twitter: deliixxWP
Nag-extend pa si Daelan ng ilang araw dito, aniya'y ayaw n'ya pa daw umalis at gusot n'yang sulitin ang bakasyon n'ya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote n'ya at naisip n'ya yun dahil wala naman kaming ginagawa dito kundi mag stay sa bahay or kung naka-mood ay pupuntang Times Square o tatambay sa coffee shop.
Dalawang linggo na kami ni Daelan dito at kinabukasan na sa wakas ang alis namin kaya ngayon ay nag-aayos na ako para wala na akong inaalala bukas.
Nang bumaba ako para makainom ng tubig ay nakita ko si Daelan palabas papunta sa garden kaya minadali ko ang pagbaba ko para maabutan s'ya.
Nakatapat sa kanyang tenga ang kanyang phone ay seryosong nakikipag-usap sa kung sino man ang kausap n'ya.
"Dael?" tawag ko at mabilis n'yang pinatay at nilagay sa bulsa n'ya ang kanyang phone.
"Tapos ka nang mag-impake? Ang bilis naman..."
"Katatapos ko lang. Sinong kausap mo kanina?" tanong ko nang nakataas ang kilay
"Just Sr. Rodriguez, tinatanong kung kelan ang uwi natin." sabi n'ya at nag-iwas ng tingin. "Let's go? I cooked our breakfast." sabi n'ya at hinawakan ang dalawang balikat ko at tinulak papasok ng kusina.
Kung si Sr. Rodriguez lang 'yun ay bakit pa s'ya natatarantang ibaba ang phone noong tinawag ko s'ya?
Tatanungin ko na sana s'ya ng biglang pumasok si Ate na bagong gising at naghahanap agad ng pagkain.
"Ate, you should comb your hair first before going downstairs." sabi ko sakanya at inirapan lang ako
"I don't care, maganda parin ako." sabi n'ya at tumawa. Umiling na lang ako sa sinabi n'ya, umiiral nanaman ang self-confidence n'ya.
Kumuha s'ya ng plato ang naglagay ng sinangag, sausage at sunny side-up at lumabas na sa kusina, paniguradong sa kwarto yun kakain.
"I forgot... May swimming party pala kina Sir Frank for the success project, all of the staffs are invited kasama tayo. No buts! Aalis na tayo sa makalawa kaya walang kill joy!" sabi n'ya at umakyat na.
Umirap si Daelan sa harap ko "Tss... Party again."
Alas-syete pa naman ang party kaya may oras pa kami ni Daelan bumili ng mga pasalubong at damit.
Alas-dos ng makapunta kami sa mga boutique, inuna namin ang Topshop, which is Denise's favorite brand. Binilhan ko s'ya ng crop tops and dresses, bumili na rin ako para sa sarili ko.
Next is Chanel bags for my Mom and Hugo Boss polo shirts for Dad. Bumili rin si Daelan para sa parents n'ya.
"Daelan, bagay ba sa akin?" tanong ko at pinakita sakanya ang itim na backless dress. Nilagay n'ya ang kamay n'ya sa baba n'ya at sinuri ang hawak kong dress.
"Sa tingin ko mas bagay mo yung mga 'yun." sabi n'ya at tinuro ang katapat na boutique.
"Victoria Secret's?! Gosh, Daelan!" sabi ko at hinampas s'ya ng hawak kong dress.
"What? Nagtanong ka kung anong bagay sayo! I'm being honest here!" sabi n'ya habang tumatawa kaya pinaghahampas ko ulit s'ya.
Paano ba naman, gusto n'yang magsuot ako ng lingerie! Those sexy and revealing lingeries!
"Ano bang iniisip mo? Tinutukoy ko yung mga pajamas and shirts doon. Alam ko namang magsusuot ka rin ng lingerie kapag lumipat ka na sa bahay na binili ko." hahampasin ko na sana s'ya kaso umurong sa huling sinabi n'ya.
BINABASA MO ANG
SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)
RomansEverything changed for Venice in four years of existence in America but her heart remained cold. Maraming tao ang sumubok tunawin ang yelo sa puso n'ya pero hindi ito natinag. Just one person, one person from the past who will surely melt her coldne...