allow you to choose your pair. " aniya. Tumingin agad ako kay Francine at sakto naman na nakatingin din siya sa'kin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa'kin.

"F-Francine... p-pwede b-bang.. "

"Oo, Charles. " sagot niya agad.

"T-Talaga?! H-Hindi k-ka g-galit?" tanong ko, hinawakan niya naman ako sa kamay at muling ngumiti,

"Bakit naman ako magagalit sa tatay ng anak ko?"

'Tatay ng anak ko'

'Tatay ng anak ko'

'Tatay ng anak ko'

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot niya, hindi ko inakala na tanggap na niya ako-- at ang magiging anak namin.

"I love you, Francine. "

"I love you too, Charles. "

"T-tayo na ba?"

"Ahmm.. sa gradball na lang kita sasagut---"

"MONTENEGRO AND PALMA! GET OUT! KANINA PA KAYO NAGDADALDALAN MULA PAGKAPASOK KO AH!"

Agad kaming napatingin sa harap at lahat pala sila ay nakatingin na sa'min. Lumabas na pala si Ms.Theresa at second subject na pala ito, terror pa naman itong si Ms. Johna.

That Exchange StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon