Tahimik ako sa mahabang byahe pauwi, ganoon rin silang dalawa. Umingay lang ng may tumawag kay Ate.
"What?... Saan pinakita?... Pauwi pa lang kami ngayon... I'll tell her." iyon ang huling sinabi ni Ate sa kausap n'ya, nilingon ko s'ya para magtanong kung sino ang kausap n'ya. Malakas ang kutob ko na ako ang pinaguusapan nila
"Vee, may nag video nung nangyari kanina, I'm sorry." sabi n'ya at tinapik ang balikat ko.
Sinulyapan ko si Dael, nakakunot ang noo n'ya at umiigting ang panga. Para s'yang manununtok ng tao, hinawakan ko ang braso n'ya, ramdam ko ang biceps n'ya pero binalewala ko iyon dahil hindi ito oras para isipin iyon.
"I'm sorry." aniya at tinignan ako ng huminto ang sasakyan dahil sa traffic lights. Hinawakan n'ya ang pisngi ko, mainhin ang pagkakahawak n'ya kaya napapikit ako
"I'm truly sorry, I will fix this." sabi n'ya at nag simula na s'yang mag-drive
Noong nasa tapat na kami ng gate ay pinagbuksan n'ya kami ni Ate ng pintuan. Hinawakan n'ya ang bewang ko ng nasa labas na ako.
"Do you want to stay in our house for awhile? I'll cook." sabi ko, iniisip kung anong putahe ba ang iluluto ko. Kung Adobo ba o Binagoongan.
Kita kong umangat ang gilid ng kanyang labi, para bang hindi makapaniwala na marunong akong magluto! Ngumuso ako sakanya, marunong naman talaga akong magluto noon pero mas hilig ko ang kumain.
"You'll cook for me?" tanong n'ya at tumango ako
"Ano naman?"
"Adobo!" sabi ko dahil mas madali iyon lutuin kumapara sa Binagoongan and the smell of Binagoongan is not that good kaya adobo na lang.
"Upo ka muna." sabi ko at tinuro sakanya ang sofa. "Magbibihis lang ako." sabi ko, umupo s'ya doon at nagmadali na akong umakyat sa aking kwarto para makapagpalit. Naisip kong maligo muna at hindi ko alam kung anong susuotin ko.
Umabot ako ng siyam siyam sa pagpili ng isusuot, nagsuot ako ng grey shorts and white v neck shirt. Tinignan ko ang kama ko kung nasaan ang pinagpilian ko ng mga damit. Seriously, Vee? Bakit ba naisip kong mag-dress kung nasa bahay lang ako?
Mabilis kong pinatuyo ang buhok ko, lahat lahat ay naka isang oras ako at naguilty dahil pinaghintay ko ng ganoon katagal si Dael. Agad ko s'yang nakita sa sofa kung saan ko s'ya iniwan kanina, nakadikit ang kanyang phone sa kanyang tenga at may kausap. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila kaya hindi ko na s'ya tinawag, nung inangat n'ya ang tingin n'ya ay agad nagtagpo ang mga tingin namin.
Tinuro ko ang kusina para makasimula ng magluto, tumango s'ya. "Just a sec." sabi n'ya at umalis na ako doon.
Habang hinihintay na lumambot ang karne ay nasulyapan ko sa gilid ng mata ko si Dael na kapapasok lang ng kusina, agad n'y akong nakita at pumunta sa likod ko. Pinatong n'ya ang kanyang dalawang sa gilid ko, kinulong n'ya ako.
"I didn't know you can cook." sabi n'ya, pinatong ang ulo n'ya sa aking balikat. Huminga s'ya ng malalim para langhapin ang amoy ng aking niluluto
"It's just adobo so..." sabi ko at nagkibitbalikat na nahirapan akong gawin dahil nakapatong ang kanyang baba doon
Ilang sandaling ganoon ang pwesto namin ng bigla n'ya ang hinarap sakanya, nagulat ako kaya napasigaw ako.
Hinawi n'ya ang takas na buhok ko sa aking pisngi at nilagay iyon sa gilid ng aking tenga, napatingin ako sakanyang mata. Seryosong nakatingin sa akin bago pa ako nag-iwas ng tingin ay inilapit n'ya ang kanyang mukha sa akin at mabagal akong hinalikan.
BINABASA MO ANG
SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)
RomanceEverything changed for Venice in four years of existence in America but her heart remained cold. Maraming tao ang sumubok tunawin ang yelo sa puso n'ya pero hindi ito natinag. Just one person, one person from the past who will surely melt her coldne...