xxxviii

6.3K 590 239
                                    

Hinalikan nya. Bumigat bigla ang boobs ko sa nakita ko. Sobrang bigat. Sa tansya ko, nasa anim na kilo na 'to. Pwede na sa junk shop. Lumabas ako at sinarado ni Jibeom ang pinto. Hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko, napaupo nalang ako sa may gilid ng walang hanggang. Tumabi sa akin si Jibeom. Naiiyak ako sa sobrang bigat ng hinaharap ko este -- dinadala ko.

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako, "O-Okay lang."

Pareho kaming natahimik pagkatapos nun. Napapabuntong-hininga ako tuwing iisipin ko yung nakita ko kanina. Bakit nya ginawa yun? Dahil alam nyang nandun ako? Gusto nyang guluhin lalo ang isip ko? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Nakakainis, e. Isipin ko palang na dumapo ang labi nya sa labi ni Keber. Pitingini eh. Tumataas ang blood pressure ko. Sana hindi ko nalang nakita.

"Pero mukhang hindi." He sighed, "Ako rin, hindi eh. Mahal ko si Miranda. I guess, we'll never really end with each other.. Should I just let go of her?" Napatitig ako sa kanya. Pareho ba kami ng destiny? "I don't really know how Oh Sehun's mind works. Is that just for a show?" Nagkibit-balikat ako. Ako pa ang tinanong mo, Jibeom, clueless din ako. Maybe, for a show. Para saktan ako. Para tuluyan ko na syang tigilan.. Too bad, I won't give up on him. I'll stay by his side.

"Halika na, baka naguumpisa na ang press conference." Tumayo ako at sumunod sya sa akin. Nang makabalik kaming dalawa'y naguumpisa na ang press con. Parehong nasa gitna si Sehun at Miranda dahil sila ang gaganap sa lead roles. Sa gilid nila ay ang ibang big cast din. Nagtama ulit ang mata namin ni Sehun pero nagiwas lang sya ng tingin. Awkwardness? I don't feel such thing sa pagitan nilang dalawa. Fck.

Ilang oras din bago natapos ang press con. Hindi ko alam ang schedule ni Sehun after this since hindi pa ako nabibigyan ng bago for the rest of the week ni Sir Junmyeon and Sehun didn't mention about it. Kinuha ko ang gamit ni Sehun at sinundan sya gang sa parking lot. Ramdam ko na naman ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko rin magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Inunlock na nya ang sasakyan.

"Ipasok mo na yan." aniya. Tinignan ko sya pero tila nakaramdam ako ng pagkahilo, e. Sinunod ko naman ang sinabi nya. Isinabit ko ang damit nya sa parang hanger dun sa loob ng kotse. "May isa pa akong schedule pero ayaw kitang makasama." Pucha, aw. Tagos sa lungs bae. "Umuwi ka na. Bukas, marami akong gustong ipagawa sayo, got it?" Gusto ko syang tanungin kung saan ba sya pupunta o kung sino kasama nya pero ano bang karapatan ko? Papasok na sana sya pero pinigilan ko sya. "I told you, don't touch me." Hinawi nya ang kamay ko. Aw.

"Bakit mo sya hinalikan?" I asked.

"Kailangan ko bang magexplain sayo? Sino ka ba? Baka nakakalimutan mong, ako ang employer mo, Lu Han. Oh, ano naman sayo kung hinalikan ko sya? You also want one from me?" He grinned, "I'm sorry pero ang tinapon ko na, hindi na pinupulot. So stop thinking about it. Huwag kang masyadong illusyunada." Narinig ko naman ang sinabi nya pero hindi maprocess ng utak ko. Para bang umiikot ang paligid ko at nanlalamig ang pawis ko. Nangunot ang noo nya.

"Sehun, nahihilo ako-"

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. I collapsed and everything went black then. Nanaginip nga ako eh. Ang saya namin ni Sehun sa panaginip ko, ayaw ko na ngang magising kaso kailangan. Kung magagawa ko lang sanang tumira nalang sa panaginip ko at magpakabyuntae forever but how? I have to wake up and faced him. The devil. Ang saya talaga ng panaginip ko. Takbo si Sehun nang takbo habang nakahubad.

Sana maulit ulit yun, ghad.

Nang magising ako, madilim na sa labas at nasa loob ako ng kotse ni Sehun. Luminga ako at familiar sa akin ang lugar. We went here before.. The cemetery where Mrs. Oh is buried. Sehun haven't forgotten her tho he only has bad memories of her hurting him. Nang matanaw kong tumayo na sya ay nagtulog-tulugan ako. Baka pababain nya ako dito eh.. Ayoko nga, gabi na 'no.

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon