"Inggit na ako sa'yo te, haba ng hair mo kagabi ah." Ani ni Trigger nung nakita n'yang katext ko si Hero. Binaba ko ang phone ko para sa make up artist na si Ms. Fernandez, na kanina pa nag-hihintay sa akin para ayusan ako.
Meron kaming photoshoot para sa upcoming event dito kaya maaga kaming gumising ni Trigger para di malate dahil baka masermonan kami ni Madame Maegan Martinez.
"Ayoko mang aminin pero nafeefeeling ko na gusto ka parin ni Hero hanggang ngayon." Tinignan ko lamang s'ya dahil baka magalit si Ms. Fernandez sa akin.
"And you see, si Dael. Ang gulo n'ya ah, when he saw you and Hero together may jealousy sa mata n'ya pero girlfriend n'ya hanggang ngayon si... Maureen ba ang name nung malandi na yun?"
Tinignan ko s'ya ng masama baka anong isipin ni Ms. Fernandez sa amin. Buti na lang at kaming tatlo lang ang nasa room kundi mahahalata 'tong si Trigger dahil sa way ng pagsasalita n'ya.
"Close your eyes, dear." Ani ni Ms. Fernandez para lagyan ako ng eyeshadow.
Panay ang talak ni Trigger kung bakit ganun si Hero, na bakit hindi na lang daw s'ya kung magustuhan ni Hero kesa sakin na hanggang kaibigan lang ang turing sakanya.
"Alam mo Trig, hindi lahat ng may gusto sayo kailangan gusto mo rin sila. Ayokong more than friends ang turingan namin ni Hero dahil masasaktan at masasaktan lang kaming dalawa sa bandang huli kapag nangyari yun."
"Iba naman si Hero , Vee. Hindi s'ya yung tipong lolokohin at sasaktan ka."
"I know at sa sobrang bait n'ya sakin natatakot akong saktan s'ya. Natatakot ako na baka hindi ko masuklian ang pagmamahal n'ya sa akin, at lalo na sa lahat. Ayoko ng masaktan ulit, I'm too broke to be broken again." Sabi ko at nag-papasalamat ako kay Ms. Fernandez na may nilagay s'yang eyeshadow kaya napapikit ako dahil ang totoo ay namumuo na ang luha ko at ayokong makita ni Trig na umiiyak pa ako dahil sa lalaking 'yun. Maraming beses na n'ya akong nakitang umiyak noon at ayokong madagdagan pa iyon.
Nag-simula na kaming mag-shoot at si Trigg ang isa sa mga photographer. Hindi ako makatingin sakanya ng seryoso dahil matatawa lang ako kaya kay Mac na lang ako tumingin para makapag-pose ng matino.
"Vee, si Trigger ang pinaka-photographer dito. Sakanya ka dapat nakatingin." Sabi ni Ate na parang di kami mag-kapatid. Tinignan ko si Trigger at wala pa man ay natawa na ako. Paano ba naman, nakatingin s'ya kay Mac habang si mac ay naka-focus sa camerang hawak n'ya.
"Ehem, ready na Vee." Matipunong sabi ni Trigger at hinawakan ang camera n'ya.
Sinubukan kong huwag tumawa habang nakatingin si Trigg sa akin at kinukuha ang anggulo ko.
"Okay, we're done today. Two days from now, makikita n'yo ang faces nina Venice at Zac at iba pang models sa mga commercial as our advertisement, pero sold out na ang mga ticket simula palang nung nasa States na tayo kaya don't worry about anything. For now, have fun and enjoy Makati and Manila!" Nag-palakpakan kami sa pagiging successful ng photoshoot na 'to.
Papunta na kami ni Ate sa parking lot para sana umuwi ng biglang may bumusina sa harap namin, sisigawan na sana ni ate pero natigilan s'ya nung nakita niyang si Clay ang may-ari ng kotse. Kasama niya si Denise na abot ngiti ang tenga.
"We're here to fetch you." Sabi ni Clay sa akin kaya wala akong choice kundi ang sumama sakanila dahil may gig nanaman daw sila at habang nandito daw ako sa Pilipinas ay gusto nila lagi akong present sa gig n'ya.
"Why should I be there? Nandyan naman si Denise para icheer ka." Sabi ko because I'm too tired to party
"After four years, ngayon ngayon mo lang ako napapag-cheer. Kahit minsan naman maging supportive cousin ka."
BINABASA MO ANG
SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)
RomansaEverything changed for Venice in four years of existence in America but her heart remained cold. Maraming tao ang sumubok tunawin ang yelo sa puso n'ya pero hindi ito natinag. Just one person, one person from the past who will surely melt her coldne...