Kabanata 34

26K 636 27
                                    


Kinabukasan ay nagising ako ng alas-otso, naligo muna ako bago bumaba para mag-almusal ng makita ko si Daddy sa mesa, nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning, Dad!" maligaya kong bati atska ko s'ya hinalikan sa pisngi

"Good morning." ngumiti s'ya pero agad rin iyon nawala ng bumalik ang titig n'ya sa dyaryong binabasa

"I want to be happy for you and Daelan but I can't, because of this." aniya at tinuro ang isang parte ng dyaryo kung nasaan may letrato kaming dalawa ni Daelan sa Mactan airport.

Napabugtong hininga na lang ako ng makita ang tinutukoy ni Daddy, nag-iwas ako ng tingin sakanya at tinignan kung ano ang niluto ni Manang.

"Tell Daelan to go here before lunch." simpleng sabi n'ya at sinarado ang dyaryo, tinapik n'ya muna ang balikat ko bago magsalita

"Everything will be okay." sabi n'ya at umalis na para tumungo sa kanyang opisina.

Tinapos ko muna ang sausage at sunny side-up na nakahanda sa hapag at pinuntahan si Ate sakanyang kwarto.

Nakahiga s'ya at masarap ang tulog sa kanyang kama, tinakbo ko ang distansya ng kanyang kama at pabigla na umupo doon.

"Gising na panget!" sigaw ko pero hindi effective kaya niyugyog ko s'ya. Agad n'yang hinawi ang kamay ko at nagtalakbong sakanyang kumot.

"Wake up! I'm bored! Kapag ikaw ang nanggigising ang galing mo!" sabi ko at tinanggal ang kumot n'ya

"Let me rest, hangover." sabi n'ya at nagtago ulit sa kumot

Ngumuso ako at humiga sa tabi n'ya. Makalipas ng ilang minuto ay gumalaw s'ya at tumingin sa akin.

"Why are you here anyway? Sobrang dalang mo lang mapadpad sa kwarto ko, anong meron?" tanong n'ya na kinibit-balikat ko na lang

"I'm just bored." sabi ko, mag-sasalita pa sana si Ate ng biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello?" It's Daelan

"Hmm..." aniya sa kabilang linya, mukhang kagigising lang. Tinignan ko ang orasan at alas-diyes na ng umaga.

"You don't have work for today?" tanong ko dahil kung meron ay kanina pa s'ya gising

"I have, I just want to hear your voice first." he chuckled

"My Dad wants you to visit before lunch, is it okay to you?" tanong ko at agad akong sinabi na sana sinabi ko muna kung busy s'ya ba ngayong araw na 'to

"Sure, pupunta lang ako sa building mamaya."

"Uhm... If you're busy, okay lang kung wag ka ng pumunta. I'll explain it to Dad." sabi ko

"No, pupunta ako d'yan before lunch. Wait for me, okay? Sa ngayon, kailangan kong pumunta sa building para agad akong makapunta sainyo." sabi n'ya

"Okay. Take care, okay?" sabi ko

"I will, I love you." sabi n'ya, tinignan ko muna ang katabi kong nakatingin sa kanyang phone

"I love you too." sabi ko at agad ko ng pinatay ang tawag dahil nagsimula ng tumawa si Ate

"I love you baby..." tukso n'ya at gumulong sa kama

"Shut up, ate!" sabi ko at inirapan s'ya

Nanood kami maghapon sa sala ng series na inaabangan n'ya, nakapatong ang bowl ng chips sa aking tyan habang nakahiga sa lap n'ya

Biglang may nag-doorbell pero hindi kami gumalaw ni Ate sa kinauupuan namin at hinintay na si Manang ang magbukas ng pintuan.

Nanatili ang mata ko sa tv nang biglang nagsalita si Manang.

SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon