xxix

8.3K 607 169
                                    

"You're following her?" Nagulat ako sa tao na biglang nagsalita sa likod ko. Si Jibeom na walang malay. Chos. Tinago ko na agad ang phone ko. Madalas ata magcross ang landas namin ngayon? Sinusundan ba nya ako or, something? Haha. Tamang hinala. Ganda ko kasi. "Nagulat ba kita?" Ngumiti sya sa akin. Pucha. Ang gwapo nya talaga. Napangiti rin ako. "So bakit mo tinitignan ang account ni Miranda? Fanboy ka? Hihi." Gwapo sana kaso chismakers ang gagu ah.

"Haha. Oo nalang." ani ko.

Pinagcross nya ang braso nya, "I'm visiting my friend here. Sya ang director sa Official MV ng comeback ni BoA." Lumingon sya at napatingin din ako sa tinignan sya. Sino pa ba? Si Sehun. "Looks like Sehun is having fun today ha?" He inhaled some fresh air. I dunno why but I saw him grinned. Ewan ko ba pero ang devilish ng dating. "Aren't you curious about why he's so angry with me?" Umikot sya at pareho na kami nakaharap ngayon kay Sehun. Inakbayan nya pa ako.

"You said, coz of Miranda?" I answered.

"Yes and no." Ha? Ano raw? Naramdaman kong bahagya syang lumapit sa tenga ko't bumulong. Gulat na gulat ako dahil dun sa ginawa nya. "I witnessed what he did back then. I just know one thing that Oh Sehun hides.." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Witnessed? Ano yun? Does that mean alam nya rin ang tungkol sa personality ni Sehun? He was traumatized for god sake!
.
.
.
He's a total freak." He continued.

Hinawi ko ang kamay nya sa balikat ko at lumayo ng kaonti sa kanya. "Hindi mo sya kilala para husgahan sya. Close ba kayo?!! Ni hindi mo nga sya nakakausap sa isang mahabang diskusyon. One thing I know," I paused for a while and glanced Oh Sehun for a seconds, "Sehun knows how to love. Hindi sya bato. Medyo hard lang kasi sya talaga." Pakamot ako sa ulo ko. Bakit iba ata naiisip ko sa hard hard na yan? Sus! Ang berde kong utak. Masasalba pa ba 'to?

Sehun is not a freak. Modurpukur!

He's a masterpiece if you'll ask me.

DAMN THAT BUTT! Pasintabi po.

"A monster doesn't know how to love."

Nagulat ako nang biglang lumapit si Sehun sa amin. Hinawakan nya ang braso ko saka tinignan ng masama si Jibeom. Sobra nga lang sa higpit ang hawak ni Sehun sa braso ko na parang bumabaon na ang kuko nya. I groaned but he doesn't seem to notice. His jaw clenching and uncleching due to anger. Pinipilit kong tanggalin ito pero ang higpit. Putspa. Naririnig ko na ang bulungan. Ugh.

"Nako, nagaaway ulit sila."

"Hindi pa rin ba sila nagkakabati?"

"Sino kaya pinagaawayan nila?"

Ilan lang naman ito sa mga naririnig kong bulungan ng mga usiserang staffs sa gilid. Kainis. "You really makes me wonder kung anong meron kayo at nagiging knight and shining armor ka bigla, Oh Sehun." ani ni Jibeom at ngumisi. Akala ko anghel sya. I was wrong. He's an angel in disguise pala. "Gagawin mo rin ba ang ginawa mo noon kay Miranda?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Anong ginawa ni Sehun kay Miranda? Naguguluhan ako. "The reason why I kept quiet all these years is because of her. Get your filthy hands off of her, Oh Sehun." Humakbang sya kaonti para lang magtapat ang gilid nila ni Sehun, "This is my last warning. Have a nice filming."

Umalis agad si Jibeom nang sabihin nya yun. Tinignan ako ni Sehun sandali saka nya binitawan ang kamay ko't umalis na rin. Yes, without saying any words to me. Hindi ko sya sinundan. Aalis na sana ako dun sa venue nang makasalubong ko si Junmyeon pandak. Sinabi ko nalang na aalis na ako't hindi na masasamahan pa ang alaga nya. I'm so confused. Walang maprocess ang utak ko sa mga sinabi ni Jibeom kanina. Witnessed? Ano ba yun?

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon