Kabanata 4

36.7K 1K 49
                                    

Agad akong nag-iwas ng tingin sakanya, tinignan ko ang katabi ko na walang alam sa nangyari. Gusto ko ng umuwi kaso baka sabihin nila sinisira ko ang gabi kaya pinipilit kong maging normal ang gabing ito.

"Tara doon tayo sa gitna!" sabi ni Trigger at hinila ako papunta sa gitna ng dancefloor. Muntik ng matapon ang inumin ko sa sobrang wild ng mga taong nadadaanan namin, ganun ba kagaling ang Victous at lahat ng tao ay nac-carried away sa tugtog nila?

Hinawi ko ang buhok ko at nakisabay sa pagiging wild ng mga tao sa paligid. Nginitian ko si Clay na kumaway sa akin pero ang katabi kong si Trigger ay nag-wala sa pagaakalang siya ang kinawayan ng pinsan ko. Sa sobrang saya n'ya ay inakbayan niya ako at tumalon talon.

Nagsitigil ang mga tao sa paghiyawan ng biglang nawala ang tugtog, napatingin ako sa stage at kitang kita ko ang matalim na titig sa akin ni Dael.

At ang susunod na nangyari ay ang maingay na tunog galing sa speaker dahil sa pagbagsak ng microphone sa sahig at ang pagpunta ni Dael sa backstage

"What the hell just happened?" tanong ng mga tao sa paligid ng makita nilang wala ang vocalist.

Sinundan s'ya nina Clay at lalong nag-taka ang mga tao.

"We're sorry for what just happened, Dael has this fever and he can't sing for now." Sabi ni Clay sa mic at s'ya na lang ang pumalit kay Dael.

"Fever? He seems fine awhile ago." Sabi ni Trigger na hindi ko na pinansin at sumayaw na lang.

"Hay, kapagod." Sabi ni Ate pagkapasok namin ng kwarto. Sawakas at napag-desisyunan na rin ng mga kasama naming matulog.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising, mayroon pa kaming apat na araw bago mag-simula ang rehearsal kaya nung nag-almusal kami ay puro suggestions ang mga naririnig ko mula sa mga kasama ko kung saan kami pupunta, sa Boracay ba o Palawan. Pinush ni Trigger ang Boracay kaya iyon ang sinunod. Hindi ko alam pero malakas 'tong baklang 'to sa mga babae at 80 percent sa amin ay babae kaya siya ang nanalo.

At ngayon araw ring ito balak kong sorpresahin si Denise sa bahay nina Clay. Kaya nag-pasama ako kay Trigger na magpa-drive ng kotse ni Ate papunta kina Clay, baka mag-tampo kasi itong baklang 'to sa akin kapag hindi ko s'ya sinama.

Mabilisan kaming nakapunta sa village nina Clay sa sobrang excited ni Trigger.

"How's my look? Mukha naba akong disente sa lagay kong 'to?" tanong n'ya at humarap sa akin. Naka white tee shirt s'ya at black short.

"Gwapo ka parin." Sabi ko at di n'ya ako nairapan dahil sa guard ng village na sinasabing pwede na kaming pumasok ng village.

Ang sinabi sa akin nina Tita sa skype noon ay bagong renovate ang bahay nila at may swimming pool at jacuzzi na kaya nag-dala ako ng ilang damit in case na gusto kong mag-swimming, ganun din ang pinagawa ko kay Trigger.

Huminto muna kami sa malaking gate nina Clay para sa security purpose, agad naman bumukas yung gate nung sinabi ko kung sino ako. Nakita ko kaagad si Clay sa tapat ng pintuan nila na kumakaway sa amin.

"Shit, ang hot talaga ng pinsan mo. Pasalamat 'yang bestfriend mo na si Denise ba 'yun, na nauna s'ya kay Clay kundi sorry s'ya." Sabi n'ya at natawa na lang ako.

Agad akong bumaba dala ang tote bag ko at niyakap si Clay.

"O kasama mo pala ang boyfriend mo." Sabi n'ya ng nakatingin kay Trigger at alam kong sa utak ni Trigger na nag-mumura s'ya sa sinabi ng pinsan ko.

"We're not, Clay.This is my friend, Trigger." Pakilala ko kay Trigger.

"I'm Clay." Sabi ng pinsan ko at nakipag-kamayan kay Trigger. "Tell me, wala bang boyfriend 'tong pinsan ko sa States?" tanong niya at inakbayan si Trigger.

SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon