Kabanata 15

32.3K 842 62
                                    

Follow me on twitter > @deliixxWP

"What are your plans now?" Tanong ni Trigger sa grupo namin na puro babae

Nag kibit balikat ang iba at baka sumama sa mga lakad na pagiisipan ng mga manager

Tumingin sa akin si Trigger na mukhang gustong malaman kung ano ang plano namin ni Ate.

"We'll stay in our house, I think..." gumuhit ang ngisi sa mukha ni Trigger pagkasabi ko nun

"Can I visit you then?" Makahulugang tanong ni Trigger

Kinilig naman sina Nizzel sa sinabi niya, di nya alam na lalaki ang plano nya sa amin dahil alam nyang bibisita si Clay doon

"Tigilan mo na ang pinsan ko, Trigg. may girlfriend na yun at bestfriend ko pa." sabi ko sa kanya nun nagkaroon kami ng oras na kaming dalawa lang

"Sino bang nagsabi na si Clay pupuntahan ko sa inyo?" maarteng tanong nya sa akin, jusko... sinuswerte ka nga naman at nag karoon pa ako ng baklang kaibigan na lagi akong tinatarayan

"Oh edi sino?" Ibinalik ko ang maarteng tanong nya

"Edi si Hero! Kasi diba ka close mo yun? Kapag nalaman nyang umuwi kayo sa bahay nyo dito, no doubts na bibisita yun." sabi nya at nanisay sa kilig

"Tumahimik ka nga dyan, baka may girlfriend na yung tao!" Sabi ko para matigil tigil na sya sa kahibangan nyang paibigin si Hero

"Wala sya! I stalked his account in Facebook, Twitter pati na rin Instagram!" Pumapakpak pa sya sa sinabi nya na parang proud na proud dahil walang girlfriend si Hero

"Bahala ka sa buhay mo pero ito ang sinasabi ko sayo, hinding hindi kita tutulungan kay Hero."

Hinatid ako ni Ate sa hotel kung nasaan kami unang pumunta bago mag boracay, umalis sya kaninang umaga para bumili ng mga groceries para sa bahay namin.

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan kong modelo at kay Trigger na may balak sumama kaso pinigilan ko dahil alam kong may trabaho pa syang gagawin na tungkol sa mga litratong kinuha nya sa fashion show

Dala-dala ko ang dalawang malalaking maleta namin ni Ate.

"Kung bakit kasi di na nya to dinala kanina." sa inis ko, nasabi ko iyon sa loob ng elevator kung saan may kasama akong lalaki

At isa pang kinakainisan ko ay bakit walang porter na tumutulong sa akin ngayon

"Saang floor ka, miss?" napatalon ako ng nag salita ang lalaking kasama ko sa elevator

Doon ko lang naalala na hindi ko pala napindot ang G button kung saan ako pupunta

"Ground floor." tipid na sabi ko at sya na ang nag pindot para sa akin

He looks like an elevator boy sa ginawa nya, pero dahil sa gwapo sya at mukhang laging nag ggym ay di mo syang mapagkakamalang elevator boy imbes ay nagmumukha syang multi-millionaire business tycoon sa suot nyang all black suit!

Bigla akong nanliit sa kasama ko. God! I looked like a cheap woman dahil sa soot kong jumper shorts at white shirt

Nung narinig kong nasa tamang palapag na kami ay itinaas ko na ang handle ng maleta ko at nung kay Ate.

Papalabas na ako ng biglang kinuha nung lalaki ang maleta ni Ate at inilabas sa elevator. Doon ko lang napagtantong tinulungan nya pala ako!

"Thank you." sabi ko at di ko na alam kung anong isasagot ko, di ko alam kung kakausapin ko ba sya ng tagalog o ingles dahil mukha syang British

"Okay lang, nakikita kong nahihirapan ka kanina." Bigla akong nahiya dahil nakita nya pala ang sitwasyon ko kanina!

"Uhm..." sabi ko dahil di ko alam kung anong susunod kong sasabihin

SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon