Twitter: https://twitter.com/deliixxWP
May biglang kumatok sa pintuan namin, tumayo ako at binuksan iyon. Agad akong niyakap ni Denise, nasa likod n'ya ang pinsang kong si Clay.
"We heard the news, they know we're here. And trending ka sa twitter, I've read some of them and it was horrible." aniya habang nakayakap sa akin
"I know, Dee." sabi ko at tinaas ang aking phone kung saan nakabukas ang Twitter
"Oh, Vee..." aniya at niyakap ulit ako. Hinaplos n'ya ang buhok ko na para bang humahagulgol ako sa kanyang bisig
"Venice, where's Dael by the way?" tanong ni Clay nung pinapasok ko na sila sa aming suite
"Why are you here?" tanong ni Dael, naka boxer shorts s'ya at itim na sleeveless, pinapatuyuan n'ya ang kanyang buhok gamit ang kanyang tuwalya. Nag-iwas ako ng tingin sakanya. God, he's so hot right now
Hinawakan ni Clay ang balikat ni Dael at pumunta sila sa balcony.
"Everything will be okay, Vee." Aniya, hinahahaplos parin ang buhok ko
"I'm fine, Dee. Tanggap ko naman ang sitwasyon namin."
"It's a good thing that you are open-minded and understanding about this issue, kung ako ang nasa kalagayan mo ay susugod na ako kay Boy Abunda para ikwento ang side ko." halakhak n'ya. Sinundan namin sina Clay sa balcony at naabutan namin sila doon na seryosong nag-uusap
"You guys okay? Di ako sanay na seryoso kayo." sabi ko at tumawa, mabilis ko nahanap ang mga mata ni Dael na nakatingin sa akin, nilakad n'ya ang distansya namin at agad kong naramdaman ang kanyang kamay sa aking bewang
"I'm sorry, I'll try my best to control them."
"You know them, Dael. Hindi mo sila agad-agad maic'control. Sarado na ang isipan nila." sabi ni Denise na nasa tabi na ng pinsan ko
"I know but I'll do my best, I don't want anyone to hurt my baby." aniya at nginitian ako. Alam kong may problema kami ngayon at mabigat iyon pero hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. With the look at those eyes, nawawala lahat ng problema ko. Beside him is the most comfortable place in this world and I would never leave this place
"Good night, Vee." hinalikan ako ni Denise sa pisngi habang si Clay naman ay ginulo ang buhok ko. Inirapan ko s'ya at binalingan ulit si Denise.
"Good night." paalam ko at umalis na sila
Pagkatalikod ko sa pintuan ay namataan ko si Dael na nakahalukipkip habang nakasandal sa dingding.
"What?" tanong ko dahil hindi ko mabasa kung ano ang iniisip n'ya ngayon
"Nothing, I'm just trying to read your thoughts. Ayaw mo kasing magsalita." aniya
"Wala naman akong dapat sabihin." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Bigla tuloy pumasok sa utak ko iyong mga tweets ng fans about sakanila ni Phoebe Santiago.
Daelan Tanhueco and Phoebe Santiago should be together, huh?
Ni hindi ko alam kung itatanong ko ba kay Dael ang tungkol sa nalilink sakanya na si Phoebe, should I ask him what's the real score between the them? And what if it's yes? Mawawala ko na siguro ang sarili ko kapag nangyari iyon
Di ko namanlayan na nasa likod ko na si Dael, nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat
"Please tell me what you are thinking, I'm worried..."
"What's with you and Phoebe?" walang paligoy ligoy na tanong ko. I don't want bullshits, I want direct and frank answers.
"Oh, akala ko naman kung ano. We are just friends but our managers want us to be together para sa pagsikat ng career n'ya at para dumami ang fans namin."
BINABASA MO ANG
SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)
RomanceEverything changed for Venice in four years of existence in America but her heart remained cold. Maraming tao ang sumubok tunawin ang yelo sa puso n'ya pero hindi ito natinag. Just one person, one person from the past who will surely melt her coldne...